CH 4

7 1 0
                                    

CHESKA POV:

*PARTY*

Unti unti nang nagdadatingan ang mga bisita. Nandito narin ang ilan sa mga kamag anak namin, close friends ni Ate at mga katrabaho nila Papa at Mama.

Natanaw ko na sila Eli kaya naman sinalubong ko sila. Shit ang gwapo at hot ni Remcel sa coat nya. Bago pako mahuli ni Remcel na nakatulala sa kanya ibinaling ko na kila Eli ang atensyon ko.

"Hi guys" Bati ko sakanila

"Hi Cheska" Bati ni Eli sabay beso sa akin at ganun din ang ginawa nila Calix at Khairo. As usual walang pake tong si Remcel patingin tingin lang.

"You look great tonight" Sabi ni Calix sabay ngiti. Eto talagang lalaking to napaka sweet minsan pero minsan napakapang asar.

"Thanks infairness nagmukha kang tao dyan sa suot mo" Pang aasar ko

"Wow pagkatapos kitang purihin gaganyanin mo lang ako" Nagtatampong sabi nya

"Eto naman oh di karin mabiro minsan eh You also look great. Yan napuri narin kita happy kanaba?" Pang aasar ko

"Parang napilitan lang eh" Sabi nya

"Tigilan nyo na nga yan. Guys hiramin ko muna tong si Cheska ah" Sabi ni Eli

"Sige kahit di mo na isoli" Pang aasar ni Calix at sinamaan ko lang sya ng tingin.

Dinala ako ni Eli sa di masyadong maraming tao.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong

"Binalita kasi sa akin ni Remcel na inarrange marriage sya ng papa nya sa ate mo. Ayos kalang ba?" Nag aalalang tanong nya. Nagkukwento pala yung robot na yun.

"Oo ayos lang ako sa totoo nga lang sobrang sayo ko ngayon eh" Sabi ko at nagtaka naman sya. Di nya pa kasi alam na hindi na si Ate ang ipapakasal kay Remcel.

"Ano masaya ka pa? Wag ka ng magpanggap Cheska di bagay" Sabi nya

"Ano kaba Eli di ako nagpapanggap noh atsaka totoo namang sobrang saya ko ngayon. Hindi na kasi si Ate ang ipapakasal kay Remcel" Masaya kong sabi

"Pero kung hindi na ang ate mo, sino?" Nagtatakang tanong nya

"Walang iba kundi ako" Masayang sabi ko at namilog ang mga mata nya sa sobrang gulat

"Ikaw? Omg ghorl kaya pala sobrang saya mo! Congrats Magiging pinsan na kita!" Masayang sabi nya at napakayap pa nga ito sa akin sa sobrang saya.

"Thanks ghorl" Sabi ko

"Buti kapa makakasal sa taong mahal mo. Ako kaya?" Malungkot nyang tanong

"Ang manhid mo kasi eh" Bulong ko

"Anong sabi mo?" Tanong nya at mukhang di naman nya narinig yung sinabi ko

"Wala! Wag kang mag alala malay mo maikasal ka rin kay Khairo in the near future" Nakangiti kong sabi

"Sana nga" Sabi nya

"Hi girls!" Bati ni Zeke samin. Kagulat naman tong isang to bigla nalang sumusulpot.

"Kagulat ka naman couz" Sabi ko

"Sorry couz pwede ko bang mahirap saglit si Eli?" Tanong nya at nakita kong nagulat si Eli

"Oo naman basta ba ibabalik mo ulit yan ng buong buo eh" Pagbibiro ko sakanya at hinampas naman ako ni Eli sa braso pero syempre mahina lang.

"Oo naman ikaw talaga" Sabi nya at umalis na sila. Haist nawalan tuloy ako ng kausap. Natanaw ko yung pwesto nila Calix sa di kalayuan kaya napagpasyahan kong lapitan sila. Napansin kong di nila kasama si Remcel nasaan kaya yun?

"Oh bat ikaw lang mag isa bumalik? Nasaan si Eli?" Tanong ni Calix at mukhang inaantay din ni Khairo ang sagot ko

"Ayun inagaw sa akin ni Zeke" Sabi ko sabay tingin kay Khairo at napansin ko ang selos sa mga mata nya.

"Calix kuha mo naman ako ng dessert oh" Sabi ko sabay paawa sa kanya. Gusto ko kasing makausap tong si Khairo tungkol sa kanila ni Eli. Mas bet ko kasi sya kesa sa pinsan ko dahil alam ko na mas sasaya si Eli sakanya kesa sa sarili kong pinsan.

"Sige wait lang" Sabi nya

"Salamat" Sabi ko.

Medyo matatagalan si Calix dahil medyo marami rami rin ang tao sa dessert section at tamang tama yun para makapag usap kami ni Khairo ng maayos.

"Khairo tapatin mo nga ako may gusto ka kay Eli noh?" Tanong ko at napatingin naman ito sa akin at bakas sa mukha nya ang pagka gulat.

"Wala noh bakit mo natanong?" Tanong nya. Sinungaling ka ako pa niloko mo.

"Wag ka nang magsinungaling Khairo halatang halata sa mga kilos mo na gusto mo rin si Eli kaya lang torpe ka kaya di mo maamin habang eto namang si Eli manhid" Sabi ko

"Tama ka Cheska gusto ko sya at naiinis ako sa sarili ko dahil napaka torpe ko" Sabi nya

"Khairo kung ako sayo umamin kana sa kanya bahala ka baka bukas o sa mga susunod na araw hawak na sya ng iba" Seryoso kong sabi

"Salamat Cheska pero matanong ko lang bakit parang mas gusto mo ako para kay Eli kesa kay Zeke na sarili mong pinsan?" Tanong nya

"Nararamdaman ko kasi na ikaw talaga ang totoong gusto ni Eli at hindi si Zeke. At alam kong mas deserve mo sya kesa sa pinsan ko kasi diba kung totoong mahal nga sya ni Zeke bakit nya parin nagawang lokohin si Eli? At alam kong hinding hindi mo magagawa ang bagay na iyon kay Eli right?" Tanong ko sakanya. Kaya kasi naghiwalay tong si Eli at Zeke yun ay dahil nahuli ni Eli na may ibang babae si Zeke at diko naman na ikinagulat yun dahil dakilang babaero talaga yung pinsan ko.

"Oo naman hinding hindi ko sya kayang lokohin and thank you for trusting me ipinapangako ko sayo na hindi ka nagkamali ng pinanigan" Sabi nya

"Dapat lang kasi pag niloko mo si Eli di kita lulubayan kapag namatay na ako" Pagbibiro ko

"Ano kaba diko talaga magagawa yun noh atsaka tigilan mo nga yung ganyang biro masama yan" Sabi nya

"Ano kaba alam naman natin na lahat tayo mamamatay din kapag oras na natin and Im ready for that day" Sabi ko. Yes tanggap ko na and alam ko naman na magiging masaya ako bago ako mawala dahil yung isa sa mga pangarap ko malapit ng matupad yun ay ang maikasal kay Remcel.

"Oo tama ka naman pero sa susunod wag ka nang magbabanggit ng mga ganyang bagay ha" Sabi nya

"Oo sige na hiramin mo muna si Eli kay Zeke" Sabi ko

"Sige Salamat ulit Cheska" Sabi nya sabay yakap sakin

"Ano kaba maliit na bagay" Sabi ko sabay ngiti

"Kaya mo yan!" Sabi ko sabay tap sa balikat nya and he just mouthed "I will"

Chasing Him [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon