Nakilala kita noong elementarya,
Nakakatitig habang pinapagalitan ka
Ngunit ito'y iyong binabalewala
At guro natin no'n ay nababahala.Ika'y nakaupo sa unahan at ako'y sa huli
Napakulit mo no'n at ako'y napangiti
Sa upuan mo'y hindi ka talaga mapakali
Pagkairita ay pilit mong ikinukubliSa paglipas ng araw ika'y laging pinapagalitan
Ayaw mo manatili sa sariling upuan
Sabi ng guro'y para kang sinisilaban
Ulo niya'y sumasakit sayong kakulitanKilala kita pero 'di mo ko kilala
Tinatago ko kasi ang aking presensya
Ako'y palagi lamang nag-iisa
At nakamasid sa'yong pinaggagawa.Lumipas ang taon at tayo'y naging malapit
Gawain natin ay kopyahan sa pagsusulit
Nakakatawa mang isipin tayo'y do'n nagkakagalit
Sariling mga sagot natin ay laging ipinipilitTayo'y naging matalik na magkaibigan
Kasakasama sa harutan at tawanan
'Di ko lubos maisip na ika'y iwanan
Dahil panahon na ang humulma sa'ting samahan♥
--Dedicated to my bestfriend : )
I know hindi mo to mababasa kasi di mo alam na nagsusulat ako. HAHAHAHAH sama ko no? Suntukan na lang tayo pagnagkita na tayo!-Cover made by jeon_jlo : )
YOU ARE READING
Poem Collections
PoesiaRamdom poems ♡ I hope you like it ♡ Lahat po ng mga tula ko dito ay ako talaga ang gumawa. Happy readings everyone! ❤