CHESKA POV:
"Ano yun ha? Bat may payakap yakap pa kayo ni Khairo?" Tanong ni Calix. Sakto lang ang dating nya.
"Wala yun selos ka na naman noh?" Pagbibiro kong tanong
"Pano kung oo?" Seryoso nyang tanong pabalik. Seryoso ba talaga sya?
"Joke lang pero seryoso ano pinag usapan nyo?" Tanong nya at napahinga naman ako ng maluwag nung narinig ko ang sinabi nya. Akala ko talaga seryoso sya kanina eh.
"Ayun kinumbinsi kong umamin na sya kay Eli" Sabi ko
"Alam mo napaka manhid ni Eli sya lang ang di nakakahalata na gusto sya ni Khairo" Sabi nya
"Hay naku sinabi mo pa kaya nga pinalakas ko ang loob ni Khairo para magkaliwanagan na silang dalawa at bago pa mapunta sa iba si Eli" Sabi ko
Tinawag ako ni Ate dahil ipapakilala na raw kami ngayon ni Remcel sa lahat ng taong nandito. Iaanounce raw nila ngayon ang engagement namin ni Remcel.
Nang makarating ako sa table nila Mama kung saan din nakaupo si Remcel at mga magulang nya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Remcel. Ibang iba sya ngayon sa Remcel na palaging masungit at seryoso. Sobrang saya nya at ano naman kaya ang dahilan nun?
"Good evening to all of you. Thank you for attending tonight. We have a very special announcement. And Im proudly to say to all of you here that my daughter and the son of my good friend Remz Smith are now engaged. Please come here Francheska and Remcel" Sabi ni Papa at nagpalakpakan naman ang mga bisita.
Ngiting ngiti ako habang umaakyat kami sa stage dati iniimagine ko lang ito ngayon nangyayari na. Napansin kong nawala ang mga ngiti sa mukha ni Remcel at nakita ko rin na nagulat sya. Siguro dahil ang inaasahan nya ay si Ate at hindi ako. Pero bakit naman ganun nung narinig nyang ako bigla na naman syang bumalik sa dati? Ganun ba talaga nya ako kaayaw?
Nagtungo kami ni Remcel sa stage. Nasa tabi ko sya ngayon at ngumiti kami sa mga bisita. Halatang halata na peke lamang ang mga ngiti nya. Alam ko naman eh na ako lang ang masaya sa magaganap na kasal namin dahil di naman nya ako gusto pero ayos na sakin yun. Madala ko lang ang apleyido nya at makasama ko lang sya sa iisang bubong ay masaya na ako.
"Tita excuse us may pag uusapan lang po kami" Sabi ni Remcel kay Mama bakit parang kinakabahan ako sa maaaring mangyari kapag nag usap kami?
"No problem hijo go ahead" Sabi ni Mama
Hinila nya ako at dinala nya ako sa likod ng bahay namin. Anong pag uusapan namin dito?
"Anong pag uusapan natin Remcel?" Tanong ko at hinarap naman nya ako nang walang kaemoemosyong mababakas sa mukha nya. Nakakatakot sya tumingin na para bang anytime kaya nya akong saktan.
"Bakit ikaw?" Galit nyang tanong. Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko
"Bakit ikaw ang pakakasalan ko?" Galit nyang tanong ibang iba ang aura nya ngayon sobrang nakakatakot sya.
"Sumagot ka!" Sigaw nya sa akin. Sobrang lakas ng tibok nang puso ko
"Bakit? Ano naman kung ako ha?" Pasigaw kong tanong. Napasigaw narin ako dala nang emosyon ko. Pinipilit kong maging matapang kahit na takot na takot nako.
"Tinatanong paba kung bakit? Alam na alam mong ayaw na ayaw ko sayo! Bakit ba pinagpipilitan mo parin yang sarili mo sakin?" Galit nyang tanong
"Kasi mahal na mahal kita kaya ako nagkakaganito! Bakit ba kasi ayaw na ayaw mo sakin? May nagawa ba ako sayo ha?" Tanong ko pero sa mababang tono na at diko narin napigilan ang pag agos nang mga luha ko.
"Tandaan mo ito Cheska! Hinding hindi ka magiging masaya sa piling ko! Tandaan mo yan!" Galit nyang sabi sabay lakad palayo.
Hinawakan ko ang braso nya at nagulat ako ng iwinasiwas nya yun kaya napabagsak ako sa sahig.
"Ouch" daing ko at nakita ko na nagasgasan ang palad at binti ko.
Lumingon sya pero blanko parin ang expression nya.
"Tsk buti nga sayo clumsy" Tumalikod sya at naglakad palayo pagkatapos nyang sabihin sakin ang mga yun.
Nasaktan na nga ako ininsulto pako kung sa ibang babae nya to ginawa sigurado matagal nang sumuko sa kanya pero dahil dakilang tanga at masokista ako hindi ko kayang sukuan sya.
Minsan naiinis narin ako sa sarili ko naiinis ako kung bakit sa kanya pa tumibok ang puso ko naiinis ako kung bakit kahit paulit ulit nyang iparamdam sakin na di nya ako gusto paulit ulit parin akong nagpapakatanga sa kanya.
Why Remcel? Bakit mo ko sinasaktan nang ganito? Pero I swear I will chase him sa abot ng makakaya ko. I will make you fall in love with me Remcel I swear someday you will say that you love me.

BINABASA MO ANG
Chasing Him [Slow Update]
أدب المراهقين"Totoo ngang kapag nagmahal ka gagawin mo ang lahat para mapaibig mo sayo ang taong mahal mo. Totoo din na kahit mukhang sobrang liit ng chance na mahalin ka rin nya kakayanin mo lahat ng sakit dahil naniniwala ka na lahat nang bagay ay dapat pinagh...