MASSIEI'm sick.
Badly sick of running in this sickening wheel called life. Parang akong hamster.n
I'm also sick being sick.
Napilitan naman akong pakinggan ang sermon ng Math teacher namin kanina dahil nahuli nya na naman akong natutulog sa klase. Nasa pinakadulo na nga ako nakaupo, tagong tago na ako sa likuran ng mataba naming kaklase pero naabot parin ako ng mata nya. IBA!
Natuwa ako nang pinalabas nya ako. Kanina ko pa kasi gustong kumain ng grilled cheese sa cafeteria kaya nagpasalamat ako sa umuusok nyang mukha bago lumayas ng room.
Everything's making me sick except food.
"Aham.. Aham. HI! MASSIE! RA---
May tangang lalaking hindi nakapansin sa sign na 'Caution. floor is wet ' at nakipaglips to lips sa sahig.
Seriously? Right in front of my 4 in 1 grilled cheese?
Pasigaw pa 'yung 'HI' nya. Lahat ng tao sa canteen napalingon sa kanya.
"Ma-massi -- Aray!!Ouch! Ouch! Ouch! "
Pati mga plato sa rack sinagasa. Poor human being. Hindi ko sure kung buhay pa sya.
Buti nalang kumakain ako hindi tuloy ako naaawa.
Andami nyang nabasag na pinggan. Kawawang plato.
"MASSIEEE!! "
Muli akong napalingon sa kanya nang sinigaw nya ang pangalan ko. Buhat buhat na sya ng ilang estudyanting lalaki palabas ng cafeteria. Dadalhin ata sya sa clinic. Pero sa gulat ko, nakaangat ang kamay nya papunta sa direksyon ko na parang inaabot nya ako o nangangailangan sya ng saklolo ko.
"MASSIEEEEEE AKO SI JUSTINNNNNN!!"
"Prez mamamatay ka na, uunahin mo pa babae. " sinapak sya ng bumubuhat sa kanya at nawalan sya ng malay.
Hindi ko namang mapigilang mapalunok. Kumakain kasi ako ng Grilled cheese.
That dude is creeping me out! Ilang araw na nya akong minamanmanan.
May gusto ba sya saakin? Kadire sya ha. Kaya pala tinuturo nya ako parati sa mga kabarkada nya.
Kinahapunan habang nasa school's park ako, nakaupo sa swing at naglalaro ng ML, bigla syang tumabi saakin. Nakabandage ang leeg. may bandaid sa noo, at nakangiti na parang close na close kami. REALLY? DI MAN LANG NYA INANTAY NA GUMALING SYA. Obsessed LANG?
"Kumusta ka, Massie? "
"Ikaw, kumusta ka? " sarkastiko kong tanong habang pinapatay ko si Zilong.
"M-mabuti naman ako. Ako nga pala si Justin, I am the school's body president. "
"Alam ko. "
Sinong hindi nakakakilala sa campus president?
Hindi ko tinanggap ang alok nyang makipagshake hands. Wala ako sa mood ngayon, bukas, at magpakailanman. Nahihiwagaan rin ako sa nangyayare?
Anong kailangan nito saakin?
Hinimas nya ang batok nya at tipid syang tumawa. "I see. You're really complicated. Here drink this. "
Tinanggalan nya ng plastik ang straw na hawak nya at tinusok sa delight at inabot saakin.
Kinuha ko 'yun at ininom. Pinabayaan ko syang tumitig saakin.
"May boyfriend ka na ba? "
" Bobo mo. " bobo ni Karina.
"A-ano? Bobo? Ako? "
" Mamatay ka na! "
"Ma-masie... "
"Damn you! I'LL KILL YOU! "
Silence.
Tinigil ko ang paglalaro at tiningnan ko sya na nawalan na ng kulay ang mukha, nanlalaki ang mga mata, nakaawang ang bibig, at namamawis ng sobra.
"Naglalaro ako. " sabi ko sa kanya bago pa man sya atakehin. Tinago ko ang cellphone ko at iniwan ko na sya.
"T-- teka, sandali. Saan ka na pupunta? Sama ako. " nakapout syang humaharang harang saakin.
Binigay ko sa kanya ang pinakanakakatakot kong tingin. Makuha ka sa tingin mo, boy. Leave me alone or else you will leave this world alone.
"Hi-hindi, pwede? S-sige. Sabi ko nga. "
Nakahawak sa batok syang umatras papalayo.
Good boy!
Sa library ako nagtungo hindi para magbasa kundi para matulog.
"Hindi tulugan ang library, Miss Massie."
Naalimpungatan ako nang may bastos na nagalis ng librong nakatakip sa mukha ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko na naman sya. Ano bang kailangan nya saakin at ayaw nya akong tantanan?
"Massie, Sandali naman. Pauwi ka na ba? Gusto mo hatid na kita? "
Hanggang sa pagsakay ko ng LRT nakabuntot parin sya.
"Sanay ka pala sa madaming tao. " komento nya habang ipit na ipit sya sa gitna ng dalawang malaking tao.
Pagdating ko sa Mall, nasa likuran ko parin sya.
"Hindi ka pa pala uuwi. May bibilhin ka ba dito or you're just strolling around. "
"ANO BANG KAILANGAN MO? " hindi ko na natiis at sinigawan ko na sya. Nakuha ko tuloy ang atensyon ng mga tao sa mall.
"Wag mo naman sigawan yung anak mo, Ma'am. " may Ale na sumita sa akin na ikinamula ko ng sobra.
Anak? Mukha ba akong nanay nito? Eh ang panget nito!
Nagulat ako nang bigla nalang akong inakbayan ng mokong. Nanginginig sya dahil nagpipigil sya ng tawa. "Hindi ko po sya Nanay, Girlfriend ko po sya. "
Sa sinabi nya, pinasadahan tuloy ako ng mapanghusgang tingin ng Ale bago kami nilubayan. Narinig ko pa itong nagsabi ng 'Child abuse. '
But I refuse to give a fuck. Not to her, not to this stupid president guy.
Pumasok nalang ako sa C. R. Para hindi na ako masundan ng baliw na 'yun. Umupo ako sa dulong cubicle at nagantay ng oras hanggang sa tawagan ako ni Hannie.
"Ano na naman ba? " bungad ko sa linya.
"Don't be stubbon, baby. Where are you? "
"Gross. " I hang up before he could even form a word.
"I tracked your GPS. I'm coming there. " he texted.
I immediately turn off my location. Stalker!
----------

YOU ARE READING
My Sister Is Strange.
Teen FictionTurns out, the sister Kassie's been cursing and calling names such as mutant and ogre, is the sister she knows nothing about.