Prompts and Regulations [CLOSED]

3.9K 121 306
                                    


Ngayong taon, mas matindi ang challenge sa inyo ng RomancePH! At iyon ay ang magsulat ng TATLONG ONE-SHOT STORIES gamit ang TATLONG PROMPT ng mga magkakaibigan na sina Philip, Chase, at Loyd na ibibigay namin sa inyo. But don't fret, pagka't katumbas rin nito ay mga premyong triple rin ang kaligayahan na hatid sa inyo. So without further ado, we present to you our Summer of Hope prompts:


Antoinette | Philip

New Chance at Love

Bagong simula para kay Antoinette ang mag trabaho bilang isang receptionist sa hotel na pagmamay-ari ng mayaman na angkan ng artistang si Philip. Maayos naman ang lahat at nag-eenjoy siya sa trabaho niya. Hanggang sa isang araw ay nagsimula siyang makatanggap ng mga love letters na may kasamang mga tsokolate sa front desk. Dumarating ito araw-araw, at ang pagkakakilanlan ng kaniyang masugid na tagahanga ay nanatiling misteryo. Ang tanging clue niya lang sa pagkatao nito ay ang tatlong numero na nakasulat sa dulo ng bawat latter. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may kinalaman rin kay Antoinette ang mga numero.

Nadia | Chase

Conquering Love Full of Adversities

"Mahal mo pa ba siya?" tanong kay Nadia ni Chase, ang CEO ng hotel na kanyang pinatatrabahuhan at kapatid ni Philip. Secretary siya nito. Sa gulat ay 'di niya alam kung paano ito sasagutin kaya umiling na lamang siya.

"Good. Because I fired him."

Nanlaki ang mga mata ni Nadia sa takot. "Dahil ba sa kapalpakan ko?"

"Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition. Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?"

"Bawal! Nasa company policy iyon," ani ko pero ngumiti lang siya.

"I'm the boss. I can change the rules whenever I want."

Fritz | Loyd

Second Chance

Tatlong buwan nang hiwalay ang hotel manager na si Fritz at ang boyfriend niya pero heto siya at tuliro pa rin. Napabalik siya sa realidad nang huminto ang elevator na sinasakyan niya at bumukas. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ang gwapong ngiti ni Loyd, ang babaerong best friend ng CEO nilang si Sir Chase na madalas bumisita at manggulo sa opisina. Biglang uminit ang elevator nang magsara ito. Napakapit si Fritz nang mahigpit sa folder na hawak niya nang bigla nitong pindutin ang emergency button para huminto ang elevator. Hinarap ni Loyd si Fritz na may ngiting delikado para sa kaniyang 'di pa magaling na puso.

"So, single ka na pala. May chance na ba ako sa 'yo? Can I be the man to make you happy now?"


Rules and Regulations: 

❤ Isulat ang tatlong prompts na New Chance at Love, Conquering Love Full of Adversities, at Second Chance bilang iyong sariling kwento sa iyong sariling profile.

❤ Ang tatlong kwentong ito ay dapat may sari-sariling chapter sa iisang libro. Halimbawa:

Chapter One: New Chance at Love

Chapter Two: Love Conquering Love Full of Adversities

Chapter Three: Second Chance


❤ Hindi maaring palitan ang mga pangalan, trabaho at ugnayan ng lahat ng karakter.

❤ Siguraduhing magagamit ang tatlong prompt at hindi iisa o dalawa lamang.

❤ Siguraduhin na relevant ang inyong kwento sa napiling prompt

❤ Ang mga sasali ay maaaring gumamit ng Filipino, Ingles o Taglish lamang

❤ Bigyang pansin ang inyong grammar at spelling

❤ Ang bawat isang kwento ay hindi maaaring lumagpas sa itinakdang 1,000 na bilang ng mga salita. Ibig sabihin tig-isang libong mga salita ang maximum word count sa bawat prompt

❤ Hindi kami tatanggap ng mga kuwentong may Mature Content

❤ Hindi kami tatanggap ng mga fanfiction

Deadline: June 12, 2020 @ 10:59PM - PH Timezone (GMT+8)

❤ 'Wag kalimutan na lagyan ng tags na #RomancePH #SummerofHope ang inyong mga kuwento

❤ Magpasa ng iyong entry gamit ang form na ito: SUBMISSION FORM

Good luck!

Paalala na ang mga entry na naipasa lamang sa pamamagitan ng SUBMISSION FORM ang aming tatanggapin. 

Summer of Hope [closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon