CH 1

19 1 0
                                    

CHESKA

"Hoy! Cheska ka aga aga mong nakatulala jan" Sigaw ni Eli. Haist kahit kailan talaga panira to. Yun na yun eh magkikiss na kami ni Remcel eh. Btw sya nga pala si Elisha Smith ang pinakamadaldal na taong kilala ko pero love ko yan dahil bestfriend ko sya at saka pinsan sya ng pinakamamahal ko. Diko nga rin alam kung bakit ko naging kaibigan yan eh charot.

"Kainis ka naman Eli eh!" Inis kong sabi sakanya

"Nangangarap ka na naman siguro ng gising noh?" Tanong nya at naalala ko yung muntik na kami mag kiss panira naman kasi tong si Eli eh.

•///////• ako  <_< sya

"Oo at sinira mo yon! Haist ayun na eh" Bulong ko at dahil malakas ang pandinig ng isang to siguradong narinig nya yun.

"Hay naku Cheska kahit na natuloy pa yun alam na alam naman natin na hindi naman totoo yun noh!" Sabi nya. Kahit kailan talaga napaka kontrabida ng isang to. Dina tumatalab sakin yung mga ganyang salita kasi sanay na sanay na ako at namanhid na nga ata ako sa sobrang katangahan ko.

"Hay naku atleast kahit sa pangarap nangyari" Pagdepensa ko

"Bahala ka nga jan! umasa ka kahit kailan mo gusto!" Sabi nya at tumahimik na, haist salamat naman at lumubay na sya.

Btw ako nga pala si wow tagalog na tagalog ok eto na talaga. Im Francheska Lei Mendez but they call me Cheska for short. I'm 18 years old and Im fourth year highschool. Soon to be wife of Remcel James Smith charot hanggang pangarap nalang ata yun.

Tawagin nyo na akong tanga, feelingera, baliw, desperada, martyr o kung ano pa man basta ang alam ko lang Im truly, madly and deeply inlove with him. Title talaga ng kanta yun guys hahahaha pero seryoso Im really inlove with him. Im chasing him since first year high school and until now.

Diko rin alam kung bakit ako baliw na baliw sa kanya ginayuma ata ako nun eh pero syempre charot lang. Mag aapat na taon ko na syang kinukulit pero hindi nya parin ako nagugustuhan. But I believe that he will love me someday and when that day comes that will be the happiest day in my life. Wow straight english yun ah.

Sa kakatulala ko diko namalayan na lunch break na pala. Im so excited and I just can't hide it~~~. Uy napakanta sya sa isip nya hahahaha kaya sobrang excited ko ngayon yun ay dahil makikita ko si Remcel.

"Bilisan mo jan Eli!" Pagmamadali ko kay Eli kase naman sobrang kupad nyang kumilos kami na nga lang ang naiwan dito sa room eh.

"Oo na! Eto na! Napaghahalataang sobrang excited mo ghorl" Sabi nya

"Whatever" Inis kong sabi sabay irap sa hangin.

Pagkatapos ng sampung dekada natapos narin ang lola nyo sa pagliligpit ng gamit nya.

Naglakad na kami papuntang cafeteria at gaya ng dati sa table kami nila Remcel umupo. Dito kami palaging umuupo kapag lunch break buti nga di umangal si Remcel eh pero pag nandito kami feeling ko parang hangin lang ako sakanya.

"Oy baka matunaw yan" bulong sakin ni Calix. He is Calix Klein Swift bestfriend of Remcel at naging kaibigan narin namin ni Elisha.

"Bakit ice cream ba yan ha? Para matunaw" Sabi ko

"Napakapikon mo talaga Lei kahit kailan" Sabi nya

Kung napansin nyo hindi Cheska ang tawag nya sa akin gusto raw kasi nya Lei ang tawag nya sa akin dahil Lei din daw ang pangalan ng kababata nya kaya ayun hinayaan ko nalang sya kahit na ang tanging taong tumatawag lang sa akin ng Lei ay yung childhood bestfriend ko na nakilala ko sa province nila Lola which is naaalala ko rin ito kay Calix pero imposibleng sya yun.

