CHAPTER 10

390 39 2
                                    

10

Bagot na bagot si Atarah habang nakaupo lang ito sa gilid ng kanyang kama. Wala ngayon ang parents niya dahil nasa trabaho ang mga ito at tanging mga kasambahay lamang ang mga kasama niya.

Gusto niya nga sanang magtrabaho para man lang sana may magawa siya pero hindi siya pinapayagan ng mga ito dahil nga sa malaki na ang tyan nito.

Alam naman ng mga ito na hindi siya maselan sa pagbubuntis pero inihabilin kasi ng parents nito na huwag daw siya hahayaang magtrabaho. Matigas pa naman ang ulo.

"Boring." Mahina nitong bulong hanggang sa marinig niya ang katok mula sa kanyang pintuan.

Maya-maya pa ay pumasok ang isa nilang kasambahay na may dalang pananghalian. Lihim tuloy itong napairap ng mata. Mood swings, fudge.

"Para naman akong baldado nito. Diba dapat mas maging active ako para naman hindi ako mahirapan kapag manganganak na ako?" Hindi nito maiwasang magtanong. Bored na bored na talaga siya.

"Iyan ang habilin ng mama mo Atarah. Hayaan mo na't nag-aalala lamang sayo ang parents mo. Delikado kasi kung bababa ka pa ng hagdanan, mamaya ay kung mapano ka pa." Usal ng kasambahay nila tsaka nito inayos ang kakainin niya. Wala naman siyang magawa kundi ang tumango rito. "Kumain ka na. Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako."

"Sige po. Kain na rin po kayo. Thank you sa food." Sagot nito. Nginitian siya ng matanda bago siya nito iniwan na mag-isa sa loob.

Pagkatapos kumain ni Atarah ay wala na naman siyang ibang ginawa. Ang ending ay natulog na lamang ito. Nagising lamang siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Invader. Disturber." Usal nito nang makita ang mga kaibigan.

Pero at the same time, naisip din nitong mas okay siguro na dumating ang mga ito para naman may pagkaabalahan siya.

"Atarah, pa-CR. Magbibihis lang ako." Paalam ni Dianne na talagang nakadamit pang-nurse pa ito. Kakatapos lang yata ng shift nito at talagang dito pa sila dumiretso.

"Paano naman ako? Ang tagal ko kaya yun hinintay. Nakakapanghinayang lang talaga." She said habang kinukwento nito ang tungkol sa kanyang trabaho.

She's feeling sad about it at ngayon niya lang ito inopen-up sa iba dahil nung tinanong siya ni Treyton about dun, konti lang ang sinabi niya dahil nga sa nalulungkot siya nung malaman niya iyon.

"Well ganito lang yun kasimple, maybe hindi pa talaga ito yung time para sa'yo. Who knows if better opportunities are waiting for you, right? Tsaka mas okay na rin yun. Like hello? Buntis ka kaya, alangan namang magtatrabaho ka?" Saad naman ni Thea na siyang sinang-ayunan nina Dianne at Gia.

"Thea's right. Speaking of buntis, how are you?" Dianne asked with a hint of concern oh her voice.

"I'm fine," she answered.

The day when she learned that she's pregnant, honestly Atarah got scared. Who wouldn't be, right? But as days go by, that fear is slowly fading because she knew that the baby she's carrying was a blessing.

What she's more thankful about is that those people who are important to her accepted the baby wholeheartedly.

Hindi katulad ng mga naramdaman niya noon nung unang buwan niya sa pagbubuntis, hindi na siya nagsusuka but what struggles her is she's craving for food as always. Ang problema pa, kung anu-anong gusto niyang kainin.

When Heart DecidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon