AEIOU'S POV
Hi guys this is my first point of view kaya naman magpapakilala muna ko AEIOU XYNE DEL FUENTE is my name but yun can call me Aeiou, 19 years of age and Captain ng Soccer.
2 years na kami ni Qeylei pero hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya actually she's perfect pero natatakot ako. Ayoko syang masaktan pag nalaman nya yung nangyare 2 years ago bago ko sya ligawan.
FLASHBACK
Nasa bar pa rin kami ngayon nila Harrie, Zion at Shiloah halos 3 oras na kami dito pero di pa rin maalis yung nararamdam ko, nandito pa rin yung sakit.
"Sana ako nalang mga bro sana ako nalang di ko kaya e ang sakit" ayan nalang yung nasabi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Bro isang taon na! TAMA NA! maawa ka naman sa sarili mo bro halos araw-araw ka nandito sa bar na to at paulit-ulit mo nalang sinisisi yung sarili mo kahit ngayon lang bro isipin mo muna sarili mo, SARILI MO NAMAN!" pasigaw na sambit ni Harrie.
"Bro tama si Harrie for thr nth time sarili mo na yung pinapahirapan mo, Bro tandaan mo di mo kasalanan yung nangyare" kalmadong sambit ni Zion.
"Tumigil kana and let's have a game para sayo rin to bro para naman malibang yung sarili mo" nakangiting sambit ni Shiloah.
"Ano na naman yan Shiloah pag dating sa kalokohan napaka bilis mong mag-isip alam mo naman kung ano nangyayare sa kaibigan natin" Sabi ni Harrie kaya naman nagsalita nako na ikinagulat naman nila dahil sa totoo lang di ako pumapayag sa kalokohan ni shiloah pero ngayon? mukang tama sila sarili ko muna, lilibangin ko muna yung sarili ko hangga't hindi pa sya bumabalik o sabihin na nating walang kasiguraduhan na babalik pa sya at ayon yung masakit, ayon yung hindi ko matanggap.
"Spill it bro" ayan yung sinabi ko at saglit silang natahimik.
"okay okay I dare you" Natatawang saad ni Shiloah.
"What the focc bro ano na naman ba nasa isip mo?" tanong ni Zion
"Chill guys so ano tatanggapin mo ba bro?" tanong nya at ngingisi ngising tumingin pa sakin.
"Spill it but make sure na malilibang ako dyan" ayan nalang yung nasabi ko dahil mukang yan nalang yung paraan para mapasaya sarili ko.
"Yung transfer her name is Qeylei Mis Collins actually she's my type pero I dare you to court her" ayan yung sinabi nya na ikinabigla naming tatlo nila Harrie at Zion.
"ANO!" sabay sabay din naming tanong na naging dahilan para humagalpak naman sya sa tuwa.
"CHILL GUYS I'M FVCKING SERIOUS" sagot nya na tatawa-tawa pa
"Okay I accept your dare but not for now gusto ko muna syang makilala" Ayan yung sinabi ko na hindi nila inaasahan.
END OF FLASHBACK
Ayokong masaktan sya pagnalaman nyang sa dare nagsimula ang lahat pero natalo ko sa dare na yun dahil napamahal na rin ako sa kanya hayst.
Bigla nalang akong nagulat dahil dumating si Qey kaya kinabahan na naman ako actually di ako sweet at yung relationship namin di masyadong showy dahil ayoko rin na mapahamal sya sakin ng sobra.
"Ahhhmmm babe di mua ko makakapanood ng practice nyo dadaan pa kasi ako Yrah" she said hayst one more thing childhood friend ko si Yrah at natatakot ako na baka magalit sya sakin pag nasaktan ko yung BFF nya.
"Ahhh sige babe mag tetext nalang din ako pag nakauwi nako, iloveyou" I said and I kiss her forehead.
"Iloveyoutoo boo" she said at tumalikod na para umalis
Pupunta na sana ko sa field dahil may practice kami pero biglang nag ring ang phone ko and guess what? its Yrah.
"Yes?" sagot ko
"Ae kasama mo ba si Qey?" tanong nya kaya naman nagtaka ko kase pupunta dun si Qey pero bat parang di nya alam.
"No, why? she said pupunta sya sa inyo" I said na may halong pagtataka
"Focc kelangan kong umalis agad and meet me we need to talk ASAP kita tayo sa may school gate" she said na mas lalo kong pinagtaka.
"May practice kami Yrah" saad ko
"I don't care we need to talk" sabi nya na may halong pagkairita.
"For what busy talaga ko alam mo naman na may practice ako at malapit na laban" i said
"Gising na sya! so now meet me at school gate and btw I'm on my way" sabi nya na ikinabigla ko kaya agad akong tumakbo kay coach para mag paalam na may emergency lang akong pupuntahan.
Pagkadating ko sa schoolgate nakita ko agad si Yrah na balot na balot naka jacket na black, black mask, black pants, black rubber shoes and black cap daig nya magnanakaw.
"Bat ganyan suot mo?" tanong ko
"Sira ka ba Ae? kakasabi mo lang kanina na papunta samin si Qey kaya kailangan kong mag ganito dahil baka mamaya makita nya ko" sabi nya at may point naman sya hehe actually kung mag usap kami parang tulad pa rin nung dati ang kaso nga lang ang hirap dahil baka masaktan ko bestfriend nya dahil hindi nya rin naman alam yung tungkol sa dare.
"Wag tayo dito medyo lumayo tayo sa school baka makita pa tayo ni Qey" dagdag nya dahil dito rin ang daan pauwi kela Qey kaya naman lumipat kami ng pwesto at pumunta kami sa bandang likod ng school para mag-usap
"Totoobang gising na sya" Ako na nagsimula dahil 3 years na rin ang nakalipas.
"Oo at idinahilan ko lang na masakit ulo ko dahil kelangan ko makakuha ng plane ticket" sabi nya at inabot sakin yung isa.
"Kelangan natin pumunta don pero kelangan mauna kang umuwi satin at ako mag stastay ako don a week or two so baka mag stay ka ng 4 to 5 days" dagdag nya
"Pano natin sasabihin to kay Qey paniguradong magtataka yun kung bakit ang tagal natin mawawala" tanong ko sa kanya
"Bahala ka na" ayan lang ang naisagot nya at lalakad na sana sya paalis ng pigilan ko sya
"San punta mo?" tanong ko
"Mag papaalam sa mga Prof kung ako sayo magpaalam ka na din pati sa coach mo and btw kaya pala mauuna ka umuwi ay para di makahalata si Qey na magkasama tayo lalo na't sabay pa tayong aalis at may game ka pa" ayun lang ang sinabi nya at umalis na.
After 1 hour nakapagpaalam nako at pumunta kong mall para mabilhan sya ng regalo dahil miss na miss ko na sya hindi rin to alam ni Qey actually wala syang masyadong alam about my past.
