QEYLEI'S POV
Ito na "What if....." kinakabahan ako shet pano ko sasagutin to
"What if mawala sayo yung taong mahal mo?" ayan yung question na nabunot ko that's why i ask myself then narealize ko na, Ano nga ba magagawa ng pagmamahal?
I smiled at them and my answer is "Simple lang hahayaan ko kase ano ba magagawa ko kung sa huli iiwan ako? wala naman diba? We all know na sa huli sarili lang natin ang kakampi natin at kung mawala man yung tao na yon na pinahahalagahan ko ngayon, papakawalan ko basta ang gusto ko kung sino man ang mga pinapahalagahan ko ngayon ay maging masaya sila sa oras na umalis sila sa buhay ko, hindi ako yung tipo na hahabulin kita dahil mahal kita dahil alam ko sa sarili ko na hangga't nasakin ka gagawin ko ang lahat basta mapasaya ka dahil ayoko dumating sa point na I lost everything without doing anything kaya sa tingin ko mas mabuti na maging masaya ka nalang para sa sarili mo at least naging parte ka sa buhay nung tao na hindi mo inaasahan na darating sayo" I said whlie wiping my tears.
Di ko inaasahan na tutulo yung luha ko dahil naisip ko yung tanong sakin ni Boo na what if mawala ako sayo.
Masakit mawalan ng minamahal pero ano nga ba magagawa natin kung yung mismong kinakapitan na natin ang bumitaw?
Ano ba magagawa natin kung yung taong nagpapangiti satin ay maging dahilan ng lungkot at iyak na ating daranasin?
Ano nga ba gagawin mo kung dumating na sa puntong nandyan na sa harap mo yung kinakatakutan mo?
Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan na natapos na yung klase namin kaya naman pumunta nako sa cafeteria dahil dun kami mag kikita ni Aeiou dahil breaktime namin ngayon.
Dire-diretso ko naglakad hanggang makarating sa Cafeteria pero sa di inaasahan nabunggo ko si Khia ang Queen Bee sa school namin dahil sa sobrang pre-occupied ng utak ko.
"I'm sorry di ko sinasadya" I said habang pinupulot yung books na dala nya
"Tanga kaba? ayyy opppsss ikaw pala yung Girlfriend ni Aeiou" she said with sarcastic tone
"Ako nga po again I'm really sorry di ko po sinasadya" I said
"tssskkkk di ako makapaniwala na ang GF ni Aeiou ay tatanga tanga" she said while laughing
Sumosobra na to ahh sabing di ko sinasadya ano bang problema nya kung ako yung Gf ni Aeiou
"Miss hindi porket ikaw ang Queen Bee ay gaganyan ganyanin mo nalang ang kung sino sino, humingi ako sayo ng sorry but ano ginawa mo kung ano anong masasakit na salita ang sinabi mo, Yes simple lang sinabi mo pero sana naman pakiramdaman mo rin yung taong nasa paligid mo dahil may mga sensitive na tao katulad ko" I said calmly.
"What a nice speech Qeylei but ngayon palang sasabihan na kita Be ready because she's going back soon, enjoyin mo na yang buahy mo ngayon dahil masasaktan ka sa di inaasahang oras, sa di inaasahang panahon" she said with evil laugh
Ano yung ibig nyang sabihin na may babalik? sino yung babalik? Bakit ako masasaktan?
Umalis na sya sa harap ko at naglakad pero maya-maya ay lumingon ulit ito
"Mark my words Qeylei!!" she said.
Sobrang gulo ano yon hayst makahanap nalang ng mauupuan namin ni Aeiou dahil papunta na daw sya dito.
Nung makaupo ako ay iniisip ko kung tatanungin ko ba si Aeiou kung sino yung tinutukoy ni Khia pero napaisip ako na wag nalang dahil baka tinatakot nya lang ako dahil alam ko naman na di nya ko iiwan.
Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan na nadito na pala si Aeiou sa harap ko.
"Hey boo okay ka lang? " saad nya at halatang nag-aalala
"Yes boo I'm okay masyado lang na pre-occupied yung utak ko dahil na rin siguro sa dami ng school works" I said para di na sya mag-alala.
Pero school works nga ba ang dahilan ko? o yung sinabi ni Khia? hyst mababaliw ata ako nito kase feeling ko may ibig sabihin e.
Umorder na nga pala si Boo at kumakain na kami ngayon actually ganito kami lagi tahimik lang kami kumain then after non hahatid na nya ko sa room.
Tapos na kaming kumain at nag-usap lang kami nung ihahatid na nya ko, nag sorry lang sya dahil may practice sila dahil sya ang capatain sa soccer at kung gusto ko daw manood ay pumunta nalang ako sa field pero sabi ko sa kanya busy ako dahil may mga school works pa ko at balak ko din sana puntahan si Yrah.
Hindi kami showy ni Aeiou kahit matagal na kami dahil nakasanayan na rin namin tsaka ayos lang dahil kahit ganitong klaseng relasyon ang meron kami napaparamdam nya sakin kung gano nya ko kamahal.