2

196 32 0
                                    

Two...

Ang ganda na sana ng tulog ko, ng biglang may yumuyogyog sa braso ko. "Hoy! Akane gising nasa Pilipinas na tayo."Di halatang excited nga si Kimiko, kulang na lang kasi mahulog ako sa inuupuan ko at mabali ang braso ko k-kayogyog niya.

"Okay, okay! gising na gising na ako, thanks to you Mahal kong kapatid. Pero dahan-dahan naman kung pwede. Kung pwede lang naman ha! okay? nagkakaintindihan tayo?"

''Sorry.''Nakakamot ulo naman itong humingi ng paumanhin sa akin at mabilis na ipinulupot ang braso niya sa mga braso ko.

Akane pov...

Ganito pa rin pala dito halos walang pinagbago, mapait na lang akong nakatingala sa langit at malungkot na ngumiti. At mahinang bumulong at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata. ''Nandito na ulit ako, miss na kita sobra. Mahal na mahal kita.''

Mahinang tinapik ni Kimiko ang balikat ko kaya napabalikwas ako sa pag-iisip ko tungkol sa amin ni Riffin.

"Kanina ka pa walang kibo dyan, di mo ba narinig yung sinabi ko?"

"I'm sorry, ano nga pala ulit yun?"

Biglang nainip si Kimiko at agad na bitawan ang luggage nito at naupo. "Ang tagal naman yata ng susundo sa'tin ngayon."

Kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa at kaagad na tiningnan ang picture ni Gri, sa screen nitong phone ko, ganito talaga ako kapag namimiss ko ang anak ko."Konting hintay darating din yun, tiwala lang."

"Alam na ba ni Lueha at Hamari na nandito na tayo sa Pilipinas?"

"Hindi ko pa nasabi sa kanila, tatawagan ko nalang sila kapag nasa mansion na tayo. Para naman bisitihain nila tayo dun."

Habang nag-uusap kami ni Akane bigla nalang huminto ang isang itim na sasakyan sa tapat namin. At tinanong kami pagkabukas nito ng bintana ng kotse."Excuse me po Miss, kayo po ba si Ms Akane and Ms Kimiko?"Tanong ng lalaking naka uniporme ng kulay Itim at naka shades ng itim.

Sabay din naming tinggal yung shades namin ni Kimiko bago sabay nagsalita."Y-yes kami nga."

Kaagad na bumaba yung driver at nag vow din muna ito sa amin bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Pagkatapos ay nilagay na nito ang mga luggage namin sa back seat ng sasakyan.

"Magpahinga muna kayo, medyo malayo layo pa kasi yung byahe, gigisingin ko nalang kayo kapag dumating na tayo sa mansion.

"Sige salamat." Sagot namin ni Kimiko sa driver.

"Any news about her?"Tanong ko kay Greg. Just to make sure kung talagang napatay niya ang babaeng yun.

"Wala na yun, kaya wag kanang mag-alala pa.''

Bumitaw ako ng isang buntong hininga at walang ganang sumandal sa swivel chair."Find and kill her, Greg. That's will be your last mission.''

"Ma'am Akane and Ms Kimiko, nasa mansion na tayo, pumasok nalang po kayo sa loob at ako nang bahala na magdala nitong mga luggage niyo."Tumango kami ni Kimiko sa guard at nagsimula ng humakbang papasok sa loob ng mansion. Nakita din namin ang mga nakatayong maids at guards na napapa gitnaan nitong malaking fountain dito sa mansion at yung isang guard at maid naman ay nasa tapat ng pinto.

"Maligayang pagbabalik po sa inyong dalawa, Ma'm Akane and Ma'm Kimiko."Sabay vow at sabi nilang lahat sa amin ni Akane.

"Salamat po sa magandang pagtanggap niyo sa amin ng kapatid ko. Tawagin nyo nalang po kaming Akane at Kimiko.

"Masusunod po!"Sabay muli nilang bigkas.

"Kumain na po kayo? gusto niyo ipagluto ko kayo."Mungkahi ng pangalawang maid namin dito sa bahay.

"Busog pa kami, mamaya na lang siguro, magpapahinga muna kami, napagod kasi kaming dalawa ng kapatid ko sa byahe."

"Sige po, sumunod po kayo sa akin, ihahatid ko na kayo sa inyong silid. Para makapaghinga na kayo."Muling wika ng pangalawang maid.

