12. HAGDAN NG AKING PANGARAP

39 1 0
                                    

Hagdan ng Aking Pangarap
(2018)

Ako ngayo’y umaakyat,
Sa hadgan ng aking pangarap;
Lapis at Papel ang Hawak,
Panlaban sa digmaang kinakaharap;
Buhay na masarap,
Balang araw ay nais kong malasap…


Pangarap kong tumuntong sa entablado,
Hawak and diploma at toga ko;
Magkaroon ng magandang trabaho;
Upang makapag patayo ng bahay na sementado;
Balang araw at aking matatamo;
Maabutan nawa ng aking anak at apo…


Syempre, hindi lamang pagsambit ng salita,
Dapat lapatan mo rin ng kilos at gawa,
Nasa atin mismo ang diwa,
Sa makapangyarihan na Diyos ang awa;
Tiwala sa sarili ay wag mawala;
Sa kadena ng paghihirap ay kumawala…



May pamilyang nakasuot ng ginto at diamante,
Edukasyon ay tila binibiro,
‘Di naisip na ito pala’y importante,
Nagpakakampante sa kanilang naimpok;
Perang naimpok sa estante,
Ngayo’y unti-unting rumupok…



Sa kabila noon ay may pamilyang nakadamit,
Suot ang pinagtagpi-tagping basahan;
‘Di kagandahan bagamat punit punit;
Sweldo ay salat;
Sa dami ng masamang sinapit;
Kulang sa matamis, punong-puno ng pagkapait…



--------------


Thank you!


✓VOTE
         ✓COMMENT
✓SHARE

My Poetry Collection (2020)Where stories live. Discover now