Kinwento ko kay Putrie ang nangyari. Masyado lang daw akong mapanghusga. Kung ano-ano na lang din daw ang iniisip ko. At saka, pwede ko naman daw ipaglaban kapag ayaw ko."Gusto ko subukan 'yong Korean restaurant na kabubukas lang. Halal naman daw," Putrie said in the middle of our lunch.
"Ikaw bahala."
"Syempre! Alangan namang ikaw ang bahala? Buhay mo?"
I glared at her. She smiled cutely and blinked her eyes twice. Ngumiwi ako at sinubo sa kanya ang isang half ng omelet. Bigla kong naalala 'yong sinabi ni Khalid.
"May sinabi pala si Khalid..." I trailed off.
Kita ko ang kaunting gulat sa mata niya pero nakabawi rin naman agad. She cleared her throat.
"Ingat ka raw do'n sa... Jabir yata pangalan. Patay na patay raw sa'yo..."
She, then, looked at me with a blank expression. "Iyon lang?" parang dismayado pa siya.
"O-Oo..." nalilito kong sinabi. Bakit? May iba pa ba?
Umismid siya at pinagpatuloy ang pagkakain. Exam week passed by. Naging busy kami ni Putrie dahil hindi lang pagstustudy ang pinagkaabalahan namin kundi pati ang mga tasks.
Sabado ng umaga nang pumunta siya sa bahay. Kanina lang pagkatapos ng Faj'r ay nag-usap kami. She said she wants to go out. Pinayagan na raw siya pero gusto niya kasama ako. I joked about her asking Umie to let me go out with her.
Hindi ko naman alam na totohanin niya! Nasa gym ako ng bahay nang tinawag ako ni Ate Ganda. She lent me a face towel and a water.
"Shukran! Sino palang nandiyan?"
"Si Putrie, 'yong kaibigan mo..."
Ate Ganda is already 28. Alam ko namang may ipon na siya at pwede na siyang mag-asawa pero hindi pa raw sapat 'yon at nag-eenjoy naman daw siya sa pagiging single at pagiging kasambahay rito.
Seriously, she isn't a nanny for me. She's an older sister.
"Bakit siya nandiyan?" nagmadali akong pinunasan ang pawis at uminom.
"Lalabas daw kayo. Hindi mo alam?"
"Seryoso pala siya! Sige, maliligo lang po ako."
Dumiretso ako sa main living area. Naroon nga siya, kausap si Umie. She waved her hand when she saw me. Napalingon din sa gawi ko si Umie.
"Oh? May lakad pala kayo ni Putrie. You didn't tell me," Umie on her tea.
"I was... uh, yes?" nalito rin ako sa sasabihin.
"Sige. Maligo ka na sa taas. Huwag mong pag-hintayin si Putrie."
"Opo..."
Kununot ang noo ko kay Putrie. Her smile widened and she winked. Ang lakas talaga niya kay Umie!
Umakyat na ako para makapagligo at makapagbihis. It's already seven when I am done. Sobrang aga naman niya. Hindi ko alam kung may bukas na bang buildings sa ganito. And I wonder if she already ate breakfast.
I blowdried my hair and scooped it. Sumuot na ako ng hijab at bumaba. Wala na sila sa sala kaya kinailangan ko pang magtanong sa isang kasambahay kung nasaan sila.
"Sa lanai po..."
"Sige, Ate. Shukran."
Pumunta ako sa lanai at nakitang nag-uusap sila. Tumatawa-tawa pa ng mahinhin si Putrie na parang babaeng-babae. Parang hindi 'yong Putrie kapag nasa harapan ko.