Pool Party
Gaya ng inaasahan ko ay late akong nagising. Nagising lamang ako ng kumatok ang isang serbidora sa pinto 'ko para maghatid ng hapunan.
"Ms. Billie sabi po ni Ate Eling ay mamalengke lamang daw siya para bumili ng mga ihahanda mo mamaya sa pool party." Sa tingin ko ay kasing edaran ko lamang itong maid na 'to. Sadyang napaka unfair ng mundo 'no? Kahit naman ganito ang ugali ko ay mabait parin ako sa kapwa ko lalo na sa mga kasama namin rito sa bahay.
Tumango muna ako bago ko siya sinagot. "Ah sige. Just call me Ellie. What's your name by the way?" Natigilan siya tanong ko. Siguro ay hindi siya sanay sa ganitong trato ng isang amo sa kasambahay. Well, dapat na siyang masanay. Kaya nagtatagal halos lahat ng trabahador namin dahil sa magandang sweldo at syempre trato ko sa kanila dahil iyon ang turo ni Nanay Eling.
"Cassandra ho." Tinanguan ko nalang si Cassandra at umalis na. I wonder bat siya ang nagtatrabaho imbis ang mga magulang niya? Should I give her a scholarship? Pwedeng-pwede kong hingin yon kay mommy panigurado ay hindi iyon tatanggi.
-
Mabilis lumipas ang oras 4pm na. Abala ang lahat sa paghahanda ng pagkain dahil buffet ang theme ng party ngayon. Ready na din ang bar tender na hinire ko para sa party ngayon. Usually kasi ay Comercial Drinks ang binibili at mga barbeque lang pero ngayon ay iniba ko para naman bagong expirience.
Mommy calling.....
Ano kayang problema nito at naisipang tumawag? Siguro ay tatanungin ako about sa pasalubong na ini-insist niya palagi tutal don lang naman siya magaling.
"Hello Ellie. Malapit na ko umalis ng Macau. What do you want?" Tanong sakin ni Mommy na ikinairap ko. Diyan ka naman magaling e, sa pagmamahal wala.
"Nothing. May gusto sana ako sabihin." Naalala ko si Cassandra bigla.
"Sure. What was that? Anything for my babygirl." Halos ihagis ko ang phone ko sa huli niyang sinabi. This was the first time na tinawag niya ko non.
"Uhm, I know na hindi mo kilala yung maid natin na si Cassandra. Kasing edaran ko siya mom. I want her to have a scholarship under your name since hindi pa naman ako graduate. She's just 17 to 18 years old and I want her to study. Pwede siyang magtrabaho dito while studying. That's what I want pero hindi ko pa siya natatanong about dito. I'll ask her first then I'll call you about her decision." Mas maganda parin naman kung kakausapin ko si Cassandra about dito. Hindi ako pwedeng magdesisyon para sakanya porket ako ang amo niya.
"Sure thing baby. I'm so happy na pinapahalagahan mo talaga ang mga kasama mo jan sa bahay. I got to go. Take care." Hindi pa ko nakakasagot ay pinatay niya na ang tawag. Naknamputcha!
Papunta ako sa kwarto ko ng makita ko si Cassandra na may hawak na libro sa may hagdanan. Tinignan ko ng mabuti iyon at nakita kong isa yong libro ko iyon about sa Physics.
"Ay Ma'am pasensya na po kayo nakita ko po ito sa may center table. Hindi ko po sinasadyang basahin." May takot sa mga mata niya. I wonder kung sinaktan na kaya siya dati ng past employee niya?
"No, it's okay. Ilang taong at anong grade ka na ba dapat?"
"First year college na po sana pero highschool lang po ang natapos ko ma'am. 19 na po ako." Magalang na sagot niya saakin. Tumango-tanto ako. Excited na kong pagaralin siya and I don't know why.
"Gusto mo bang mag-aral?" Tanong ko sakanya agad siyang tumango pero may lungkot sa mata niya.
"Sobra po kaso ay mahirap lamang po kami. Ang nanay ko po ay may sakit ang tatay ko naman ay karpintero. Lima po kaming magkakapatid at hindi kasya samin ang sweldo ni Itay kaya kailangan ko po mag banat ng buto para may pang tustos sa mas mga bata ko pang kapatid since ako ang panganay saamin." Naantig ako sa sinabi niya. I can't imagine my life in that way.
