Kabanata 5Audition
Monday na naman may pasok ulit. God knows how much I want to quit learning! Pwede namang wag ko na tapusin ang pag-aaral ko. I can manage! I mean, may business kami. Alam ko na pano itayo ang kompanya namin since dad already teach me.
But I don't get his part! Bat pa mag aaksaya ng pera para sa pag-aaral ko eh pwede at kaya ko na naman gumawa ng pera tss.
Nagpahatid ako kay manong esting patungong CMU. Nag text din sakin si Uence. Kinakamusta ako at kung papasok ba ako. Of course papasok ako as if naman papayagan ako ni daddy lumiban.
"Tessaaaaa!" napakalakas na sigaw ni Ariel ang sumalubong sa akin pagdating ko sa room. Humagikhik siya at kiniliti ako. "Ano? Ano na? Anong nangyari? Masarap ba sa feeling ikasal?"
What?! Yun lang? Akala ko pa naman kung ano ano nasasagi sa isip nitong babaeng to. Aga aga nangingiliti na.
"Ayaw ko nang pag-usapan yun. Tutal pirmahan ng papeles lang din naman." ani ko at pumunta sa upuan ko.
Maaga akong dumating. Konti pa lang kami sa room. Wala pa nga sila Nikka pero nandito na si Chelsy.
Habang naghihintay kay maam nag update muna ako ng status. Napansin kong dumadami na yung reactors ko. From 3k reacts naging 8k na. Andami na ring nagsha-share.
Nag wattpad muna ako since wala pa naman teacher namin. I've been reading jonaxx stories lately. Ang ganda kase ng mga stories niya nakaka inspire.
Yung tipong maiiyak ka talaga tapos bigla ka nalang tatawa. Ibang klaseng author din si jonaxx. Siguro ang swerte ng magiging jowa niya. Gusto ko rin maging tulad niya. Yung maganda na nga matalino pa tapos writer pa.
Pero tamad ako eh. Madami akong paboritong authors gaya nina jonaxx, maxinejiji, KIB, sic santos, beeyotch, VentreCanard at marami pang iba.
I read wattpad to escape the reality. Mahilig ako magbasa. Gusto kong malunod nalang sa kakabasa at para bang nandun talaga ako sa loob ng libro.
Cut that thought nandito na si ma'am.
Ilang minuto lang yung discussion quiz agad. Tss as if naman naintindihan namin yung mga pinagsasabi niya.
Seriously teacher ba siya? She's already matured. May wrinkles na rin iww may mga foundation na di na rub tapos ang nakakaloka sa lahat ay yung lipstick niya.
Tangina lang? Ang kapal ng lipstick niya grabe tapos color violet pa! Kadiri.
She's our mapeh teacher. First period yung mapeh namin ngayon. Ang ganda sana ng subject pero panget lang yung teacher.
Sobrang panget niya talaga nakakasira ng araw! Tapos yung discussion niya? Puro blah blah blah! Nagbabasa lang siya di niya iniexplain. Head pa naman sa mapeh department.
"Okay class 5 minutes to scan your books." 5 minutes my ass. Di na ako nag review. I don't need to. Last semester ko na to.
60/60. Yan yung score ko sa quiz. Of course ma peperfect ko. Basic lang naman yung mga questions. Piece of cake.
Special Arts naman yung next subject. Actually yung mga professor namin sa bawat skills gustong sumali ako sa part nila. Kesyo sa Dance art ako eh. Mas gusto ko yung sumasayaw.
Alam ko rin naman pano kumanta at marunong ako mag piano, at guitar. I know how to draw too. Kaya kapag recital gusto nilang nasa skill nila ako.
Kasama ko sila Ariel, Nikka, at Yana. Mas prefer nila ang ganitong skills since dito sila komportable. Si Cristine naman sa Vocals at si Chelsy naman sa instruments, chelsy's voice is good too pero pinili niya mag instruments.
Tinawag ako ni Nikka, start na raw yung practice. Leader kase ako.
Gumawa ako ng steps at tinuro sa kanila. 2 hours tong subject na to. Both nikka and Yana are on my side. Magaling din kase silang sumayaw. Habang nasa likod ko si Ariel.
Ariel is more into ballet than normal dancing. Pero smooth lang din naman siya sumayaw.
After that nag break muna kami. Uminom ako ng tubig at nag hilamos.
Pinasadahan ko ang kamay ko sa aking buhok. I'm too tired. Medyo nawala yung abs ko. Kelangan kong mag set ng schedule sa gym mamaya.
Text ko nalang si Shyu para ma reserve ako sa gym.
May nagtext sakin. Dalawang text message. One was from Uence and one was from the annoying Peter.
Uence:
Skills niyo? It's 2 hrs diba and you're on the dance troop. Don't dance too much and drink water. Ihahatid kita sainyo mamaya.
Ang sweet naman ng soon-to-be jowa ko.
Ako:
I will. Okay, fetch me up later. Call me.
Bahagya akong ngumiti. Damn I fall for his words! Kinikilig ako!
Peter:
Hey there, can I fetch you later?
Asa ka! Ihahatid na ako ni Uence and I don't need you. Di ko na siya nireplyan. Bumalik na ako sa pwesto ko at nagturo ulit.
"Tessa wala ka bang napapansin sa posts mo lately?" nilingon ko si Yana. Itinaas ko ang kilay ko. I gave her a Why? Look.
"Huh? Wala naman. Dumami lang ang reactors ko then shares." nagtataka kong sagot.
"How about your message request? Chineck mo?" si Chelsy.
"Hindi pa. Wala rin akong plano andami na kase."
"You should check it." si Cristine.
Talaga? Anong meron sa kanila? Wala akong maintindihan. Di kasi sila ganito kung ano ano tinatanong tungkol sa social status ko.
Nag log-in ako sa acc ko at isa isa kong nireview ang mga post ko. Reactors lang naman yung dumami eh. Chineck ko rin ang notif ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino yung nag comment sa post ko. It was Berry Gears! Oh my gosh!
Napatayo ako nang makita ang comment nila. Fvck! Totoo ba to? They're praising me!
"Happy much huh?" Cristine giggled. "C'mon check your message request".
Oh my fvcking purple blues! Am I dreaming? Am I? Shiiiit! Para akong lumulutang sa saya na nararamdaman.
They're asking me if I want to try their audition.
Tumingin ako kila Ariel. They were also smiling like crazy. Bakit alam nila?
"The manager of Berry Gears ask us if pwede ka ba mag audition sa kanila. You have the face naman kaya gusto ka nila. Hell of the right Tessa you're one lucky girl!" may inilabas si Ariel na papel. It's a form!
Ngumiti ako ng napakalawak "thank you girls!". They giggled.
Now that I'm starting to reach my dreams I will keep reaching for it. Showbiz here I come!
YOU ARE READING
More than just one bet
RomanceI'm a bitch. I fuck people and just go. My life is a mess indeed. I've got lots scandal and I'm used to it. Life's a living hell anyway.