"Ano na?Kelan pa ba titino yang anak mo Nathan? Ha?"si mama habang sinisirmonan na naman si papa habang nag-aalmusal
"Hayaan mo na,matanda na yang anak natin."si papa."May sarili na siyang isip at pwede na nga yang mag-asawa eh."
"Yan...yan ang sinasabi ko,"galit na galit na sabi ni mama
Ewan ko simula pagkabata.Di ko alam perobparang ang layo ng loob ko kay mama. Lahat ng bagay binibigay naman nila ni papa pero parang iba parin ang gusto ko. Parang kulang. Di ko alam ang rason.
Mabuti pa si papa ramdam kong kahit minsan may nagmamahal sa akin.
"Halos dalawang taon ng graduate yan,tutunga-tunganga parin."sumbat ni mama kay papa
Gusto kong bumaba para batiin sila at makasamang kumain ng almusal. Kung minsan lang kasi kami magkakasama.
"Tingnan mo kong matino yang anak mo, di yan tatakas ng gabi.Para lang makalakwatsa"sigaw ni mama."At anong oras na umuwi kaninang umaga yan?"
"Honey tama na," tumayo si papa para amuhin si mama."Bababa na yung anak natin maya-maya kaya tama na."
Unti-unti akong bumaba ng hagdan para pagdating ko sa baba Ok na si mama. Takot talaga ako kay mama. Ewan ko ba.
"Sana na lang di na natin inampon ang batang iyan"
Parang biglang may tumambol sa puso ko dahilan para mapatigil ako sa pagbaba ng hagdan at unti-unting napadaos-dos paupo.
Di ko alam ang mararamdaman ko. Napakasakit ng puso ko. Di ko maintindihan minsan normal at bigla-bigla nalang pipintig ng malakas. Nakakapanghina.
Halos ilang minuto din akong nakaupo ng isipang tumayo upang pumunta sa hapag-kainan.
Nang bigla kong natabig ang vase sa hagdan
Klakkkkk
"Anak?"si papa na halatang kinakabahan dahilan para ngumiti ako.
"Ok lang ako pa."
"May marinig ka ba Phyll, anak?"si mama ngunit mahinahon na ang tono.
Ngumiti ako para itago ang sakit.
"Totoo po ba?"
"Anak?"si papa."No."
"Mama?"baling ko kay mama
"Anak"si mama habang lumalapit sa akin unti-unting lumalandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Please Mama?"humihikbing usal ko."Tell me the truth. Kahit yun lang" nakangiting sabi ko
"Dana."si papa habang nakatingin kay mama habang umiiling
"No papa, please."lumapit ako kay mama at hinawakan ang kamay niya."Mama"
Hinaplos ni mama ang mukha ko. Nakangiti ngunit may nagbabadyang mga luhang gustong lumabas
"Yes,totoo."napatingin ako kay papa
"We adopted you since you we're a child,"si mama."Sa isang ampunan ka namin kinuha,
Gustong-gusto ko ng magka-anak that time."umiiyak na si mama habang nakatingin sa akin."Hindi kasi ako puwedeng magka-anak,Phyll."Napatitig ako kay mama. Hindi ko alam na ganito pala ang sitwasyon ni mama.
Napayakap ako kay mama. "I'm sorry po." hikbi ko. "Di ko po alam."
"Sana pala sinunod ko nalang ang lahat ng gusto ninyo ni papa," nang makaalis ako sa pagkakayakap kay mama. "ng dahil sa inyo ito ako ngayon. Maganda ang buhay. Pero puro pasakit ng ulo ang dala ko."
"Shhhhh," tahan ni papa. "Wag mo sabihin yan, anak ka namin ng mama mo. Nang galing ka sa amin."
"Pero bakit?"
"Nung una, gustong-gusto ko na talagang magka-anak. Kaso hindi pwede. Kaya gumawa ng paraan ang papa mo kaso ayaw ng pamilya kong mag-ampon ako. Kasi ako lang daw ang mahihirapan pag nagtagal."
