Chapter 11 Siblings

3.8K 84 11
                                    

Alex's POV




Yup, kapatid ko siya, tunay.

Sinabi ko na naman sainyo diba?

Tsaka halata kung titingnan mo ng mabuti, mag kalapit ng names, at mag kamukha.

HAHAHA Yung mag kamukha part, hindi niyo yon mahahalata kasi hindi niyo naman kami nakikita e, pero pareho kaming grey eyes.

Nakanganga kapatid ko ngayon oh haha epic face

Mamaya na joke time, kailangan niyang malaman muna lahat lahat

Alexa's POV

"K-kuya kita kuya?" Kahit ang weird ng tanong ko alam kong maiintindihan niya yon

"Yap" Sabay buntong hininga niya at umupo sa tabi ko ng nakatwalya lang

"Uhm, kuya mag bihis ka muna"

"Ah nga pala saglit lang haha"

Tinitigan ko muna yung mga papel habang nag bibihis siya.

Kapatid ko siya?! Kelan pa?! Bakit hindi niya sinabi sakin?! Ano ba nangyari sakin?! Bakit wala akong maalala?! 

Hindi naman ako galit e, nagulat lang,

Pero mamaya nakangiti ako, hehe, kapatid ko pala tung isang to? Kaya pala nafifeel ko siya. Yung parang ramdam ko siya ganun.

Pag kabalik niya

"Alexa, wag kang ngumiti nang ganyan para kang nasasapian"

Ngumiti ako lalo at niyakap siya

"Kuya" Sabay buntong hininga ko, sarap ng feeling kapag may kapatid

"Oh, bago mo ko patayin sa higpit ng pag kakayakap mo, mag kukwento muna ako, dahil dapat mo ng malaman ang lahat ngayon"

Little Miss Powerful ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon