Unknown's POV
Okay, kailangan kong hanapin ang mga tulad ko. Kailangan para maisalba namin ang buong mundo. Merong mangyayaring hindi maganda, kahit sa inyong wildest imagination hindi niyo maiisip na mangyayari ito. Kailangan naming pag handaan to. May isang challenge na kailangan namin lagpasan. At hindi ito simpleng challenge.Alex's POV
Pinanood ko siyang makalabas sa pintuan ng bahay namin.
So kilala niyo na ko, pinakilala na ko sainyo ni Alexa. Meron siyang hindi alam, na hindi ko rin pwedeng sabihin sainyo.
Ang sasabihin ko lang pareho kaming nasumpa nung 15 kami. Eh mas matanda ako, kaya nauna ako sakanya, mas nakapagsanay ako, kasabay kong mag sanay sina Alexis at Alexana. Yung isa? Ewan ko, wala pa kong naging balita sakanya, basta palagi na lang siyang susulpot at biglang aalis, kaya walang nakakakilala saknya.
So, wag niyo na kong kausapin at baka madulas ako ng di oras at masabi ko pa sainyo ang tinatago ko for 5 years.
Alexa's POV
ewan ko ba sa school na to, napaka weird, mga estudyante at teachers weird. Pati ang schedule nila dito weird. Ang pasukan ba naman gawing November?! Hayy ewan ko ba sainyo bakit kayo ganyan. Sana January na lang. Oh kaya katulad ng iba June! Mga tangengots.
Andito ako ngayon sa taas ng puno, may ginawa ako ditong parang upuan, pero nakadikit siya sa puno, kaya mukha siyang lumulutang na upuan. Ano nga bang puno to? Hmmm hinipo ko yung mga dahon at may pinalabas akong prutas ohhh so grapes pala to. Nga pala kaya ko ding mapadali ang pag tubo ng mga halaman, hehehe.
At kumain na ko ng grapes, tamis hihihi. ^_____________^
Hmmm, oh ano nang gagawin ko ngayon? Hmmmm.
Tumalon ako sa puno at tumungo sa music room ng school,
Tumugtog ako ng piano. Kiss the rain by yiruma. Pag naririnig ko to nalulungkot ako na ewan, hahaha ewan ko ba sakin.
Pag katapos kong mag piano, nag gitara naman ako, humanap ako ng magandang kantang tutugtugin, may nakita ako, song siya nung year 2012. Eh ano na ba ngayon? 2065. Ohhh, edi luma na to.
Tinry ko siyang tugtugin, ang kumanta ay si taylor swift, familiar siya ahh, hindi ko lang maalala, bala na xD
BINABASA MO ANG
Little Miss Powerful ( COMPLETED )
FantasyYung feeling na may secret powers ka, ang galing lang. Pero mawawala lang ito kapag natuto siyang mag mahal.Isusuko niya kaya ito? Iklaro lang natin, master of everything, ipagpapalit mo para sa taong mahal mo? Makikiuso lang ho, madalas kasi dito s...