Hindi ko inasahang darating ka,
Sa buhay kong puno ng lumbay at saya
Hindi ko lubusang maisip
Na ito'y hindi panaginipIkaw ang nagmistulang ilaw,
Sa madilim kong pananaw
Ika'y nagsilbing gabay
Sa daang tinahak na 'di pantayIkaw ang aking naging sandalan,
Sa mundong puno ng karahasan
Ika'y naging kalasag ko,
Sa laban hanggang duloIkaw ang nagbigay kulay sa mundo ko
Nagsulat ng mga kabanata at bumuo
Ikaw ang siyang dahilan ng ngiti sa labi,
Na hindi ko kailanman maikukubliWala man akong taglay na yaman
Ito lang ang iyong laging tandaan,
Pangakong hindi ka iiwan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan!♥

YOU ARE READING
Poem Collections
PoesiaRamdom poems ♡ I hope you like it ♡ Lahat po ng mga tula ko dito ay ako talaga ang gumawa. Happy readings everyone! ❤