"At ikaw napaka pang asar mo" Sabi ko

"Hoy kayong dalawa tumigil na kayo at kumain na tayo" Sabi ni Khairo. He is Khairo Sy bestfriend of Remcel at syempre gaya ni Calix naging kaibigan din namin sya. May sasabihin ako sa inyo pero secret lang ah si Elisha may lihim na pagtingin kay Khairo at gaya ko di rin sya masyadong ineentertain ni Khairo. Pero alam ko na may gusto rin si Khairo sa kanya sadyang torpe lang. Buti pa nga si Elisha gusto ng gusto nya kahit di nito pinapahalata samantalang si Remcel haist kailangan ko pa atang gayumahin yung lalaking yun para lang magustuhan nya ako eh.

Katabi ko si Remcel sya ang nasa right side ko at si Calix naman sa left side. Medyo nilapit ko ang upuan ko kay Remcel at napansin nya yun kaya napatingin sya sa akin pero saglit lang at itinuon nya na ulit ang atensyon nya sa pagkain.

"Remcel" Mahina kong tawag sa kanya para di ako mapansin ng iba naming kasama. Hindi nga nila ako napansin at etong si Remcel di ako nililingon patay malisya ang lolo nyo.

"Psstt! Remcel" Tawag ko ulit sa kanya at this time lumingon na sya pero halata sa itsura nya ang pagkairita. Haist ang gwapo mo parin kahit naiirita ka.

"Bakit ba?" Pagalit nyang tanong at hindi nya iyon ibinulong kaya narinig kami nila Elisha kaya ayun sa akin ang atensyon nila at hinihintay nila akong sumagot.

"Guys uuwi kasi si Ate sa friday at may pa welcome party sya sa saturday at syempre invited kayo sana makapunta kayo lalo kana Remcel" Sabi ko sabay tingin kay Remcel. Tumingin ako kay Remcel at hindi na iritado ang itsura nya bigla ngang lumiwanag ang mukha nya eh. Anyare? Kanina lang iritang irita sya sakin.

"Oo naman kami pa di pumunta" Sabi ni Elisha

"Naku excited ka lang kasi marami kang makikitang gwapo" Pang aasar ni Calix. Alam kong pinagseselos lang ni Calix si Khairo at mukhang effective yun dahil bigla itong nabadtrip.

"Hay naku Calix tigil tigilan mo ako ah loyal ako kay ano pero Cheska pupunta ba lahat ng pinsan mo?" Tanong ni Eli hahahaha itong babaeng to talaga.

"Loyal daw" Pang aasar ni Calix

"Loyal talaga ko noh! Nagbibiro lang naman eh" Sabi nya

"Sigurado ka Eli na loyal ka? Pano kung sabihin kong nandun si Zeke" Sabi ko at bigla syang natigilan. Si Zeke ay ang ex boyfriend ni Eli at lately sinasabi nya sa akin na parang naguguluhan sya kung sino ang gusto nya kay Khairo at Zeke. Ewan ko ba jan dati ang tanging gusto lang nya ay si Khairo pero ngayon parang gusto parin daw nya si Zeke marahil nawawalan na sya ng pag asa kay Khairo. Ako mukhang malabong sumuko kay Remcel sa tatlong taon ba namang pagpapakatanga ngayon pa ba ako susuko?

"Zeke? Sino yun?" Nagtatakang tanong ni Calix

"Ex-boyfriend nya" Sabi ko at lalong nag iba ang timpla ni Khairo hay naku kung ako sakanya sabihin na nya ang nararamdaman nya kay Eli bago pa mahuli ang lahat.

"Bakit natahimik ka?" Tanong ko

"Wala, tara na malapit na mag start yung klase" Sabi nya at tumayo na

"Ok, guys alis na kami" Pagpapaalam ko sakanila pero agad din akong napahinto kaya napahinto rin si Eli.

"Remcel punta ka ah!" Sabi ko pero di sya sumagot tumingin lang sya sa akin ng walang halong emosyon kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Haist Remcel kailan mo ba ako bibigyan ng atensyon?

Chasing Him [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon