4 [Irita]

18 2 0
                                    


Last day na ng last quarter examination. Mabuti na lang at naurong ang family occassion sa Sabado. Originally, it was on Wednesday, the second day of examination but they moved it this Saturday. Kaya mas malaki ang tsansa na makakapunta si Putrie.

Biyernes ngayon kaya maghahanda pa kami para sa Jum'ah prayer. Meron naman dito sa school pero nag-aya si Putrie na roon na lang sa kanilang Masjid dahil tinawagan siya ng kanyang Tita. Nahihiya raw siya kaya sumama na raw ako.

Isa pa, gusto niyang bumili ng masusuot para bukas. Marami naman siyang damit pero ewan ko ba! Napakaarte ng babaeng ito. At saka malapit din kasi sa bibilhan niya 'yong lagi niyang binibigyan ng makain. Nakilala ko na rin sila dahil sa kanya.

Mga namamalimos lang at hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Luckily, Putrie met them. Buti naman maganda ang puso ng babaeng 'yon at hindi sila pinabayaan. Pati ako ay bumibili na rin ng puwede nilang magamit at makain. Sinubukan namin na manghingi ng tulong para mas makakatulog sila sa mas kumportableng lugar pero ayos lang naman daw.

Sapat na raw ang tulong namin. My heart warms whenever I see their smiles.

Nakapagpaalam naman ako kanila Umie at pumayag naman siya. Pagkatapos ng Jum'ah ay dumiretso kami sa malaking bahay nila Putrie. I was amazed even on their big cream white gate with some gold paints.

"Para naman akong maging prinsesa nito," bulong ko nang papasok na ang kanilang sasakyan sa engrandeng gate.

"Para ka namang hindi prinsesa," umismid siya.

"Nakakainis ka talaga."

"Alam ko. Duh?"

Iginiya kami papunta sa kanyang kwarto. Sultan and his wife are not around so we proceed directly to her room. Kinabahan pa ako na baka nariyan ang kanyang Kuya at baka tuksuhin pa ako ng isang 'to!

"I'll just shower. Kung gusto mo, puwede ka ring maligo. Pahihiramin lang kita ng damit. Pero kung ayaw mo... e 'di 'wag."

Kumuha na siya ng roba at pumasok sa loob ng kanyang restroom. Matagal-tagal akong naghintay. Hindi na ako nagulat na matagal talaga siyang naliligo dahil sa arte niyang 'yan. Isa pa, ganoon din naman ako.

Nakiligo na rin ako at siya na ang pumili ng masusuot ko. Pumasok ako sa walk-in-closet niya at nakita ang nakalabas na damit na nasa hanger pa.

"Ayos na ba 'yan? Baka hindi mo type," dumungaw siya sa pintuan.

To be honest, I like her sense of fashion. Kahit ang minimal niya minsan sumuot, ang ganda pa rin tignan.

"Ayos na 'to," lumapit ako at sinarado ang pintuan. Baka kung ano pang kalokohan ang maiisip no'n!

Pati ang sapatos ay pinahiram niya ako. It's a white sneakers. Mahilig siya nito kaya karamihan sa sneakers niya halos magkakamukha lang na hindi niya matanggap dahil hindi raw sila magkakamukha.

"Goals!" she exclaimed as she smiled on the big mirror in front of us. Medyo matchy kami lalo na sa sneakers.

Umismid ako. "Arte talaga!"

Umismid din siya at kinuha na ang maliit na bag para ihulog doon ang kanyang cellphone at wallet. Lumabas na kami sa kuwarto niya para maghintay sa labas ng double doors.

Buong akala ko ay 'yong tagahatid-sundo rin sa kanya pero nang makita ang Kuya niya na nakaupo sa driver seat, bigla akong nahiya. I knew it! She planned this all out! Sa ngisi niya pa lang na mukhang enjoy na enjoy siyang makitang gulat ako.

Tahimik akong umupo sa tabi niya. Walang nakaupo sa passenger seat. Mabuti naman na hindi roon umupo si Putrie kundi hindi ko na alam ang gagawin sa hiya. I just prayed, she won't tease me.

Heiress Series 1: Aquila Where stories live. Discover now