BITR-129

622 9 1
                                    

[Valla's Point of View]

I'm clapping so proud like I'm tita Russel. Naiiyak ako habang tinitignan si Rogue na nagpapapicture kasama ang mga blockmates at schoolmates n'ya.

Actually kanina pa ako iyak ng iyak, I'm so happy, graduate na si Rogue. Ang pinakamamahal ko. Graduate na ng BS Civil Engineering. My heart my soul.

"Congrats po, tita," I said noong lapitan ko na sila.

"Buti nakarating ka, Valla," sabi ni tita sa akin at niyakap ako.

Of course! Who am I to miss out my baby's graduation?

"Opo," sabi ko lang walang maisagot na maayos.

I hugged Muel at nakipag fist bump kay Riguel na binata na ngayon.

I stared at my love, sobrang lapad ng ngisi, sino ba namang hindi eh graduate na s'ya ng college.

When he saw me, his smile turned into more of a genuine one. My tears fall again, I'm so happy!

Sabay kaming lumapit sa isa't isa at niyakap n'ya ako binuhat n'ya pa ako paikot. Kaya tumawa kami ng malakas.

"Congrats, Love, I love you so much," I said wholeheartedly.

"I love you too,"

After a lot of picture taking sa bahay nila ay may kaunting salo salo kaya naman ay doon kaagad ang tungo namin.

Busy masyado sila, tumutulong tulong ako kay tita Russel na mag prepare ng pagkain at mag entertain ng bisita, habang si Rogue parang nanalong kandidato, puro shakehands at congratulations ang natanggap, ang sakit na siguro ng panga ng baby ko, smile ng smile.

"Graduate ka na, pero wala ka pa ring girlfriend, kailan mo balak?" Dinig kong tanong ng isang lalaki kay Rogue.

"Single pa si Alexi diba crush mo 'yun dati?"

"Hindi, si Lally De Castro ang narinig kong ka igat igat nito bago nawalan ng girlfriend,"

"Baka bakla ka na, Rogue?"

Wow. Napataas ang kilay ko. Namention na si Alexi at ang pinsan ko at naging bakla pa s'ya kalaunan.

"Nako may hinihintay 'yan," dinig kong sabi ni tito.

Napangiti naman ako. Malapit na rin naman kaya choks lang.

"Hinihintay? Uso pa ba ang hintayan?"

'Tong mga 'to! Dini-demonyo nila amg utak ni Rogue. Syempre mahal ako noong tao kaya hinihintay n'ya ako, my gosh people!

"Ilang taon nalang ang hihintayin n'yan, magpapakasal na 'yan," halakhak ni tito.

Hinigit naman ako ni tita Russel palayo sa mga mesa ng pagkain at nagpunta kami sa kausap nila tito at Rogue.

"Ilang taon nalang ang hihintayin ni Rogue, Valla?" Malakas na tanong ni tita nang mahinto kami sa harap ng mesa ng mga bisita nila.

Nakita ko ang pag awang ng mga bibig nila ng makita ako, nanlaki pa ang mga mata nila.

"Ano po..." nag aalangang sabi ko.

"Mama h'wag n'yo ngang pini-pressure si Valla," sabi ni Rogue at hinapit ang bewang ko.

"Third year na s'ya sa pasukan, malapit nang grumaduate," sabi n'ya habang nakatitig sa mga mata ko.

The people around us yelled and celebrated, ngumiti ako, kahit namumula na ang mga mukha ay nakipagtitigan pa rin ako kay Rogue.

"Ayun! Panalong panalo naman pala eh!"

Burning In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon