𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎:
"Bakit nandoon ka?" tanong ko sa lalake na ngayon ay naglalakad palabas ng iskinita. Sumunod ako dala ang gamit ko.
"Nakita ko lang." tipid na sagot nito at napatingin ako sa kamay nito na nakayukom. Ayan 'yung pinanghawak n'ya sa talim ng kutsilyo kanina. Walang dugo? Ano ang balisong na 'yon? Kintab lang walang talim?
"Salamat." sabi ko nalang natigilan ako sa paglalakad nang huminto ang lalake at tinignan ako. Masyado itong matangkad kaya nakatingala ako.
"I won't going ter accept yer-- I mean I won't going to accept your thank you. Asikasuhin mo 'to." anito at nilahad ang kamay n'ya na nakayukom at doon ko nakita na may dugo. Naunang maglakad ang lalake. Guilty naman na sumunod ako.
Bakit ako magiguilty? Sinabi ko ba na puntahan n'ya ako d'yan at tulungan?
Ha? Sus ikaw rin Aye mangingialam sa away ng iba kapag nakita mo.
 ̄へ ̄
Sumakay s'ya sa isang itim na kotse. Nanatili akong nakatayo. Tila naiinip itong sumilip sa'ken.
At bakit ako sasakay?
"Get in. You're now my maid." pinagsalubong ko ang mga kilay ko.
"Baliw ka ba? Gagamutin ko lang sugat mo. Ayan oh may bukas na Mini Mart. Hindi na ako mag aapply sa'yo." sabi ko at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko.
"Edi sige. Bilhan mo ko ng mga gagamitin mo para magamot 'to." natahimik ako. God, wala akong pera! "See wala kang pera." anito.
"Edi ikaw bumili! Ikaw naman kasi nanghimasok bigla!" hindi papatalo kong usal.
"May panggamot ka sa sarili mo kapag mukha mo ang nahiwa?" natahimik ulit ako. Napabuntong hininga ako sabay napayuko at nameywang.
"Bakit ba kasi namimilit ka? Tarantado, gago, pangit! Ayan minumura na kita. Ayoko nga magkatulong sa'yo. Baka mamaya nagbebenta ka mg mga babae." sabi ko at umiwas ng tingin. Napatingin kase ako sa kamay n'yang nasa labas ng bintana at may natulong dugo.
"Salay na bago ako maubusan ng dugo rito." anito. Napahampas ako sa noo ko. Nanggigil na naman ako wala na akong ginawa kundi sumakay nalang. Sa backseat. Akala ko magrereklamo pa s'ya dahil magsasalita pa ito pero sinamaan ko lang s'ya mg tingin kaya nanahimik na.
Tahimik na nagmaneho ang lalaki. Ang daan namin ay pa-Biñan.
Nang nasa Biñan na, lumiko ang kotse sa Halang Street. Kampante na ako. Akala ko sa tagong lugar ako dadalhin nito eh. Alam ko naman dito.
Ilang minuto lumiko kami sa isang subdivision. Metroville.
Alam ko rin 'to. May kilala akong nakatira dito.
"Bakit hindi ka dumeretso sa hospital o kaya bumili nalang ng kit para d'yan?" tanong ko nung huminto ang kotse sa pinaka dulong block ng Metroville.
"I'll tell the details inside." anito at bumaba ng kotse. Dala ang gamit ko ay bumaba na rin ako. Pumasok ang lalake sa isang bahay na may 2-storey floor. Dito sa block na 'to ay puro hanggang 2nd floor lang. Pumasok rin ako.
"Magandang gabi po." sabi ko pagkapsok. Kahit maattitude ako may manners ako 'no.
"Ako lang nandito. Hindi bagay sa'yo nag popo." sumama ang tingin ko sa lalakeng inalis ang coat n'ya at may hawak ng first aid kit at naupo ito sa sofa.
"Wala akong paki sa komento mo." sabi ko at pumasok na.
"Katulong kita pero maattitude ka talaga." sabi na naman n'ya. Napairap ako.
BINABASA MO ANG
Ang Maid kong Maatitude
Teen Fiction#WRAWA_STORY #RBP Title: Ang Maid kong Maattitude Author: @marimarqt💖 Genre: Teen-fiction : sub: comedy Link: this is.. Prologue: "WANTED KATULONG: Can do all the Household Chores. 18 years old and above. Part-time is only allowed to Working Stude...