LM.AM #3

11 0 1
                                    

"Haay. Back to normal buhay na naman tayo. Kundangan lang talaga sa magandang kinabukasan.
Antok na antok pa ako. Halos ibato ko nga yung alarm clock kanina sa sobrang badtrip ko. Naimbento ba ang alarm clock para mambwisit?. tss. Nakakainis" Narinig kong sinasabi ni Khim.

"Ikaw 'tong atat na atat nung isang araw lang ah! Tapos ngayon ikaw 'tong nagrereklamo. At isa pa, clock was set and made to buzz us at our desired time. At saka
hindi yun mag-aalarm ng hindi mo sine-set. Kung hindi mo si-net eh di sana wala kang problema." sanggalang naman agad ni Kaye."At isa pa, bago natin makamit ang isang magandang buhay
kailangan natin mag-sakripisyo. At ang pag-gising sa umaga para pumasok sa eskwelahan ay isang way ng pagsasacrifice"

Napalingon na lang ako sa kanilang dalawa at napatawa ng makita kong ginagaya ni Khim ang kibot ng labi ni Kaye. Na magkadaop ang palad. HA-HA. Naughty girl.

"-Ang dami mong reklamo sa buhay-" pagpapatuloy pa rin ni Kaye.

"Khim, Kaye please stop"

"Amen. Amen. In jesus name we pray. Amen" sagot naman agad ni Khim.

Natigil lang kami sa pag-tatalo nang may narinig kami sa isang kumpulan ng mga babaeng nagkukwentuhan. Yeah ! it's bad to eavesdrop but i just can't help it. At isa pa. Masyado silang
malakas magkwentuhan.

"Alam nyo ba? May bagong guy daw dito. Ubod nang gwapo." Napakunot noo ako sa narinig ko, Ubod ng gwapo. Big words !

"Oo. Mala Adonis. Yung katawan daw. Shit ! Yummy. Makalaglag panty" Nanlaki ang mata ko sa ginamit na word. Makalaglag panty ha!

"Sabi na eh, gwapo nga daw kasi yun" utas naman ni Khim.

"Ano bang pangalan?" tanong naman ni Kaye kay Khim.

"Kalandian Organs, working !" biro ni Khim kay kaye.

Napairap na lang si Kaye sa tinuran ni Khim "Whatever" sagot naman ni Kaye.

"But to satisfy your curiousity, Calvin Joseph Buenaventura" -Khim

Calvin Joseph Buenaventura. Pang-mayaman. Pero hindi yan mayaman. Bakit naman sya lilipat sa university na ito kung mayaman sya diba? Ang daming sikat at prestiyohosong Unibersidad sa
Maynila, Bakit pa nya nanaisin na lumipat sa Batangas at dito mag-aral? Haaayyys. Bakit ko ba naiisip yun? Pakealam ko ba sa lalaking yun??

"At boyfriend na raw yun ni Trisha" sabi pa ng isa sa mga babae.

Oh my God ! Hindi pa man nagsisimula ang pasukan. Sila na agad? Ibang klase talaga si Trisha. Isa si Trisha sa mga sikat sa University na 'to. Maputi, matangkad, sexy, may maitim at mahabang
buhok, matangos ang ilong, medyo may makapal na labi, maganda. Pero totoo nga ang sinabi nila "We can't have it all" dahil kung maganda sya sa pisikal na kaanyuan, sobra
naman ang sama ng ugali nya.

"Nadali ni Trisha, eh puro pag me-make up lang alam nun ah. Tinalbugan pa nga nun ang sinampal ng sangkaterbang tao ang muka sa kapal ng blush-on. Iksing-iksi pa mag-damit kala mo
 palagi eh, kinapos sa tela. Yung kulay ng buhok. Naku ! If i know, wig yun. Grabeng itim, may pabrika yata ang mga yun ng tina" Napangiti ako sa sinabi Ni Khim.

