6 [Time]

16 2 0
                                    


"Have you seen Khalid?"

Kahit sa simpleng tanong niya ay nagugulat ako. Talaga naman kasing nakakagulat dahil hindi naman kami nagkakausap. Mas lalong hindi niya ako kinakausap.

"Kanina sa cafeteria..."

Tumango siya at mabilis na nilakad ang daan patungo sa cafeteria. Tahimik lang akong nakasunod habang natatanaw ang pagbabaling ng ibang tao. Halos mabali ang leeg nila para lang makita si Abraham.

Bakit kaya siya ang sumundo? At galing pa siya sa trabaho? Hindi man lang siya nagpalit. E 'di mas agaw pansin siya dahil sa suot niya.

"Aquila!" may tumawag sa akin.

Nakita ko ang nakangiting kumakaway na si Joachim at sinulyapan ang katabing si Esther na ngayon ay nakasimangot na. Ngumiti na lang din ako at binalik ang tingin kay Abraham na kunot-noong sumulyap sa tumawag sa akin.

Pumasok siya sa cafeteria. Mas marami ang tao ngayon dahil siguro early dismissal ng iba. Ang dami ring bumaling sa gawi ni Abraham. Meanwhile, I'm silent behind him.

"'Yan siya!" dinig ko pang bulong ng kung sino man 'yan.

Namataan ko na si Khalid na nagpapaalam sa mga kaibigan. May tumawag pa sa kanyang mga babae para magpaalam. Naghahagikhikan pa sila nang makita si Abraham.

"Ang guwapo, ah?" bati ni Khalid sa kuya.

Nakita ako ni Khalid na nasa likod. "Uy, Aquila!"

Ngumiti lang ako. Hinila na siya ng kuya niya at may mga sinabi ito. Nakasunod lang ako hanggang sa nakarating kami sa itim na Fortuner ni Abraham.

"Bakit ito? Sana 'yong Honda na lang! Sabi ko pa naman, wala tayong Fortuner!" sabi ni Khalid nang makapasok na kami sa sasakyan at sumusuot na sila ng seatbelt.

"Bakit ka nagsinungaling?" masungit na tanong ni Abraham. Ang sungit talaga!

"Puro kasi sila RK daw ako. Ayaw ko no'n."

"Hindi ka pa rin dapat nagsinungaling."

"Opo, koya," Khalid teased. He, then, glanced at me.

"May humihingi pala ng numero mo sa akin, Aquila. Narealize ko lang na wala pala akong numero mo."

"Ah..." Anong sasabihin ko? Ayoko kasing ibigay ang number ko!

"Bakit mo rin ibigay?" Abraham asked and rotated the steering wheel.

"Hindi ko naman ibibigay at wala namang akong sinabing ibigay ko. I just realized, I don't have her number."

Tumango naman ako ng maintindihan ang punto niya. He gave me his phone and I gave him my phone.

"Ayan ha. Kapag may problema ka, tawagan mo lang ako," he gave me back my phone. Binalik ko rin ang kanya.

"Opo. Shukran."

"Walang opo! Para naman akong oldy! Si Kuya ang oldy oh!" he teased his brother. Kinuha ni Abraham ang panyo na nasa dashboard at tinapon sa mukha ng kapatid.

Nagpigil lang ako ng ngiti dahil baka mairita na naman ang isang 'to!

"Bakit pala ikaw ang sumundo? Talaga namang nakaoutfit ka pa? Pasikat lang?"

"Shut up, Khalid," Abraham warned.

"Pasikat ka lang eh. May pinorpormahan ka sa school? Ang tanda mo na uy! 'Wag mong sabihin si Ma'am-"

Binato siyang muli ni Abraham ng tissue na nasa gitna nila. Humalakhak si Khalid. Tuwang-tuwa siya na naiinis niya ang kuya. Aaminin ko na tuwang-tuwa rin ako. Masaya ako para kay Khalid.

Heiress Series 1: Aquila Where stories live. Discover now