Lumabas na ako ng Mall. Dahil ayokong abutin ng halos 2 oras pauwi. Sasakay ako ng jeep na sa express way nadaan. Kaso nga lang kailangan ko dumaan doon sa overpass na parang pugad ng mga snatcher. Kaso wala pa namang nagtagumpay na manakawan ako.
Tsaka biro lang, walang nang-i-snatch d'yan sa overpass. Umakyat ako at mahaba-haba ang lalakarin ko. Medyo madili dahil nay bubong at harang ang overpass.
Joke lang pala ulit. Napahinto ako sa paglalakad dahil tanaw rito sa pwesto ko ang dalawang tao na nag-aagawan ng bag. Medyo malayo sa'ken.
May snatcher pala dito. Joke lang 'yung sinabe kong wala. Nang tignan kong maiigi. Nakita ko na isa 'yon sa mga kaklase ko. Naka uniform pa ito. Walang nagtatakang mangialam dahil siguro sa takot. Gilid na gilid ang mga taong dumadaan sa tabi nila, kulang nalang sa railings na maglakad ang mga tao. Meroon namang hindi na dumadaan at bumabalik nalang. Puro mga babae rin kasi.
Kung may lalake ka mang makikita. Isang matanda iyon na kahit s'ya mismo mangialam ay titilapon lang. Napailing nalang ako, bahagya akong tumabi nung makitang nakuha ng lalake ang bag ni Sai. Tumakbo iyon sa dereksiyon ko. Wala sana akong balak pigilan pero naawa naman ako kay Sai.
Kunwari ay gumilid ako ng sobra para mabigyan ng way ang snatcher. Natakbo si Sai pahabol sa snatcher at alam kong nakita n'ya ako.
Aware s'ya sa ugali ko kaya siguro akala nito hahayaan ko lang. Pero nung malapit na sa akin ang magnanakaw ay tinisod ko ito at isa s'yang lampa na babagsak kaya naman hinigit ko bigla ang bag na kinuha nito.
Nadapa ang snatcher. Tinukod nito ang mga kamay n'ya at nilingon ako. Pero ang swelas ng sapatos ko ang kaharap n'ya.
"Takbo na ulit." sabi ko sa snatcher na biglang tumayo at basta nalang tumakbo.
"Ayesa-" tawag nito sa pangalan ko. Hinagis ko ang bag n'ya sa kan'ya na siniguro kong masasalo n'ya.
Nakita ko kung paanong nawala ang takot at kaba n'ya.
"Salamat." nakangiti nitong sinabi.
"Sige." sagot ko lang at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Ayesa!" tawag n'ya ulit kaya bahagya akong lumingon.
"Salamat talaga!" masaya n'yang sinabi. Tipid na ngumiti ako at naglakad na. Iniirapan ko ang ilang mga babaeng nakatingin sa akin. Ni hindi man lang sila humingi ng tulong. Lol.
Pagkauwi ko ay ipinatong ko muna sa center table ang binili ko. Magseseven na kasi ng gabi kaya magluluto muna ako. May natira pa namang ulam kaya naman iinitin ko nalang at magluluto ng itlog na may sibuyas at kamatis. Hindi kasi pwedeng puro karne lang.
Sandali lang ang pagpiprito kaya naman sinangag ko na ang natirang kanin kanina, medyo marami pa eh at pagkatapos magluto ay kinuha ko na ang paperbag na ipinatong ko sa center table na s'ya namang bukas ng pinto at ibinunga no'n si Kleo na naka FEU uniform at medyo magulo ang bagsak na buhok.
Kahit saan ko tignan napapangitan ako sa kan'ya.
"Oh ba't nakatingin? Crush mo na ako? Bawal 'yon." nang-iinis na naman n'yang banat.
"May nakita lang akong pangit na pumasok sa pinto." simpleng sabi ko.
"Hoy! Bakit ba pangit?! Amo mo 'ko. Respeto.. Call me Masta'." sabi ulit n'ya sabay napatingin sa hawak kong paperbag.
"Mangisay ka muna." tugon ko.
"Ano 'yan?" pagbabaliwala n'ga sa tanong ko.
"Wala. Sinangag ko ang natirang kanin at may ulam na. Kumain ka na d'yan." sabi ko at pumasok na sa kwartong tinutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Maid kong Maatitude
Teen Fiction#WRAWA_STORY #RBP Title: Ang Maid kong Maattitude Author: @marimarqt💖 Genre: Teen-fiction : sub: comedy Link: this is.. Prologue: "WANTED KATULONG: Can do all the Household Chores. 18 years old and above. Part-time is only allowed to Working Stude...