"What if I will give you a scholarship? Ako bahala sa baon and expenses mo sa school pero don't worry susweldo ka parin. What do you think?" Kumislap ang mata niya at bigka akong niyakap.
She was sobbing while she's hugging me. I didn't expect this but this feels so good! Para akong niyakap ng isang kapatid. I never felt this happiness in my heart before.
"Pasensya na ma'am natuwa lang talaga ako. Kahit kalahatiin niyo na lang po ang sahod ko ay ayos lang saakin." No, I won't do that. I'll give her the full salary that she deserves.
" No. It's my way of helping and saying thank you for workig. Go, fix your requirements para sa gusto mong school." Tumango siya at nagpasalamat muli. I just went to my room after that. Kailangan ko ng magayos para sa party mamayang 6pm.
-
I'm wearing a black bikini. Lahat ng nandito ay naka swimming attire they are all sexy and hunks.
"Hey sorry I'm late, pasensya na. By the way, are you angry with me? I'm so sorry." Natatawang sabi saakin ni Brent. It's not sincere though, I accepted his apologize.
"Nah-uh. I'm sincere base dyan sa muka mo ay hindi ka naniniwala kaya sinama ko dito si Riemar." Ano daw?! Sinama niya ang kutong lupa na iyon?! At alam niyang I can't do anything about it dahil big catch iyon sa mga bisita ko.
As a que biglang lumabas si Riemar. He' wearing a swimming shorts and a white t-shirt.
"Apology accepted. You may go out of my sight now." Natatawa man ay umalis na din si Brent sa harap ko hila-hila si Riemar.
Halos lahat ng babae ay tumili. I don't know why dahil andito ako sa bar side ng pool para uminom ng lady's drink.
"Ang hot ni Riemar shet!"
"Sayang wala ang ibang band mates niya!"
"Kung alam ko lang na invited siya dito ay hindi na sana ako nagdamit."
Wtf? Seriously? Ganoon ba talaga katindi ang epekto ni Riemar sa mga babae? Imbis na pansinin ko ang ibang babae ay itinuon ko na lang ang pagiinom dito sa gilid. I'm celebrating here alone para sa pag-aaral ni Cassandra.
It's 10pm and the crowd is getting wilder. Napagpasyahan ko na rin na tumigil uminom mag-isa dahil muka akong loner 'don sa gilid.
Kahit na umaalon na ang paningin ko ay sinisikap kong umayos ng lakad. Fuck! Sana pala'y hindi ako gaano uminom mag-isa grrr!
Nasa may pool side na ako ng mapansin kong the floor is getting slippier. Hindi na ko makalakad ng maayos the boom!
NADULAS AKO!
Mabuti nalang ay may nakasalo saakin dahil kung wala malamang ay nabagok na ang ulo ko but imbis na magpatuloy ang hiyawan at music ay napansin kong nakatingin sakin or saamin ang mga tao.
Then there I realized kung gaano ka awkward ang posisyon namin nitong si OMG WHAT THE FUCK?! I'M ON TOP OF RIEMAR FREAKING CASTRO!
"YIEEEEEE!!!" Sabay-sabay na hiyawan ng mga tao doon kaya tumayo ako kaagad.
"Wala man lang bang thank you? Like thank you ah hinayaan mo akong pumatong saiyo para hindi ako mabagok." Sarcastic na sabi niya saakin habang sinusundan ako. Nawala na lahat ng amats ng alak saakin dahil sa nangyari. Nakakahiya!
"Edi welcome!" Sabi ko sakanya then slammed th door loudly. Gosh! That was awkward! Tiyak ay paguusapan iyon sa campus bukas but gladly hindi doon nag-aaral ang mga iyon.
YOU ARE READING
Waves of Love #1: Billie Yangco
Novela JuvenilThe waves of love story #1 is about a Band Vocalist Riemar Castro and Billie Yangco. They always fight like a cats and dogs when they're together but there's a saying "There's a thin line between love and hate." Would they remain as their own haters...