CH 2

9 1 0
                                        

CHESKA POV:

Nandito kami ngayon sa gym pinapanood namin sila Remcel magbasketball. Practice lang naman di naman sya actual game. Sa totoo lang dati hate na hate ko ang panood ng basketball pero simula nung nagkagusto ako kay Remcel nahilig ako sa panonood pano ba naman varsity sya dito sa school and kung nasaan sya nandoon din ako kaya ayun nahilig ako.

Kung nagtataka kayo kung bakit kami nandito yun ay wala kasi kaming klase ngayon nakaleave ung teacher namin kaya tamang silay lang kami dito ni Eli.

"Eli sorry nga pala kahapon" Sabi ko kaya nabaling sa akin ang atensyon nya na kanina ay na kay Khairo.

"Para saan?" Nagtatakang tanong nya

"Sa nabanggit ko kahapon sa canteen yung tungkol kay Zeke napansin ko kasi na biglang nagbago ang mood mo" Sabi ko

"Ahh yun ba ayos lang mabuti nang alam nila yung tungkol kay Zeke para hindi na sila magtanong kung sakaling magkita kami sa party" Sabi nya

"Umamin ka nga Eli gusto mo parin ba si Zeke?" Tanong ko na ikinagulat nya

"Cheska tapos na sila magpractice tara lapit tayo sa kanila" Pag iiba ni Eli, mukhang ayaw nyang pag usapan ang bagay na iyon kaya hinayaan ko nalang at lumapit na nga kami kela remcel syempre uunahin ko sya hahahha harot eh.

"Hi guys!" Bati ko sakanila sabay wave at binati rin nila ako maliban kay Remcel, sanay naman na ako roon kaya ayos lang.

Palapit ako ngayon kay Remcel para abutan sya ng inumin pero sa di inaasahan bigla nalang akong na out of balance kaya natumba ako sa harap nya. Shit nakakahiya di lang kasi kami ang tao rito sa gym. Narinig kong napatawa yung ibang nakakakita pero dahil wala akong hiya inignore ko lang yun. Narinig ko rin na tinanong nila Eli kung ayos lang ba ako pero tumango lang ako.

"Tsk napaka lampa talaga" Rinig kong bulong ni Remcel. Tignan mo to pabulong bulong pa di manlang ako tulungan tumayo. Patayo na sana ako ng biglang iabot ni Calix ang kamay nya sa akin kaya agad ko itong inabot at inalalayan nya akong tumayo.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalala nyang tanong

"Oo ayos lang ako, salamat" Sabi ko sabay ngiti ng matamis.

Sa totoo lang mabait naman talaga itong si Calix minsan nga naiisip ko na sana sya nalang ang nagustuhan ko pero agad din nawawala un dahil alam kong ang tanging laman lang nang puso ko ay si Remcel.

"Remcel eto oh tubig para sa iyo" Sabi ko sabay abot sakanya nung bottle water na hawak ko

"No thanks hindi ko kailangan nyan lalo na't sayo manggagaling" Walang kaemoemosyong sabi nya.

Aaminin ko nahurt ako sa sinabi nya, kahit talaga sanay na ako di talaga maiiwasang masaktan parin ako. At dahil makulit ako ipinilit ko parin.

"Sige na kunin mo na to pls" Sabi ko sabay paawa kahit na alam kong di yun tatalab sa kanya.

"Sinabing diko yan kailangan eh" Galit nyang sabi sabay tabig sa inuming hawak ko at naglakad sya palayo na parang walang nangyari. Napakatigas talaga ng puso nya pagdating sa akin.

Nasaksihan yun lahat ng mga taong nandito sa gym at pinagbubulungan na nila ako ngayon. Kita ko ang awa, inis, tuwa sa mga mukha nila.

Hinabol nila Calix at Khairo si Remcel at nilapitan naman ako ni Eli.

"Ayos kalang ba Cheska?" Nag aalala nyang tanong

"Oo naman sanay nako noh" Sabi ko sabay ngiti ng peke. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko at agad ko rin itong pinunasan.

"Ganyan ba ang ayos ha?" Tanong nya

"Wag ka nang mag aalala ayos lang ako di naman ganun kasakit medyo lang" Ngumiti ako ng peke

"Hay naku Cheska wag ka ng magpanggap, halika nga rito!" Niyakap nya ako. Ibinuhos ko ang mga luha ko habang nakayakap ako sakanya.

"Masakit parin pala noh? Kahit sanay ka na" Pag dadrama ko sakanya

"Hay naku pasalamat ka di kita mapagsabihan dahil alam kong pagsasabihan mo rin ako dahil parehas lang tayo ng kalagayan"

Yun ang alam nya, alam nya di rin sya gusto ni Khairo pero ang totoo may pagtingin din ito sakanya sadyang manhid lang sya habang torpe naman si Khairo. Haist ang komplikado rin nilang dalawa eh.

"Buti alam mo!" Sabi ko pero gusto kong sabihin sakanya na di kami parehas dahil sya nagpapakatanga sa taong mahal din sya habang ako nagpapakatanga sa taong di ko alam kung posible ba akong mahalin.

"Aray! Napakasakit!" Daing ko kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sakanya at napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit na naman ng ulo. Napapadalas ang pag sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung bakit.

"Cheska gusto mo dalin kita sa clinic?" Natatarantang tanong nya

"Eli napakasakit ng ulo ko! Aray!" Muli kong daing at inalalayan nya akong makalakad para makapunta kami sa clinic

"Mukhang napapadalas ata yung pag sakit ng ulo mo?" Nag aalalang tanong nya nung makarating kami sa clinic.

"Kaya nga eh napapansin ko rin" Minasahe ko ang temple ko para maibsan ng konti ang sakit

"Bakit di kapa magpacheck up?"

"Ayoko magpacheck up natatakot ako" Nakakatakot naman kasi talaga diba mamaya matuklasan ko pa na may sakit ako or di kaya di lang isa sakit ko ah basta ayoko.

"Gaga mamaya iba na yan eh" Kita ko ang pag aalala sa mga mata nya pero ayoko talaga eh.

"Basta ayoko" Tawagin nyo na akong duwag pero ayoko talaga.

"Wag ka na mag alala simpleng sakit lang siguro ng ulo to" Pagpapakalma ko sa kanya at pati narin sa sarili ko.

"Sana nga" Hay ang nega talaga neto kahit kelan

Chasing Him [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon