𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄:
*A/N: u should use FB app/lite or chrome para mabasa ang mga stylish fonts na ginagamit ko.*
"Lumayas ka!" sigaw sa'ken ni Tita na itinapon ang halos lahat ng gamit ko palabas ng bahay. "Wala ka na ngang ambag dito, maattitude ka na! Napahamak mo pa ang anak ko! Layas! 'Wag ka nang babalik!" sigaw nito at ako naman ang pinagtutulak palabas ng pinto.
Nanatili akong tahimik. Sanay naman na ako kay Tita kaya hindi na nakapagtataka na hindi ako naiiyak. Namomroblema lang ako kung saan ako titira ngayon.
Yumuko ako para damputin ang ilang damit na hindi nailagay sa bag. Maraming mga chismosang nakasilip sa labas ng bakuran namin.
Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang pinapalayas?
"Ayoko nang makita mukha mo." sabi nito.
"Ayoko na din sa mukha mo." mahinang bulong ko bago n'ya isara ang pinto. "Aray!" usal ko matapos akong tamaan ng tsinelas na binato n'ya bago tuluyang padabog na sinara ang pinto.
Napasapo nalang ako sa noo ko at pinagsasama ang mga damit ko at ipinagsisikan sa isang bag. Buhat ang bag tumayo ako at tinignan isa-isa ang mga chismosang nagsipag-iwas ng tingin.
"Ako pinapalayas sa bahay ng mga magulang ko. Awit." sabi ko at lumabas na. Dinedma ko nalang ang mga chismosang hayop sa chismis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mukhang mapapatigil ako nito sa pag-aaral at magtatrabaho na muna. Naglakad lang ako at naghahanap ng mga wanted jobs. Pero wala akong makita. Puro mga may nakuha na sila o kaya naman wala ng bakante para sa'ken.
Tanghali na. Wala pa akong kain.
Sabi na eh. Sabi na dinamihan ko dapat ang kain ko kaninang umaga para hindi ako magutom ngayon.
 ̄へ ̄
Naupo ako sa upuan sa labas ng 7-11 at tinignan ang wallet ko. May 200 pesos ako. Hanggang kailan kaya tatagal 'to sa wallet ko? Hindi naman pwedeng piso-pisong chichirya kainin ko para lang matipid 'to hangga't wala akong trabaho.
Napabuntong hininga ako at inayos ang pagkakapatong ng dala kong bag sa mesa. Tubig nalang ako biscuit baka may makita akong kagit 1 day job lang mamaya o baka bukas.
Nakakainis kasi. Ako pa nawalan ng bahay eh, sa'ken nakapangalan 'yon. Ayoko naman magreklamo dahil baka lumala lang. Oo maattitude ako pero mabait pa naman ako.
Tumayo ako at pumasok sa loob ng 7-11. Dumeretso ako sa mga biscuit na mumurahin lang. Kaso 10 pesos na pinakamura samantalang sais lang 'yon sa tindahan. Kumuha rin ako ng tubig at binayaran na rin 'yon sa counter.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng counter. Parang bigla akong nahighblood sa nakita ko.
'Yung gamit ko katabi na ng tatlong basurahan ng 7-11. What the fuck?! Nung tignan ko ang pinag-iwanan ko doon. May nakaupo ng lalake roon at nakashades pa. Inis kong nakagat ang labi ko at nilapitan ang pwesto n'ya. Pabagsak kong binaba ang bote ng mineral sa mesa para mapansin n'ya ako.
At nagtagumpay ako. Bahagya n'yang inangat ang shades n'ya at tinignan ako ng may pagtataka. Hindi ako nakipagtalo sa titigan. Masama ko s'yang pinukol ng tingin.
"Sorry. Kung aacting kang boyfriend mo ako. At sasabihing buntis ka. Please get the hell out of my sight." napaawang ang labi ko sa sinabe ng lalakeng 'to.
Ano raw?!
Binaling n'ya ulit ang tingin n'ya sa cellphone n'ya. At sa sobrang inis ko dinakma ko bigla ang kwelyo n'ya. Napatol ako kahit kanino. Kahit sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Ang Maid kong Maatitude
Teen Fiction#WRAWA_STORY #RBP Title: Ang Maid kong Maattitude Author: @marimarqt💖 Genre: Teen-fiction : sub: comedy Link: this is.. Prologue: "WANTED KATULONG: Can do all the Household Chores. 18 years old and above. Part-time is only allowed to Working Stude...