LM. AM #2

7 0 0
                                    

"Welcome to our University Mr. Buenaventura" utas ng babae naka-assign sa Registrar's
Office. Matapos nyang iabot sakin ang assessment form ko. Patunay ito na ako'y enrolled
na.

Ngumiti ako bilang ganti sa mataba at medyo maliit na babaeng kaharap ko "Thanks Ms."
Nilupi ko ang mga files na hawak ko't naglakad paalis.

Medyo late na ako ang-enroll, 2 days from now pasukan na. Tinamad akong mag enroll kaya't
ang resulta. ito ! Walang hassle, No sweat.
Iginala ko ang paningin ko sa loob ng university na ito, walang gaanong estudyante rito. Ayon sa
Registrar's office matagal na raw nakapag enroll ang mga old students dito. But I don't really give
a damn !

Habang naglalakad palabas, may nakita akong grupo ng mga babae sa di kalayuan. Palagay ko
mga estudyante ito ng school na ito.Nakatingin sila sa'kin at naghahagikhikan. Napailing na
lamang ako.

Nakita kong kumaway ang isang babaeng maputi at matangkad sa mga kasamahan nya at lumakad
papunta sa direksyon ko.

"Hi !" sabay lahad ng kamay at ngiti, isinukbit pa nya ang kanyang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga.

"Hi" utas ko at kumindat. Narinig ko ang impit na tili ng mga kasama nya. Napailing na lang ako
at bahagyang natawa. "I'm Calvin Joseph Buenaventura. Transferee !" pagpapakilala ko.
"And you are?"

"I'm Trisha, Trisha Reyes"

"Your name suits you perfectly, kasing-ganda mo" Nakita ko ang bahagyang pagpula ng pisngi nya.

Girls. Girls. Girls. Pare-pareho. Ang daling utuin.

"HA-HA, bolero pero salamat" Nagulat ako ng bigla nyang ipinulupot ang braso nya sa braso ko.
Akala ko sa Manila lang meron nito ! Mas mabilis pa pala ang mga babae dito. "Halika, ipapakilala
kita sa mga kaibigan ko."

Isa-isa nyang ipinakilala ang mga kaibigan nya sakin. Ngiti at tango lang ang nagawa ko. I'm bad at names. Hindi
ako mabilis makatanda.

"Girls, i really wanna stay a little longer, but i'm afraid i can't. Madami pa akong dapat
gawin eh"

"HA? Bakit ang bilis naman. Kakikilala pa lang natin, aalis ka na"

"Malapit na ang pasukan. Magkikita kita rin tayo. Siguro dun na lang tayo mag get to know, sa ngayon i really
have to go" Sabay palis ko ng kamay ni Trisha na nakapulupot pa rin sakin.

"Bye. Gotta go" sabay kindat sa kanila. Nakita ko ang bahagyang pagtalon ng isa sa kanila. Napailing na lang ako.
At naglakad na paalis.

---------

Love Me. Accept MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon