Alexa's POV
Hi, ako si Alexa. Hindi ako normal na babae, hindi ko rin alam kung bakit e. Pero sabi ni Master malalaman ko din kung bakit, wala kasi akong maalala simula ng bata pa ko.
Katulad nga ng sinabi ko, abnormal ako, pero masaya naman ako. Kasi kinupkop ako ni master, wala na daw mga magulang ko. Mabait si master, parang daddy ko na din siya.
Nakatira kami ni master sa isang bundok. May bahay kami dun, kapag nandon ako, naipapakita ko ang tunay na ako, pero hindi sa mga tao, kundi sa mga hayop at halaman.
Nag aaral ako sa isang school. Malamang haha, sa Villamono Academy. Pag nandoon ako, hindi ko pinapakita ang tunay na ako kasi panigurado kakatakutan nila ko.
Ang may alam lang ng tunay na ako ay ang master ko, wala din naman akong kaibigan so madali lang mag tago.
Nandito ako ngayon sa garden namin ni master, tinulungan ko siyang tanimin lahat ng ito. Ang ganda nga e, nakakarelax. Nakahiga lang ako dito at nag kukwento sainyo.
Ano naman tingin niyo sakin?
Mahinhin? Mabait? Masayahin? Mapag mahal?
Well, hindi ako mahinhin, siga ako. Pero sa school syempre hindi ko pinapakita yan kapag kailangan lang talaga, mabait? Pwede na rin, kay daddy lang ako mabait e, Masayahin? Ewan siguro minsan kapag nag kukwentuhan kami ni daddy, Mapag mahal? Hindi ko alam yang salitang yan.
Hindi pa ko nag mamahal, ni crush wala. 16 years old na ko pero wala pa kong nakakasalamuhang ibang lalaki bukod kay dad. Hayyy ayoko na ngang tawaging master si Dad, mas gusto ko pa daddy.
Nag aaral lang ako para wala lang trip lang haha, hindi naman ako mag tatrabaho pag laki e, kung mag kakaron man panigurado tagapag ligtas lang ako. Hindi ako mag cocollege, kasi hindi nga ako mag tatrabaho ano ba! Pero matalino ako :D
Nilalaro ko lang yung lupa sa kamay ko ng tinawag ako ni Dad
"Alexa! It's already 4 PM! Let's start your practice now!"
"Yes Dad! Your little girl is coming!"
At pumunta na kagad ako sa kabilang bundok, kung saan kami nag papraktis ni dad, maluwag don e
"Haha, little girl,that's cute" Natawang sabi ni dad
"So what's our lesson for today?"
"You're gonna practice your earth bending"
"Ohhh, okay!"
Nasabi ko na ba? Diba nga abnormal ako? Siguro ang iniisip niyo kanina kesyo baliw ako o wala sa sarili, mali kayo.
Ang tunay na ako, ay isang regalo mula kay Papa God.
Marunong mag fire water air at earth bending. I can create lightning. I can stare you to death, literally. I can fight everything. Naririnig ko lahat kahit sa malayo at napakalinaw din ng mata ko. And I can easily control myself.
Example, kailangan kong tumalon sa building. Tatalong lang ako at icocontrol ang bawat galaw ko para lumanding ng safe. Oh diba?
Pareho kami ni Dad, na may ganto. Pero meron lang akong hindi nakuha na meron siya, to read and control minds. Kaya panigurado binabasa niya na ngayon utak ko. Daddy's very handsome, he's like only twenty? Kaya dapat kuya tawag ko sakanya haha pero gusto ko daddy!
"You do know that i'm reading your mind right now?"
"Yes Daddy Alex!"
Ang weird nga e pero ang pangalan niya Alex ako naman Alexa. Pag pinahaba, siya alexander, ako alexandra. Pag buong name, Alexander Alejandrino. Pag ako naman Alexandra Alejandro. HAHAHA Mga pangalan namin ang weweird, parang parehong pareho no? Eh hindi ko naman to kaano ano, pag gising ko na lang ayan na siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Little Miss Powerful ( COMPLETED )
FantasyYung feeling na may secret powers ka, ang galing lang. Pero mawawala lang ito kapag natuto siyang mag mahal.Isusuko niya kaya ito? Iklaro lang natin, master of everything, ipagpapalit mo para sa taong mahal mo? Makikiuso lang ho, madalas kasi dito s...