Kapag ang isang tao ay namamatay, nananatili ang kaluluwa niya ng apatnapung araw sa dimensyong ito. Magkakaroon siya ng sariling sinehan na malaki ang seating capacity, malakas ang aircon at komportable ang mga upuan.
Puwede siyang lumabas ng sinehan niya at manood sa sinehan ng ibang namatay na kasabay niya.
May rating pa rin siyempre, kaya puwede lang pumasok ang mga bata sa pelikulang rated G at PG.
Ang nakakalungkot lang, 'di puwedeng mag-iwan ang mga kaluluwa ng review sa Rotten Tomatoes.
This is Izza's after life story. Let us sit back and watch it unfold, shall we?
BINABASA MO ANG
Movie Houses for the Dead (A short love story) (COMPLETE)
FantasyPaano kung namatay tayo, mapupunta tayo sa isang lugar na maraming sinehan? Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang sinehan. Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang pelikula na ikinukuwento ang buhay niya. Puwedeng panoorin ng ibang namatay...