5 [Fetch]

18 2 0
                                    


Time passed by quickly. Kahit lagi akong pinagtitripan ni Putrie, masaya naman ako na hindi siya lumipat. Senior High na kami at parehong ABM ang strand namin. At first, she wanted STEM but sometimes life should be practical.

Sa buong grade 9 at grade 10, hindi kami magkaklase. Kaya masaya kami ngayon na naging magkaklase kami ulit. This is for the whole two schoolyears.

"Alhamdulillah!" she was almost teary eyed. "Nabalance ko na, Aquila!" pinakita niya pa sa akin ang kanina niya pang binabalance.

"Alhamdulillah. Congrats."

"Grabe! Parang nanalo na ako! Tara, libre kita!"

Tumawa ako. "'Wag na!"

Bumalik kami sa room pagkatapos ng lunch. Kanina niya pa hindi makuha-kuha ang tamang sagot sa income statement pero, sa wakas, makalipas ng ilang oras natapos niya rin hanggang sa balance sheet.

Accounting ang subject namin kaya sobrang tahimik ng room. Everyone's listening since it's the first quarter examination of second semester next week. Ito na yata ang iniiyakan ng ABM students.

"Inaantok ako," Putrie whispered as she blinked how many times.

"Labanan mo..." bulong ko rin.

Mukha talaga siyang antok. Sa pagkakaalam ko, kagabi niya pa binabalance 'yon at nakatulugan na niya kaya pinagpatuloy na lang niya rito.

Sa huling klase ay nagkaroon kami ng free time dahil wala ang subject teacher. Nagkumpulan na ang iba't-ibang grupo sa klase. Pero may mga nagstustudy naman.

"Sali kayo, Aquila!" Esther smiled.

"Magcacafeteria kami!" si Putrie na ang sumagot at hinila ako.

Ngumiti lang ako kay Esther na kumaway na lang. Nagpatianod na ako kay Putrie dahil alam kong kailangan na naman niya ng iced coffee. Naghilamos pa siya sa restroom para tuluyang magising.

Nasa cafeteria na kami nang may pumasok ding grupo ng babae. Kasunod ay ang grupo nina Khalid. Hindi niya ako nakita kaya diretso lang ang lakad niya papunta sa dulong upuan kung saan sila madalas pumwesto magkakaibigan.

"Sayang si Khalid..." narinig ko ang hagikhik ng isang babae na nasa likod lang ni Putrie. Naghagikhikan din ang iba pang kasama ng babae. Sila 'yong grupo.

Putrie looked at them then back to me. She made a face.

"Mas gusto ko 'yong kuya niya. I heard he'll be replacing his father," maarteng sambit ng isang babaeng mapula-pula ang labi dahil sa liptint.

"Oo nga. Gwapo no'n! Si Abraham," another girl chuckled.

"Baka matali 'yon. Successful naman masyado! Wala na tayong pag-asa do'n. Meanwhile..." they all looked at Khalid. "Puwede pa kay Khalid..."

Ngumiwi si Putrie. "Ano ba 'yang pinagsasabi nila? Hindi ba nila alam na pinsan mo si Khalid?"

I shrugged. "Ano naman ngayon kung pinsan ko siya?"

"Mahiya naman sila kaunti."

Nagpigil ako ng ngiti. Akala mo naman hindi siya ganyan!

"Ba't ka natatawa?" she raised her brows.

Umiling lang ako at kumain sa macaroons na nabili. Nanatili lang ang kunot-noo nito habang kumakain din sa macaroons.

"Ang laki ng pamilya nila. Natatali raw talaga sila. Pinsan niya 'yong si Aquila—"

"Uy!" pinatahimik ng isang babae 'yong nagsasalita nang makita ako. Nilingon nila ako kaya nilipat ko na lang ang tingin kay Putrie na nakangisi na.

Heiress Series 1: Aquila Where stories live. Discover now