"Oo nga" Pag-sang ayon naman ni Kaye. Sa pang-lalait lang yata kay Trisha nagkakasundo ang dalawang ito. Inis na simula't sapol si Khim kay Trisha sa hindi ko malamang dahilan, pinanganak
daw syang may bwisit kay Trisha. Si kaye naman, nakaranas na ng pag-mamaldita ni Trisha. Palibhasa may kaya si Trisha, mayaman daw ang ama ni Trisha. Kaso kabit lang daw ang ina ni Trisha
kaya sadyang hindi mayaman si Trisha. Merong tsismis na may sugar daddy daw si Trisha kaya nasusunod ang luho. YUn naman eh pawang gossips or rumors lang. Naririnig ko lang lahat kay Khim at Kaye.
Tama na ! Redundant na masyado ang Trisha. Nakakaloka ! HA-HA


Sinilip ko na lang ang schedule namin. "Philman. Room A. Tara na girls, baka malate tayo."

Malapit na kami sa room namin ng napansin namin ang kumpulan na naman ng mga BABAE ! na naman.

"Uh-oh. What the hell is goin' on here?" tanong ni Khim sa mga babaeng kulang na lang ay tumulo ang laway sa sobrang paghanga.
Paghanga saan? Or better yet, kanino?

"I think i know why !" napalingon agad ako kay Kaye. 

HA?

"Remember? Calvin Joseph Buenaventura? The transferee?"

Narinig ko ang impit na tili ni Khim habang papalabas ng room namin. Hindi ko namalayang nakapasok na pala sya dun ah. Halos sumakit ang ulo ko nang inalog-alog nya ako.

"Shit, Fuck !~ oh My Angel, ang gwapo nya nga pala talaga. si Machete" Matsete talaga? kanina Adonis ngayon Matsete? Baka mamaya Diyos na. Diyos para sa mga kababaihan.

"Diyos ba sya? Oh!" Narinis kong hiyaw ng isang babae.

Mind reader ka 'teh? Halos kasasabi ko lang na baka Diyos. Diyos nga daw.

"Mag-titilian na lang ba kayo dito students?" Napatalon kaming lahat sa narinig namin. Nakita ko ang isang Prof na para laging may mabigat na dinadala sa laki ng tiyan at laging
nakakunot ang noo, at laging nakataas na kilay. Bading na Prof. "Pasok sa loob" sabay turo samin at lingon sa ibang estudyante na pawang mga nasa lower at higher years "Kayo, mag sialis kayo dito ~ Agang-aga naglulumandi
kayo dito" Napapikit na lang ako sa sinabi ng Teacher na ito.


Isa-isa kaming nag hanap ng mauupuan. Ngunit napatigil dahil sa isang lalaki sa may bandang likuran. Nakaka-agaw atensyon ang kanyang medyo magulong buhok, makapal na kilay, matangos na ilong, maliit at mapula-pulang labi, makinis at magandang kutis, malantik na pilikmata
. Nakapikit sya habang nakasalpak ang headset sa kanyang kaliwang tainga. At nakakagat labi habang nakasandal sa kanyang upuan.
Napatingin ako sa classmates ko at nakita kong hindi lang pala ako ang nakatingin. LAHAT ! Pati si Prof.
Napansin yata ng lalaking ito ang atensyon na ibinibigay sa kanya, kaya't iminulat nya ang kanyang mga mata, matic na ang ngiti sa kanyang labi nang makita nyang nakatingin ang lahat sa kanya.
Napnsin ko rin dimple nya. Dimple nyang lumilitaw tuwing ngingiti sya.

"Hi. Goodmorning" hindi lang mukha ang gwapo pati boses.

Pinilig ko ang ulo ko't tumalikod at umupo sa upuan ko. Kailan pa ako naging magaling sa pag dedescribe ng isang tao? The last time i checked, wala akong pakealam sa itsura ng kahit na sino. What the heck is happening to me?

Narinig ko ang hiyawan sa loob ng classroom namin matapos magsalita ang lalaking ito. Kasama sa mga tumili ang malanding Prof sa unahan namin. Napailing na lang ako, Tumingin muli ako sa lalaki at nagulat ako ng
nakita kong nakatingin sya sa direksyon ko. Ayaw kong isipin na sakin sya tumitingin kaya dinedma ko na lang. Inalis ko ang tingin ko na parang wala lang. Nag doctoral ako sa "DEADMA DEGREE" kaya walang problema.

Love Me. Accept MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon