4

160 34 1
                                    

Griffin Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Griffin Pov...

Ilang araw ko na talagang napapanaginipan ang isang babae, pero hindi ko naman maaninag ang mukha nito. Ano kaya ang mga ibig sabihin ng panaginip kong ito?

At sa tuwing malapit ko na sanang makita ang mukha niya'y bigla naman akong nagigising, basta hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Nagising na lang kasi ako na nasa hospital na ako at walang maalala.

Five years ago...

''Nasaan ako?''

Mahinahong lumapit sa akin si Tanner at na upo sa tabi ko.''Nasa hospital ka bro.''
Umayos muna ako ng pagkakaupo ko saka muling tinanong si Tanner.''Bakit anong nangyari?''

Nakita ko naman ang paglapit ng kapatid kong si Phoenix at naupo marin ito sa bakanteng upuan dito sa tabi ng higaan ko.''May bumaril sayo mabuti nalang at nadala ka kaagad ng mga taong nakakita sayo sa park, dito sa hospital kaya nakaligtas ka ngayon. Tumama din yang ulo mo sa isang mabigat na bagay, kaya asahan mong may mga bagay kang nakalimutan at hindi maalala.''

''Narinig ko rin na may kasama ka daw isang babae sa park.''Wika naman ng kapatid kong si Cody na nakaupo ngayon sa paanan ko.

''Sinong babae? hindi ko kayo maintindihan.''Naguguluhan kung tanong kaya mahinang pinisil ni Phoenix ang kaliwang kamay ko at tipid itong ngumiti.

''Wag mo na lang mo ng alalahanin yun bro, baka kasi mas lalo lang makasama sayo ang mag-alala masyado. In time babalik rin naman lahat ng alaala mo e.''Pag-papagaan ni Phoenix sa pakiramdam ko.

''Anong nangyari sa bumaril sakin?''

''Ayun! niligpit na namin kaya wag kanang mag-alala pa.''Sambit naman ni Cody na kumakain na ng orange ngayon.

''Kaya magpagaling ka kaagad.''Ani naman ni Tanner na nagbabalat na ngayon ng mansanas.''

''Shit! kaninis kahit ni isa wala man lang akong maalala.''

''Sino kaya yung babaeng kasama ni Griffin ng araw na nangyari ang pamamaril sa kanila?''Biglang naitanong ni Cody yung nangyari five years ago.

''Basta ang narinig kong sabi ng mga tao, girlfriend daw ni Griffin ang babaeng kasama nya. Ayaw niya rin naman kasi ipakilala sa atin ang babaeng yun eh.''Sagot naman ni Cody at kaagad na nagsalin ng Jack Daniels sa dalawang baso.

Kinuha ko yung basong inabot sa akin ni Tanner na may lamang Jack Daniels at sabay namin itong ininom.
''Ayaw lang naman kasi ni Griffin na madamay ang babaeng yun, alam mo naman kung anong pamilya ang meron tayo Tanner, diba?''

''Alam ko Cody, kaya nga umalis siya dito sa bahay para makasama ang babaeng yun at ayaw niya rin magpakasal kay Pearl nung time yun."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Tanner.''Kaya malabong mahanap natin ang babaeng yun, limang taon narin kasi ang nakalipas simula ng mangyari yun.''Bagsak balikat na na upo na lang itong si Cody kaya inabot ko ulit sa kanya ang isang baso ng alak.

''Pansin kung hindi na umaaligid-aligid sayo ngayon si Hannah, nag away na naman kayo noh?Tanong ni Tanner sa kararating palang na si Phoenix.

Inis akong napairap at napasandal nalang ng mukha ko dito sa malaking mesa dahil sa tanong ni Tanner na halatang nagpipigil ng tawa.''Ayun! galit na naman sa akin, nag walkout ba naman bigla pagkatapos iniwan akong mag-isa. Kasalanan ko ba mga bro? na pinanganak akong gwapo at lapitin ng mga babae?''

''Hays! makaalis na nga! kahit kailan talaga ang hangin mo Phoenix.''Inis na bulyaw ni Cody sabay kuha ng kanyang hood na nakasabit sa upuan.

''Bakit totoo naman na gwapo ako diba?''

''No comment!''Sabay sabi nina Tanner at Cody. Sakto din naman ang paglabas ni Griffin, galing sa kwarto nito kaya tinanong ko siya kung kailan uuwi si Pearl.

