BITR-18

547 11 0
                                    

Messenger

Rogue:

Feeling ko pinagtri-tripan lang ako ni Valla.

Chad:

Bakit sakin ka nakikipag usap?

Sinong Valla?

'Yung magandang babae?

Rogue:

Wala si Felix palagi, busy sa ml at lol. Wala akong makausap na matino sa gc.

Feeling ko pinaglalaruan lang ako ni Valla.

Chad:

Edi paglaruan mo rin.

Problema ba 'yan sa'yo eh d'yan ka naman magaling, ngayong nakahanap ka na ng katapat, takot na takot ka.

Rogue:

Masyadong mabait na demonyo ang pagmumukha n'ya.

Chad:

Ganda ng description.

Subukan mo lang. Tsaka summer naman, baka wala lang 'yang magawa sa bahay na tinutuluyan n'ya.

Rogue:

May alam ba tropa ng kuya mo sa kan'ya? Gusto kong may alam ako sa kan'ya.

Chad:

Hinahanap nga nila.

Wala pang nakakakita ulit sa kan'ya simula noong basketball game natin.

Rogue:

Try mo kayang iadd Chad.

Chad:

Bakit ako?

Sina Titus nalang utusan mo.

Rogue:

Sige na, hindi ka naman mahuhuli ni Shila, add lang naman eh.

Chad:

Scam yang "add lang naman eh" mo, Rogue.

Ayoko, iba nalang utusan mong humanap ng info sa babaeng 'yan.

Rogue:

Ichat mo nalang si Lally.

Chad:

Bakit ako???

Ikaw kaya ang gumawa n'yan!

Rogue:

Nachat ko na sina Elisa, Hara at Kathryn.

Ayaw magsabi

Wala raw silang ibubulgar, basta raw gusto ako ni Valla.

Naiinis na ako pre.

Chad:

Mukha nga pre haha.

Magtatanong ako kina Kuya. Tsaka malapit na basketball game natin ulit, manonood siguro 'yan. Tanungin mo. Ikaw na dumiskarte, hina mo naman eh.

Alis na ako, hanap na ako ni Shila.

Burning In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon