CHESKA POV:
Balitang balita na dito sa school ang engagement namin ni Remcel. Maraming natuwa pero syempre marami ring nagulat at nainis. Pero syempre kailangan kong kumalma kaya heto deadma lang ang lola nyo.
"Cheska bakit nga pala di kana bumalik sa party pagkatapos iannounce yung engagement nyo?" Tanong ni Eli.
Nandito kami ngayon sa cafeteria lunch break na kasi. Napatingin ako kay Remcel at nagulat ako dahil nakatingin din sya sakin.
"Sumakit kasi bigla yung ulo ko kaya napagpasyahan ko nalang na magpahinga sa kwarto ko" Pagpapalusot ko at naniwala naman sila.
"So kelan ang kasal?" Tanong ni Eli
"Wala pang date" Tipid kong sagot
"Sana all ikakasal na" Pagbibiro ni Eli
"Edi pakasal narin tayo kung gusto mo" Pagbibiro rin ni Khairo. Oo nga pala guys sila na, nagkaaminan na sila nung party remember yung time na kinausap ko si Khairo? Sobrang saya ko nga eh sa wakas sasaya na tong bruha kong kaibigan.
"Oy ang lalandi nyo" Bitter na sabi ni Calix
"Palibhasa di ka gusto ng gusto mo kaya gumaganyan ka!" Sagot ni Khairo. Ouch ha tinamaan ako sa word na dika gusto ng gusto mo
"May nagugustuhan kana pala! Sino yung malas na babae?" Tanong ko na may halong biro.
"Sino paba edi i-" Pinutol ni Calix yung sasabihin ni Khairo kaya nagtaka ako
"Oy Calix bakit mo pinutol yung sasabihin ni Khairo? Kilala ko ba yung gusto mo?" Tanong ko
"Oo kilalang kilala" Seryoso nyang sabi direkta sa mga mata ko kaya medyo nailang ako kaya napaiwas ako ng tingin at saktong nabaling iyon kay Remcel na nakatingin din sakin.
Bakit ba sya tingin ng tingin? Kenekeleg teley eke(kinikilig tuloy ako) putchang dila to pumapalipit hahahahaha sorna guys so back to reality.
Ang sarap sarap ng kain ko nang biglang lumapit sa akin si Calix as in lapit na lapit sa mukha ko yung mukha nya kaya nailang ako.
"Tsk ang kalat mo talaga kumain" Sabi nya at pinunasan nya yung gilid ng labi ko. Sa sobrang tense ko napainom ako ng tubig ng wala sa oras.
"Woy kayo ah may namamagitan ba sa inyong dalawa?" Biglang tanong ni Eli at muntik na akong masamid hanep na yan kakagulat naman kasi tong bruhang to atsaka ano bang klaseng tanong yan.
"Wala noh" Sabi ko at ewan ko ba bakit ako napatingin na naman kay Remcel and as usual poker face parin sya di manlang ba sya magseselos kahit konti? Sabagay bakit nga ba sya magseselos eh di naman ako ang gusto nya and honestly it hurts.
"Ano ba namang tanong yan Eli ikakasal na si Lei" Sagot ni Calix
"Biro lang naman ang seryoso nyo kasi" Sabi nya
"Guys half day daw ang klase ngayon" Ayos walang klase haha tuwang tuwa kami sa ibinalita ni Khairo
"Gala tayo" Pag aaya ni Eli great idea magkakaroon kami ng time ni Remcel kapag sumama sya...please sana mapapayag nila si Remcel
"Sige sige game ako" Sang ayon ni Calix
"Game din ako" Pag sang ayon din ni Khairo
"Count me in" Wow english yun ah para maimpress si crush haha
"Oh ano bro sama kana" Pag aaya ni Khairo kay Remcel
"Oo nga bro wag kang kj sumama kana" Pangungulit din ni Calix yan ganyan nga galingan nyo ang pag aya sa kanya haha
"Tsk ok" Oh my gosh pumayag sya
"Woy nginingiti ngiti mo dyan Lei" Hay naku panira talaga ng moment tong si Calix parehas sila ni Eli
"May naalala lang ako" Palusot ko
"Naalala mo na naman ako" Aba't assumero talaga tong si Calix kahit kailan
"Wag ka ngang assuming" At ayun napapout sya
"Sama mo" Kunyare pa na nagtatampo ang loko
"Ang panget mo para kang bakla" Pagbibiro ko at nagulat ako nung sumeryoso ang mukha nya. Shit oo nga pala ayaw nyang nasasabihan ng bakla.
"What did you just say?" Galit nyang tanong kainis naman oh napaka pikon talaga neto. Magsasalita na sana ko kaso naunahan nya ako.
"Hahaha ang epic ng mukha mo" Tignan nyo tong gagong to nanloloko lang pala
"Tsk bakla" Pang aasar ko at natahimik na naman sya tsk kung akala nya maloloko na naman nya ako no way dina noh
"Sino ngayon ang bakla" Oh my gosh he kiss me yes he really kiss me. Gulat na gulat ako sa ginawa nya although sa cheeks lang yun pero diba nakakagulat parin kasi sobrang unexpected ng ginawa nya.
"Tsk flirt" Bulong ni Remcel nung pag tapat nya sa gawi ko
"Woy anyare dun?" Tanong ni Eli
"Ewan ko ba dun napaka moody talaga" Sagot ni Khairo habang nakatingin kay Remcel na naglalakad palayo samin
"Hoy ikaw Calix bakit mo hinalikan si Cheska may gusto kaba sa kanya?" Nashock ako sa tanong ni Eli. Napatingin ako bigla kay Calix at nakatingin din sya sakin nailang ako kaya nag iwas ako ng tingin.
"Wala noh eh kasi naman sinabihan nya ako ng bakla" Nakahinga ako ng malalim nung narinig kong wala syang gusto sakin kasi kung totoong meron baka maawkward na ako sa kanya.
"Sorry Lei" Alam ko na ang oa ko pero gusto ko kasi lahat ng first ko si Remcel ang baliw lang pakinggan noh? Wala eh patay na patay ako sakanya
"It's okay just don't do it again ok?"
"Promise I won't do it again" Mabuti naman
"Tama na yan tara na gala na tayo" Okay na sana kanina eh yun na oh kasama na si Remcel kaasar lang at biglang nagbago ang isip nya. Ano kaya nangyari dun? Nagselos kaya sya? Hell no imposible yun Cheska ang assuming mo talaga.

BINABASA MO ANG
Chasing Him [Slow Update]
Teen Fiction"Totoo ngang kapag nagmahal ka gagawin mo ang lahat para mapaibig mo sayo ang taong mahal mo. Totoo din na kahit mukhang sobrang liit ng chance na mahalin ka rin nya kakayanin mo lahat ng sakit dahil naniniwala ka na lahat nang bagay ay dapat pinagh...