17
Atarah is busy wasting her time on watching television. Nababagot na nga ito sa totoo lang. Well, palagi naman. Kaso this time is different. Aside kasi sa wala ang parents nito dahil nga nasa Cebu sila for one week, wala rin ang mga kasambahay nila dahil nga work break nila ngayon.
This weekend pa sila makakabalik. About her friends? Masikip din ang schedule nila due to their workloads.
"Wala na bang mas iboboring ang araw na 'to?" Inis itong napasandal sa sofa. Sakto namang tumunog ang phone niya. It's Gia.
Nagtatanong kung kamusta na raw siya. After replying to her friend's message tsaka nito ibinaba ang phone. Makalipas ang ilang minuto, may naisip ito. Well, maybe they are not busy. Sila na lang ang kukulitin ko. Pangungusap nito sa kanyang sarili.
She's just waiting for the other line to take her call. After awhile, mabuti na lamang at nalaman niyang wala raw ginagawa ang mga ito.
Done fixing herself, nagtungo ito sa lugar na pinag-usapan nila. Now she has ways to lessen the boredom striking her since morning.
"Atarah!" Tawag sa kanya nang makapasok siya sa isang coffee shop.
"Hey. Long time no see." Saad nito sa dalawa. It's Mandy and Cosette, Treyton's friends.
Sa ilang beses nilang pagkikita, close naman na ito sa dalawa. Well, it's not that hard to get close from these two girls. Mababait sila and that's what Atarah's thankful about.
Nagkwentuhan na lang silang tatlo. Nagulat pa nga raw ang dalawa ng malamang si Atarah mismo ang tumawag sa kanila. Plano rin kasi ng dalawa na makasama si Atarah kaso hindi nila alam kung paano siya kausapin.
Sure, they had her phone number but they're doubting if they should call her or not kasi nga alam naman nilang buntis ito. There are some things to consider, though.
"Sobrang nakakabagot sa bahay kung alam niyo lang. Good thing both of you were free." Saad nito. Nakwento na rin niya sa dalawa na mag-isa lang siya sa kanila dahil nga sa wala ang parents nito at ang kanilang kasambahay.
"You can call us anytime if you want para naman may makasama ka." Wika ni Cosette rito. Atarah learned that Cosette is into fashion and Mandy is into business. Syempre nalaman din nilang architect siya.
They continued chitchatting hanggang sa mapunta ito sa pagbubuntis niya. They asked her about having an ultrasound to know the gender of her baby. Napag-usapan din nila ito ng mom niya before pero ayaw talaga niya. Nakakaexcite nga naman kung tutuusin pero mas gusto niya talagang malaman ang gender ng baby once na maipanganak na niya ito.
"If that's what you want, then. Basta ninang kami ah?" Natawa na lang ito sa dalawa. Even her friends keep on telling her to be her baby's godmothers.
Of course, sino pa bang kukunin niyang mga ninang diba? That's what makes her laugh. Hindi pa nga niya naipapanganak yung baby, may lima ng on-the-list sa magiging ninang ng anak niya.
Naghiwa-hiwalay na rin naman sila nung hapon na. Hindi niya nga alam kung ilang oras silang nagstay sa coffee shop na iyon. Hindi niya rin namalayan. Masaya kasing kausap iyong dalawa besides mabilis lang talagang lumipas ang oras.
"Welcome home Atarah." Nagulat ito nang pagpasok sa kanilang bahay ay nakita niyang naroon si Neon at feelingerong naupo sa kanilang sofa.
"What are you doing here?" Naguguluhan nitong tanong. Naupo na rin naman ito sa tabi ng lalaki pagkalapit niya. Neon just gave her a peck on her cheek.
BINABASA MO ANG
When Heart Decides
Roman d'amourCOMPLETED Story Description: Dixie Atarah Mendez was a girl who lived her whole college life abroad for her studies. For a busy person like her who never committed to any kind of romantic relationship because she's busy fulfilling her dreams, what i...