chapter 3

22 1 0
                                    


5:00 AM nagising ako. Yes katulong mode ako. LOL. Tinupi ko ang kumot na ginamit ko at lumabas na. Naghilamos na muna ako bago ko naisapang dumeretso sa kusina at tinignan ang ref—na ngayon ko lang naalala expired na delata ang nandito.

Ay may pwede pala akong iprito. Nilabas ko ang hotdog tapos bacon. Ibinabad ko muna sandali sa tubig dahil nagyeyelo na ito. Nagsaing na muna ako. Napakalinis ng rice cooker. Hindi yata nagagamit

Nakakaawa talaga.

Pagkasalang ko ng bigas sa rice cooker, naglagay naman ako ng tubig sa heater para mag-init. Sanay ako sa ganito. Gaya ng sabi ko katulong ako ni Tita. 'Yung katulong na walang sahod.

After no'n, inasikaso ko na ang piprituhin ko. Inuna ko ang hotdog.

"Nice. Akala ko-

"Ay mainit!" gulat akong napaharap sa nagsalita hawak ang spatula.

"Aray! 'Yung mantika ang init!" utas ni Kleo at hinipang ang brasong natalsikan dahil sa naiwasiwas kong spatula.

"Ayan tanga. Ikaw kasi." sabi ko at agad na inilagay sa plato ang unang hotdog na naluto.

"Fuck. Ako pa natanga? Ikaw nakapaso dito." reklamo nito.

"Sabi ko 'wag kang magsasalita ng biglaan. Nakakagulat ka. Kasalanan mo." sabi ko na naglagay ulit ng hotdog.

"Attitude ka?" sarkastiko nitong tanong. Ngumiti ako ng peke.

"Alam ko. Salamat." sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Pasalamat ka at kailangan kita." anito na hindi ko na pinansin.

Pagkatapos ng hotdog ay nagprito nalang ako ng ilang piraso na bacon.

"Pang-umaga ka ah? Malelate ka na." sabi ni Kleo matapos kong ilapag sa mesa ang huling prinito ko.

"Hindi muna ako papasok." sabi ko at nagtimpla naman ng kape medyo nahihirapan pa ako kung ano at saan ako kukuha.

"Bakit? Gusto mo pa ako makasama?" alam kong nalangisi na naman s'ya.

"Alam mo 'wag ka pakampante d'yan. Malay mo kung ano-ano na ang nilalagay ko rito sa kape mo." sabi ko. "Masyado kang magaling manira ng araw." dagdag ko pa.

"Syempre. Eh ba't hindi ka papasok?" tanong n'ya ulit. "Kung wala kang pera. Nagpahulog na ako sa bank account mo." sabi nito na ikinatigil ko.

"Paano mo nalaman bank account ko?" tanong ko. Pumapak s'ya ng hotdog saka tinignan ako.

"Secret. Bukas pumasok ka na. Kung anong binigay mo na sched 'yon ang sundin mo." sabi nito sabay kain ulit. Hindi pa inin ang kanin.. Ni hindi man lang makapaghintay. Lmao.

Pagkatapos kong magtimpla ay s'ya namang inin ng kanin. Kaunti lang sinaing ko kaya medyo mabilis.

Inihain ko 'yon sa mesa. Oo maattitude ako pero katulong na ako kaya naman hindi ako sasabay-

"Maupo ka na." sabi ni Kleo. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "Sumabay ka na. Don't tell me nahiya ka pa sa'ken?" nakakainis na naman nitong sabi. Ewan ko ba nakakairita talaga kapag nagsasalita s'ya.

"Lol. Bakit ako mahihiya." sabi ko at naupo na rin. "Itatapon ko na ang mga delata na nasa ref." sabi ko.

"Ikaw bahala. Okay lang." sagot naman nito. "Aalis ako, babalik ako mga 9 o 10." sabi nito at tumango nalang ako.

Napansin kong tinignan ako ni Kleo. Magkasalubong ang kilay ko s'yang tinignan.

"Ni hindi ka man lang ba magtatanong saan ako pupunta?" anito. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay.

Ang Maid kong MaatitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon