Sa oras ng pagmulat ng aking mata
Sumalubong ang luha't ngiti sa mukha nila
Sila ang nagmistulang gabay,
Lakas ang siyang inaalayHindi nila ininda ang pagod
Maitaguyod lang ang pamilyang binukod
Binigay lahat ng pangangailangan,
Hindi sila nagreklamo kahit kailanmanTinuturuang maging responsable
Dinisiplina't binihisan para maging kumportable
Ramdam ko ang hagupit ng palo at sakit,
T'yak na may dahilan kung ba't naghihigpitAma't Ina ko'y sadyang kay dakila
Ako'y sinusuportahan at binibigyang tiwala
'Di nagsasawang ako'y paalalahanan
Dahil hangad nila'y aking kaligtasanMahal kong magulang kayo'y dapat parangalan
Kayo ang naghatid samin sa tamang daanan
Salamat sa walang humpay na pag-alalay
Kayo ang dahilan ba't ako'y nasa tuktok ng tagumpay♥

YOU ARE READING
Poem Collections
PoetryRamdom poems ♡ I hope you like it ♡ Lahat po ng mga tula ko dito ay ako talaga ang gumawa. Happy readings everyone! ❤