Pagdating namin sa magkabilang tapat na kwarto ay kinuha ng maid yung susi sa bulsa nito at binuksan ang pintuan ng mga kwarto namin. "Ito na nga pala ang kwarto nyo Ms Akane at sa kabila naman ay kwarto mo Ms Kimiko.

Ngumiti at nagpasalamat naman kaming dalawa ni Kimiko sa maid na naghatid sa amin.''Salamat po.''

Tipid namang itong ngumit at nagpakilala.''Tawagin niyo nalang akong Lucy.''

Pag alis ni Yaya Lucy, ay tumuloy na ako sa loob ng aking kwarto, at napahinto saglit ng maalala ko ang napag usapan namin ni dad non.

"Anak."

"Ano po yun dad?"

"Baka gusto mong baguhin yung kwarto mo para tuluyan mo nang makalimutan ang mga masalimuot na nakaraan mo. May araw kasi na babalik ka ng pilipinas at muling titira sa mansyon. At baka mahirapan ka lang kapag nakita mo ulit ang mga bagay na nagpapaalala sayo tungkol kay Riffin. Baka gusto mo pati picture nya ay ipatapon kona din."

"Dad, alam kung maganda ang intensyon niyo't ayaw niyo po akong masaktan, pero yun nalang po ang mga natitirang magandang bagay na galing sa kanya. Kaya hayaan niyo nalang muna kung ano mang meron sa kwarto na yun. Hindi ko pa talaga kayang ibaon sa limot ang lahat sa amin ni Riffin. Pero I tried to let him go, dad. At alam kung may tamang panahon para dyan."

Kimiko pov...

Parang kailan lang masaya kaming lahat dito, kung di lang sana nawala si kuya, hindi sana kami nagpunta ng Japan.

pero In fairness walang paring pinagbago yung kwarto ko. Sana nga lang maka move na ang kapatid ko...

Kung hindi dahil sa katok ni Yaya Lucy hindi ko namalayan na gabi na pala. Kinatok ko muna yung kwarto ni Kimiko para sabay na kaming kumain.

"Kimiko! gising na!"

Inis niya namang binuksan ang pinto ng kwarto niya kaya natawa ako, ang sarap niya talagang asarin."Ito gising na gising na ako! kung maka-katok ka naman dyan parang gusto mong sirain ang pintuan ko."

"Bilisan mo na kasi dyan! at sumunod kana sa akin."

Pagkatapos naming kumain biglang nag ring yung phone ko. And it was dad.

"Hello, dad..."

"Hello anak," Boses ni dad sa kabilang linya ng phone.

"Kumusta na nga pala kayong dalawa ni Kimiko dyan?"Muling tanong ni dad.

Hinipan ko muna yung coffee ko bago ako nagsalita."Okay naman kami dad, napagod lang sa byahe. Kakatapos lang din po namin kumain. How are you, dad?"Pabalik kong tanong naman sa kanya.

"Okay lang din, medyo na miss ko lang yung dalawa kong anak na mabait lang kapag tulog."

Muntik kunang maiboga sa bibig ko ang kaping ininom ko dahil sa sinabi nito."Dad naman eh..."

Ramdam kong sumeryoso na ang boses ni dad kaya nakinig na akong mabuti sa sasabihin niya. "Tumawag ako para sabihin sa inyo na pwede na kayong pumasok sa Haruko University. Basta bawal niyong gamitin ang tunay niyong pagkakakilanlan. Nagkakaintindihan ba tayo? gawa na rin yung fake Id's niyo, at ang mga uniforms at mga gamit niyo bukas na bukas din asahan nyong nasa inyo na."

"Okay po dad."

"Pakibigay kay Kimiko ang phone, kakausapin ko siya."Muling wika ni dad.

Sinenyasan ko si Kimiko na lumapit sakin sabay abot ng phone ko sa kanya. "Kakausapin ka daw ni dad."

"Hello po dad, Watashi wa anata o mayotte imasu."Wika ko sa lingwahing Japanese.

"Kumusta ka na dyan?"Tanong ni dad.

"Ito okay lang naman po, miss ko na mag sisigaw dyan sa bahay."Mahinang tawa ni Kimiko sa phone at kaagad na ni loudspeaker ang phone para marinig ko.

"Pakabait kayo dyan. Iwasan niyong ipakita ang abilidad niyo sa loob ng Haruko University, nagkakaintindihan ba tayo?"Anunsyo ni dad, sa matigas nitong boses. Too much seriousness in my dad's nerves talaga.

The Lost memory Of a Mafia (COMPLETED) [Paid Story]"Revising"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon