NAHANAP ko ang sinehan ni Kyle dahil nagpa-assist ako sa isa sa tao sa "information desk" ng lugar na iyon. Isang jeep ang naghatid sa 'kin sa sinehan ni Kyle. Nang nasa harap na ako ay pumikit ako, mabilis ang tibok ng puso.
Walang pila sa sinehan ni Kyle. Walang taong nanonood. May bantay ang pinto ng bawat sinehan, siya ang tinanong ko.
"Marami na po bang nanood nito?"
Umiling ang bantay.
"Bakit po kaya?"
Binigyan ako ng tipid na ngiti ng bantay. "In this dimension, only a few people watch the lives of beautiful and handsome people," sabi niya. "Iniisip kasi nila na madali ang buhay ng mga magaganda."
Natigilan ako saglit sa sinabi niya. Humugot uli ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Maliwanag pa sa sinehan ni Kyle, hindi pa pinapatay ang ilaw. Malamig na malamig sa loob. Punong-puno ang sinehan ng mga bakanteng silya. At sa unahan, nakita ko si Kyle. Nakilala ko siya kahit nakatalikod sa 'kin. Namatay ang mga ilaw. Umupo ako sa silya malayo sa kanya, sa hindi niya ako makikita.
Nagsimula ang pelikula ng buhay ni Kyle.
"Pa... ayoko po, Papa..." umiiyak si Kyle nang itulak siya ng tatay niya tapat ng isang computer.
"Putang-ina mo ka," sabi ng lalaking tinawag ni Kyle na papa. Stepfather lang siya ni Kyle, ayon sa voice over. "Magpapakita ka lang ng katawan. Walang gagawin sa 'yo. Malaking pera na. Nag-iinarte ka pang hayup ka."
"Pa, please, 'wag..." sabi ni Kyle, basag ang tinig.
Umangat ang kamay ng stepfather ni Kyle. "Ayus-ayusin mo at magugutom ang buong pamilya natin kapag nag-inarte ka."
Singhot nang singhot si Kyle. Iling nang iling. Hanggang sa wala siyang nagawa. Nakipag-chat siya sa isang foreigner gamit ang computer.
Take off your shirt.
You are so thin.
Are you crying? LOL. That is so fucking hot.
Cry, little bitch. Cry. I wanna see your tears.
Take off your shorts.
Nang matapos si Kyle ay tulala siyang naglakad ng banyo, naligo, hinugasan ang sarili. Nakapagbihis siya ng bagong damit pero ni hindi nakapagtuyo ng buhok nang maayos. Pagpasok niya sa kuwarto niya ay nakita niya ang nanay niyang nagpapasuso ng sanggol. Napatingin sa kanya ang nanay niya. Bumakas ang kalungkutan sa mukha ng nanay niya. "Anak, sorry. Anak..." sabi ng nanay ni Kyle sa basag na tinig. Dumadaloy ang luha sa magkabilang pisngi.
Hindi sumasagot si Kyle. Inilapag ng nanay niya ang sanggol sa sahig. Kumuha ng tuwalyang nakasampay sa sandalan ng silya. Lumapit sa kanya. Pinunasan ang basang buhok niya.
"Patawarin mo si mama, Kyle..." sabi ng mama niya, panay ang punas sa buhok niya. "Patawarin mo si mama..."
Umiyak ang sanggol na kapatid ni Kyle. Malakas at nakaririnding iyak, nilalamon ang paghingi ng tawad ng nanay ni Kyle.
Umiiyak na bumalik ang mama ni Kyle sa sanggol. Binuhat at marahang inalog. Kinantahan. "Patawad... patawad... hindi na mauulit... hindi na mauulit..."
Pero naulit. Naulit ng ilang beses.
Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. Laglag ang panga ko, panay ang agos ng luha sa magkabilang pisngi ko. Nakatingin ako kay Kyle na mukhang sa screen lang nakatutok ang mga mata.
May ilang eksena sa pelikula ni Kyle na umikot naman sa paaralan. Malungkot ang mukha ni Kyle, iniisip ang nangyayari sa kanilang tahanan, pero tuwing may makikitang isang tao ay napapangiti. Hindi muna pinakita kung sino ang taong iyon--ang taong nakakapagpangiti kay Kyle. Nagkaroon muna ng montage ng bawat pagngiti ni Kyle dahil sa taong iyon. Sa canteen, sa hagdan, sa school grounds. At sa huling eksena sa montage, pumaling ang camera sa taong nagpapangiti kay Kyle.
Ako.
Lalo pa akong nagulat.
Ako.
Ako nga.
Putang-ina ako nga.
Nag-slow motion ang eksena sa screen, nakalapit na siya sa 'kin, umakbay siya.
Sa mga ganitong pagkakataon, nakakalimutan ni Kyle lahat ng problema niya. Sa mga ganitong pagkakataon, nagiging masaya siya, sabi sa voice over.
Puta.
Iyak na ako nang iyak.
Tulo na nang tulo ang mga luha ko.
Takip-takip ko na ang bibig ko sa pagpigil na humagulgol.
Nagsalita muli ang voice over: Pero sa takot na mahusgahan kapag nalaman ng best friend niya ang totoo, itinago na lang ni Kyle ang kanyang nararamdaman. Kung alam lang ni Kyle. Kung alam lang ni Kyle na pareho sila ni Izza ng nararamdaman...
Natapos ang pelikula. Nag-roll na ang credits. Napatayo ako mula sa kinauupuan.
"Kyle," tawag ko sa kanya sa basag kong tinig.
Halatang nagulat si Kyle. Napatayo din. Tapos ay nilingon ako. Bumukas ang ilaw sa sinehan. Doon ko nakita na basa ng luha ang mukha niya.
"Izza..." sabi ni Kyle.
Naglakad ako pababa sa steps ng sinehan. Palapit sa kanya. At tulad ng sa pelikula, parang slow motion ang lahat. Siya naman ay naghihintay lang sa 'kin, luha pa rin nang luha.
Nang nasa harap na niya ako ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Sige na rin ako sa pag-iyak. "Hindi ko alam," sabi ko habang panay ang iling. "Dapat sinabi mo. Dapat sinabi mong ginagawa nila sa 'yo 'yon, Kyle. Dapat sinabi mo. Papakinggan naman kita, eh. Tulad ng pakikinig mo sa 'kin."
"Hindi ko kaya..." sabi niya. "Nahihiya ako."
"Kyle..."
"Nadudumihan ako..." gumaralgal ang tinig niya. "Sa sarili ko."
Umiling ako uli, pinunasan ang mga luha niya. "Hindi ka madumi, Kyle. Isa kang mabuting tao. Hindi ka madumi," sabi ko. Inulit-ulit ang huling pangungusap hanggang sa ibang mga salita na ang dumulas sa bibig ko. "Mahal kita."
"Mahal din kita," sabi ng umiiyak pa ring si Kyle. "Mahal na mahal kita."
And then, there were no more words left to say. Hindi na namin maibabalik ang dati. Hindi na rin naman namin mababago ang masakit naming nakaraan. We're already dead. Naiwan na namin ang buhay naming puno ng pasakit at hirap. We're starting anew. Now, we are just hoping we will face this new chapter of our lives together. And we are also hoping we would face this chapter of our lives happier.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Movie Houses for the Dead (A short love story) (COMPLETE)
FantasyPaano kung namatay tayo, mapupunta tayo sa isang lugar na maraming sinehan? Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang sinehan. Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang pelikula na ikinukuwento ang buhay niya. Puwedeng panoorin ng ibang namatay...