Chapter 4: Zoomed

27 1 0
                                    

"Kuyang Kape!!" +______+

Geeez!

Nasa tapat nako ng kotse ko ng may tumawag.

Hindi ba ko titigilan ng Babaeng to at talagang sinundan pa nya ako dito sa may parking lot.

Gusto ko na magpahinga. Tss.

Nilingon ko sya para matapos na.

Sinagot ko lang with may poker face. =______=

"Kuya, Pede bang pengeng pamasahe pauwi? Naubos ko kasi pera ko nung bumili ako ng Gummy Bears at nitong mga kaibigan ni Hello Kitty sina Melody. Kanina dun sa loob. Hehehe. ^___^V Tsaka baka hinahanap nako ni Mommy. Gabi na. *pout* Tutal may atraso ka pa sakin, Pinaliguan mo yung Baby Hello Kitty ko. Kaya Dalii na. Pengeng pamasahe." Sabay kiskis sa dalwa nyang palad at inilahad sa harap ko.

Kutusan ko kaya to? +__+

Stranger na tinapon yung inumin ko, tapos ngayon ang lakas manghingi ng pera sakin. (-.-"

Hindi ko sya pinansin. Nilagay ko na yung mga paperbags sa back seat.

*poke* *poke* ( > . >

"Kuyaaaa! Penge ng Pera kawawa na si Hello Kitty ko oh. Nilalamig na sya. Wala pa naman syang Jacket. *pout*"

Tiningnan ko yung itsura nya. Pero mabilis lang. -.-

Naka t-shirt syang white na may print na maliliit na pusang may ribbon. Pero may mga tilamsik sya ng.... Uhh Frappé.. Sa kanyang shirt. -.-

At naka Ripped Jeans na parang Jumper kasi may sakbitan na dalwa dun sa balikat pero isa lang yung naka sakbit, dahil yung isa naka baba na. With matching sneakers.

Galing ko mag describe. Tsss. Parang bakla. -___-""

Medyo maputi rin ang kutis, mahaba yung eyelashes na mataas. Pointed na nose at--err.... reddish lips. Tama lang ang height pero mas matangkad pa din ako. Sympre. Okay lang ang pangangatawan mukang napapakain naman ng tatlong beses sa isang araw. Tsaka Flat-- Uhh. Nevermind.

Mabilis lang yan. =__=

Bat ko nga ba dinedescribe sainyo tong babaeng to?

*poke poke* "Yuhooooo! Calling Kuya back to Earth! Hello Kitty, gisingin si Kuyaa."

I blink twice. Natulala ba ko sakanya?  Damn. Baka lagyan nyo pa ng malisya. Tch. Ano bang nangyayari sakin? Nakakahiya e. =(>__

"Ito o umuwi kana." Cold Voice baka makahalata pa.

Binigyan ko sya ng 1000 peso bill. Iyon yung nakuha ko agad e. Bakit ba?

*o*  ganyan yung reaction nya pero Ibinalik nya agad sakin yung pera.

"Anlaki naman. Baka mapagalitan kami ni Hello Kitty ng Mamang Driver nyan at walang panukli. Sikwenta nalang. Hehehe. ^__^V"

Demanding.

"Wala."

"Dalii na."

"Wala nga."

"Osige na nga ibabalik ko nalang sayo ang sukli ah? Sabi kasi ni Mommy masama daw ang di honest e."

"......."

"Byeee Kuyaa! Thankyou sa pamasahe! Ibabalik ko. Promise! Mejo galit pa din ako ha. Hehehe. Ba-Bye. *kaway kaway*"

Whatever. Parang Bata. Grabe! =__=

Sumakay nako sa Kotse at nagsimula na mag drive pauwi. Paliko nako pero Nadaanan ko yung sakayan ng Jeep papuntang Lemery.

At parang may pinagkakaguluhan yung mga lalaki dun.

Hindi ko mapansin masyado ang nangyayari pero parang may Hindi Tama.

At ewan ko ba pero may nagtulak nalang sakin na pumunta dun.

Ipinark ko ang sasakyan ko at lumapit nako at tiningnan ng mabuti yung.... Wengya! Di ko makita. Nakatalikod kasi e.

Mas lumapit pa ako saka ko pinagmasdan yung

Babae?

o.o

O.O

"Shit."

Si
.
.
.
.
.
.
.
Hello Kitty.

****

A/N: Yay! Haba nito. Haha. Okay ba?

Ano kayang Feedback nyo? Free lang mag comment. Hihihi. Sige! :))

~loveees.

@jennelieee

My Moron Girl. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon