As much as I wanted to date Hannie, my Dad would surely find his sinnisters way even if turning himself into a very thick wall just to opposed my love story.I know him and his dirty mindset. Ngayong my Idea na sya, I'll be on his hotspot. One wrong move and my prosperous life would be over.
Kaya kanina sa almusal iba yung mga tinginan nya saakin; na parang nagpaplano sya kung paano nya ako mababantayan or maiisahan. May sarili akong kotse pero ngayon sabi ni Dad from now on, ihahatid sundo na ako ng driver namin. Great! Just Great!
So kahit ayaw ko, wala akong choice kundi maghanap ng kung sino mang baliw o siraulong makikipagdate sa kapatid ko.
I was right when I said that Massie should never be born. Kagabi naglagay ako ng alay sa puno ng mangga. Kinausap ko ang engkanto dun na kunin na nya ang anak nya saamin. After all, anak nya yun diba? But then mukhang kahit ang tunay nyang ama ay ayaw parin sa kanya dahil paggising ko kaninang umaga, andun parin at buhay na buhay pa ang demonyita. Kinakausap pa ni Daddy.
'Hindi mo sya anak. Anak sya ng engkanto.' I wanted to tell dad but I refused to be slapped so I decided not to say anything.
My Dad, you see, always favors my sister, Massie. Para sa kanya si Massie ang ehemplo ng isang mabuting anak at ako naman ang suwail.
Yeah. My dad is lunatic.
"What's this?" Matt asked me nang iabot ko sa kanya ang letter. Hinila ko sya dito sa may school's park matapos naming magkasalubong sa cafeteria. Natakot pa sya nung una kasi di nya ako nakilala. Nagtataka sya saakin ngayon because honestly I look like an idiot wearing mask and sunglasses. Well, what can I do? I need to cover myself. The war is on and I won't let my dad win.
"Ibigay mo kay Hannie." utos ko habang palinga linga sa paligid.
Naguluhan sya lalo. "Ha? Why? Di kami close ."
"Gaga! Iabot mo sa kanya yan. Sabihin mo contact nya ako after two weeks." bilin ko sa kanya.
Napakamot na sya sa ulo nya. "Ano bang meron? "
"Our love is againts all odds now. We're like Romeo and Juliet hiding under the moonlight. "
pageemote ko, nakadantay pa ang dalawang kamay ko sa aking dibdib na akala mo'y umaakto ako sa theatre. "Nagsimula na syang magalala. "Ha? Okay ka lang ba? May gumawa ba ng masama sayo? "
"Sssh!!! Listen," hinawakan ko ang dalawang balikat nya sabay nilapit ko ang mukha ko at marahang nagsalita " may mga estudyante rito na binayaran ni Dad para manmanan ako. You know me, I am very smart to find out. They are 5 or 6-- I don't know. And then yung account ko pati mga message na dumarating sa phone ko, nakaconnect lahat sa pc ni Dad. He can read everything now. "
"What? Is that possible without your permission?" tanong nya.
I crossed my arms and rolled my deep brown eyes. "Dont ask me. He's a billionaire. He can do whatever he wants. He wanted to know the person I am inlove with and for sure kapag nalaman nya kung sino, katapusan na ng aming love story ni Hannie."
Duh. Di ko pa nga natitikman si Hannie tapos bokya na agad? No!
Parang nagulat sya sa sinabi ko kasi hindi sya nakapagsalita agad. "Y-you're really inlove?"
Opssss... Mali ata ang choice of words ko ngayon. I gotta buy Meriam Webster later to improve my diction.
"Not really." umirap na naman ako sabay buntong hininga. "I lied to him. Duh. Sige na may practice pa kami. Make sure na maibigay mo yan sa kanya. You're the only one I can count to. Bye." hinalikan ko sya sa pisngi bago tuluyang iniwan.
YOU ARE READING
My Sister Is Strange.
Ficção AdolescenteTurns out, the sister Kassie's been cursing and calling names such as mutant and ogre, is the sister she knows nothing about.