Had I known it was the last day of my life, I wouldn't have spent it crying.
My day began like any other day--pupunta sa school, mapupuri ng mga guro, mabu-bully ng mga kaklase.
"Taba! Taba! Baboy!"
Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong lalaki na tumatawag. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad sa corridor ng paaralan, yuko ang ulo, bitbit-bitbit ang mga libro ko. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan kaya may nabunggo akong grupo ng mga babae. Nagtilian ang mga babae kasabay ng paglagpak ng mga libro ko sa sahig.
"Ang laki mong harang, ah!" gigil na sigaw ng isa sa babaeng nabunggo ko. "Sakop mo corridor, eh!"
Malakas na tawanan. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakalaban. Nakayuko lang ako, nag-iinit ang mga mata. Nakatingin ako sa mga libro sa sahig. Hindi ko mapulot. Hirap akong dumapa o lumuhod dahil sa laki ng tiyan ko. Kapag ipinilit ko, mas magmumukha akong katawa-tawa sa harap nila. It made me feel sorrier for myself.
Sa pagkakayuko ko sa sahig ay nakakita ako ang makintab na sapatos ng isang lalaking palapit sa 'kin. Siya ang pumulot ng libro para sa 'kin. It was my best friend. Si Kyle. Crowned as the campus king last year. May pag-aalala sa mga mata niya nang iabot sa 'kin ang libro.
"Are you okay?" sabi niya sa malambing niyang tinig.
Bago pa ako makasagot ay lumapit na rin sa 'kin iyong mga kaklase kong lalaki na nang-aasar sa 'kin kanina.
"Izza," sabi sa 'kin ng isa sa kanila, si Emerson. May pera pampalagay ng braises pero walang pambili ng toothpaste. Salubong ang kilay niya. "Kanina ka pa namin tinatawag, eh. Dagdagan mo raw 'yong bayad mo sa tela para sa costume natin sa presentation."
Tumingin lang ako sa kanya, napalunok. Alam ko na kung bakit ako magdadagdag. Pero nagbaka-sakali akong hindi niya sasabihin, hindi ko maririnig. Nagbabaka-sakali akong hindi niya ako ipapahiya.
"Mas marami raw yarda ng tela ang dapat gamitin sa 'yo, eh," sabi ni Emerson. Kasunod niyon ay humagalpak ng tawa ang mga kasama niyang lalaki. Napailing si Emerson habang hinahagod ng tingin ang katawan ko--ang katawan kong pinandidirihan ko. "Para raw siyang nagtahi ng kumot. Lugi raw."
"Tumigil kayo," narinig kong mariing sabi ng best friend kong si Kyle. "Tumigil kayo sa pagtawa o magkakasamaan tayo."
Sinulyapan ko si Kyle. Nakakunot na ang noo niya at namumula na ang magkabila niyang pisngi sa galit. Kuyom na rin ang kamao niya at para nakahanda na siyang manakit. Dahil ayaw ko nang lumaki ang gulo, kinuha ko ang wallet ko sa bag, nag-abot ng pera kay Emerson at nagmamadaling umalis.
"Izza!" pagtawag sa 'kin ni Kyle. Pero hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad, palabas ng building. Nang naglalakad na ako sa school grounds, doon ko naramdamang may humawak sa braso ko.
Nang pumihit ako, nakita ko si Kyle. Parang naaawa siyang nakatingin sa 'kin. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya pero lalo niyang hinigpitan ang kapit niya sa 'kin.
"Mga gago sila Izza," sabi ni Kyle. "'Wag mo silang pinansin."
"Totoo naman ang sinabi nila," sabi ko, nagpupumilit pa ring makawala. "I am fat. I am fat, Kyle."
"It doesn't matter," sabi ni Kyle.
"It matters!" Luhaan akong tumitig sa kanya. "It matters."
"What matters is what's in the inside."
Natawa ako, napailing. "Madali lang sa 'yo na sabihin 'yan. Cause... look at you," sabi ko, itinuro siya. "You are so fucking beautiful."
"Izza."
"You are so handsome. You won't get it. Kahit kalahati ng nararamdaman ko, hindi mo maiintindihan. Your life is much easier. So, please, Kyle, just fucking leave me alone."
Itinulak ko siya. Napabitaw siya sa 'kin. Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero wala akong pakialam. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng campus. At alam kong sumusunod pa rin siya sa 'kin...
"Izza, listen to me..."
Hindi ko na siya pinansin. Malapit na kami sa gate.
"Alam kong mahirap pero--"
Nakalabas na kami ng gate. Nakarinig kami ng malakas at sunod-sunod na tunog ng preno. At paglingon ko sa kaliwa, may isang rumaragasang truck na palapit na sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Movie Houses for the Dead (A short love story) (COMPLETE)
FantasyPaano kung namatay tayo, mapupunta tayo sa isang lugar na maraming sinehan? Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang sinehan. Bawat namatay, magkakaroon ng sarili niyang pelikula na ikinukuwento ang buhay niya. Puwedeng panoorin ng ibang namatay...