"Kaya halos malayo ang loob ng pamilya ng mama mo sa atin."si papa
"Kaya po pala mukhang ayaw mo sa akin mama? Kasi ayaw ng pamilya mong mag- ampon ka," ako habang umiiyak. "K-kasi dahil sa akin galit ang lola at lolo sa'yo."
"Kaya din pala malayo ang loob mo sa akin."
"N-no, hindi sa ganoon yun"si mama. "Ayoko dumating sa puntong iiwan mo ako dahil malalaman mo ang katotohan na hindi kita anak."umiiyak na sabi ni mama
"Mahal kita bilang akin, ako nagpalaki sayo, ako ang mama mo."habang hinahaplos ang pisnge ko.
"Takot ako sa katotohanang di kita anak at hahanapin mo ang totoo mong ina."paupong napahagulgul si mama sa harapan ko
Unti-unti akong umupo sa harap niya at niyakap ng mahigpit.
"Hindi man kita totoong ina ikaw parin ang tumayong ina sa buong buhay ko,"hikbing usal ko
"Inampon niyo ako,pinakain,inalagaan at binigyan ng marangyang buhay,"sabay kalas ng yakap ko at humarap sa kanila
"Mahal na mahal ko kayo ni papa."iniangat ko ang tingin ko kay papaNgumiti lang ito pabalik.
"Gusto ko lang po malaman ang lahat sa pagkatao ko."ngumingiting usal ko. "Pwede po ba yun?"
.
.
.
.
.Matapos lahat ng nangyari kahapon ay hindi na ako lumabas ng aking kwarto. Si nanay Lorie na lang palaging naghahatid ng pagkain ko. Simula nagkaisip na ako si nanay Lorie na ang katuwang dito sa bahay kaya magaan na ang loob ko sa kanya.
Toktoktok
Napatingin ako sa pintuan ko. "Sino yan?"
"Ako ito Phyll, hija?" napalingon ako sa orasang nakasabit sa kwarto ko.
Magtatanghalian na pala.
"Pasok po kayo nay."
"Ano ka ba namang bata ka?"usal ni nay Lorie pagkalapag na pagkalapag niya nga pagkain sa lamesa sa gilid ng kama ko. "Hanggang kailan ka mag mumukmuk dito sa kwarto mo?"
"Ewan ko po..hindi ko po alam."buntong hiningang sagot ko
"Nay?"tawag ko sa kaniya. "Alam nyo po bang ampon ako?"
"Oo, pasensiya ka na at hindi ko sinabi sayo."pilit ngiting usal niya
"Ok lang po yun."ngiti ko para umaliwalas ang mukha nya."Di po ba talaga alam ng mama at papa kung sino talaga ang mga totoo kong magulang?"
"Sa pagkakaalam ko ay iniwan kalang daw ng isang babae sa labas ng ampunan,hinintay nilang bumalik ang babaeng yun ng isang taon kaso hindi bumalik at duon na nagpasyang ampunin ka ng mama at papa mo."malungkot na sabi nito
Unti-unting tumulo ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mga mata."Masama ba akong anak nanay? Para iwan lang ng ganon-ganun lang?"nilapitan niya ako sa pagkakaupo ko sa kama."Gusto kong makilala sila pero paano? Paano naman ang mama at papa? Napakahirap naman kasi ng buhay ko."umiiyak na usal ko
"Gusto kong makilala ang sarili ko ang totoong ako. Hindi yung anak na pinalaki nina mama at papa.
"Shhhhh,tama na yan."pang aalo niya sa akin habang hinahagod ang likod ko
"Tama na iyan,"sabay abot ng tubig. "Inumin mo to,kukuha lang ako ng gamot mo at baka hindi ka na naman makahinga."sabay talikod papunta sa lalagyan ng gamot ko. "Ikaw na bata ka talaga."
"Eto inumin mo at iiwan na kita dito."nakaturo sa gamot. "Pag isipan mong mabuti ang mga desisyon na gagawin mo."
"Aalis na ako," paalam niya."kung may kailangan ka tawagin mo ako."
"Opo nay."
________________________________