Pabalik na ako sa kwarto na inaakupa ko dito sa Resort namin. Kasi pansamantalang dito na muna ako mananatili dahil ako ang pansamantalang mag papatakbo ng Resort na pinaghirapan na ibuo ng lola ko
Kakarating lang ng Mama kahapon kaya paniguradong maraming bisita ang pupunta mamaya dito.
Kaya habang maaga pa napag isipan kong maligo dito sa likod na parte ng
Resort para makapagsolo at walang mang iistorbo.Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may narinig akong nagsisigaw.
Babae. Natatarantang nagtatalon sa gitna ng tulay.
"At diyan niya pa talagang naisipang magtatalon ha?"
Sa kuryusidad ay pinuntahan ko siya sa gitna ng tulay para matingnan kong bakit nagtatalon.
"Miss anong nangyayari sayo?" tanong ko.
Alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil unti-unti syang humarap sa akin. Pero saktong pagharap nya ay ang pagbagsak namin sa malamig na tubig.
"Ahhhhh" sigaw niya.
"Shit" napapamurang usal ko.
"Oh my god, OH my god" natatarantang sabi parin niya. Di mapakali sa kinatatayuan namin. Mababaw lang naman ang tubig kaya d naman siya mukhang malulunod. "Yung ahas baka andito sa tubig," di nya parin ata ako napapansin sa likod nya. "Ayuko na dito, Ayuko na."
"Miss," tawag ko ulit sa kanya. "Stop panicking the snake you see earlier are gone." or maybe i am wrong
Bigla siyang humarap sa akin.
"Phyll?"
Napatulala ako
"Bakit ba kasi nandoon ka sa likuran ko kanina?" galit na tanong nito habang d mapakali sa kakalingon kong saan."Eh hindi dapat nakatakbo ako agad at hindi ako nahulog dito sa tubig, goshhhh." nagtataray? HAHAHAHA.
"Excuse me miss ha, nagmamagandang loob lang naman akong tingnan ka kanina kaya ako nandoon sa likod mo kanina" paliwanag ko.
"Ewan ko sayo" sabi niya habang mag- umpisang maglakad paalis sa tubig.
"Si lola naman kasi, alam na wala akong kaibigan dito. Iniwan naman ako kanina." rinig kong usal niya at hindi alintana kong ano ang mahahawakan.
"Miss?" tawag ko ulit. "Huwag kang gumalaw diyan kalang." sabi ko sa kanya ng makita ang ahas sa kahoy na malapit sa kanya.
"W-why?"
"Just don't move." matigas na utos ko habang lumalapit sa puwesto nya.
"At bakit nga?" saktong paggalaw nya ay nahagip nya ang ahas. Kitang-kita ko ang pagpikit niya ng mariin dahil don.
"Ang tigas ng ulo"
"Ahas, a-ahas ahhhhhhh" malakas na sigaw nya
"Hey, don't shout," sabi ko. You stupid girl. "It's just a snake."
"Ayuko na dito." hindi makagalaw na sabi niya. "Ayuko sa ahas, takot ako sa ahas" nakapikit paring sabi nya pero may luhang lumalabas sa mata nya.Umiiyak na.
Nagbaba ako ng tingin. I hate seeing women cry in front of me.
Sa hindi ko malamang dahilan namalayan ko nalang na nakayakap ako sa kaniya.
.
.
.
.
."Stop crying," sabi ko. "I'm here, snake won't hurt you tsaka wala na yung ahas oh."
Bigla ay gumalaw siya kaya naalala kong nakayakap ako sa kaniya. Bigla ay napabitaw ako.