''Griffin, kailan uuwi dito si Pearl?''

''Next week siguro...''Walang ganang sagot ko sa tanong ni Phoenix.

''Siya nga pala, ready na kayo bukas?''

''Bakit anong na naman bang merong bukas Cody, ha?''

''Pasukan na naman ulit,Tanner. Kaya maglaba kana ng uniform mo, dahil pagod na akong maglaba para sayo.''

Tanner pov...

Kainis ayaw ko naman talagang pumasok sa eskwelahang yung e. Pero itong si dad takutin ba naman kami.

Kung hindi daw kami mag-aaral ay kukunin niya daw lahat ng credit cards namin at itatapon ang mga sasakyan namin kaya ayun! kailangan namin magsipag mag-aral.

''Wait lang bro sasagutin ko lang, tumatawag kasi si Pearl.''

''Hello, Babe! sobrang miss na kita, but don't worry dahil malapit narin naman akong bumalik dyan.''Ang sweet talaga nitong girlfriend ko halatang mahal na mahal niya nga talaga ako. Nakakabakla man isipin pero kinikilig talaga ako ngayon.

"Sobrang miss na miss narin kita, hintayin ko ang pagbalik mo dito, I love you so much."Nakangiting sabi ko kay Pearl, at ng tignan ko yung tatlo ang lawak ng mga ngiti nila at umaakting na kinikilig pa ang mga ito. Parang tanga lang!

"Ang Sweet, di ko alam bro, ganyan ka pala ka sweet kapag nag-uusap kayong dalawa ni Pearl sa phone."

"Ganun mo rin kasi kausapin si Hannah, para hindi ka niya iwan."Pang iinis ko kay Phoenix na halatang nanlaki ang mata sa pagkabigla dahil sa sinabi ko.
Sinuot ko na yung jacket at mask ko, I need to see Hannah now! "Ako? iiwanan ni Hannah... Takot nga yun na maagaw ako ng iba, sige aalis muna ako may lakad pa kasi ako eh."

"Tuloy ba ang racing mamayang gabi?"Tanong ni Tanner.

"Hindi ko alam, pero tignan natin kung may maghahamon." Sagot ni Cody sa tanong ko.

"Sana mga chikababes na astig! ang maghahamon sa atin."Ito talagang si Tanner puro babae nalang laman ng isip kaya kami natatalo, kasi pina-panalo niya yung mga chikababes na naka-kalaban namin.

"Hep! Hep! saan ka pupunta?"Natatawang sabi ko kay
Phoenix.

"Pupuntahan ko si Hannah."Bulyaw ko kay Tanner nakakapikon kasi, kanina niya pa ako pinagtatawanan sarap tadyakan sa mukha ang kumag.

"Akala ko ba hindi ka takot maiwan ni Hannah?" At talagang nakisali pa si Griffin sa pang-aasar sa akin ngayon.

"Hindi nga!"

"Aminin muna kasi... Na kahit gwapo ka, takot ka parin mapag-iwanan ni Hannah."Walang pag dadalawang sambit nama ni Griffin yan.

"Isa pa talaga Griffin, sasapakin na talaga kita!"Napipikon na sabi ni Phoenix kaya na tawa na lang kami ni Cody at Tanner.

"Calm down Phoenix, ito naman hindi mabiro."

"Pag ikaw iniwan ni Pearl pagtatawanan talaga kita!"Turo ko kay Griffin.

Nasa labas na ako ng bahay nila Hannah at pinipindot ko na ang doorbell na kaagad din namang binuksan ng maid nila.

"Nandyan ba si Hannah?"

''kanina lang umalis."

"Alam niyo ba kung nasaan siya?"

"Wala siyang sinabi, basta may pupuntahan lang daw siya."

"Pakisabi nalang po sa kanya na pumunta ako dito. Sabihin nyo rin na tawagan niya ako."

"Pangalan mo nga pala?"

"Pakisabi Phoenix po."

"Naka alis na po siya?"Tanong ko kay Yaya, sinabi ko kasi sa kanyang sabihin niya kay Phoenix na umalis ako. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya at sa mga babaeng nilalandi siya ang sarap tirisin.
"Oo Hannah, tawagan mo daw siya."

The Lost memory Of a Mafia (COMPLETED) [Paid Story]"Revising"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon