June 22,2016
"Ellis!anak! Bumaba kana,umaga na!" Sigaw ni mama kaya agad naman akong bumangon.
Umaga nanaman at magsisimula na ang araw ko,alas kwatro palang ng umaga ginigising na ako ni nanay para pakainin ang mga baka,baboy at manok bagu pumasok sa paaralan.
"Magandang umaga ma" sabi ko at niyakap siya,gumanti naman ng yakap si mama.
Pumunta na ako sa labas ng bahay para pakainin ang mga alaga namin. Inuna ko ang mga baboy dahil kailangan ko pa itong linisan sunod naman ay ang manok at baka.
Nasa bukid kami naninirahan at dito na ako lumaki pero nasa lungsod ako nag-aaral dahil wala ng senior HS dito. Malayo-layo kami sa karamihang tao kung saan naninirahan at sabi lang ni mama hindi daw gusto ni papa na maingay at maraming tao.Kahit na sa malayo kami maayos naman para sakin.
Hinahatid naman ako ni papa palabas sa sityo namin at ako naman ay sumasakay sa bus papunta ng paaralan.
Pagkatapos ng lahat pumasok na ako muli sa bahay at kita kung nagluluto si mama habang si papa nama'y bumabasa ng kalendaryo."Magandang umaga pa" nginitian niya naman ako.
Sinanay nila akong bumati sa bawat taong kakilala ko pero sa school tahimik lang ako dahil kakaiba sila,parang nasusungitan sila sakin at bilang lang sa daliri ang kilala ko sa school. Hindi naman ako maldita at wala akong nakaaway sa school pero kahit tinignan lang nila ako pansin sa kanilang tingin na ayaw nila sakin.
Naligo nako't nagbihis at pumunta sa hapagkainan.
"Gusto mo ba ng gatas anak?"
"Kape na po ma,tatlong buwan nalang at mag e-eighteen nako. Medyo matanda nako para sa gatas"
Tumawa naman si mama at nagtimpla habang si papa nama'y kumakain na tahimik lang. Tinapos ko na ang pagkain ko at nag-ayos. Mga alas says panaman at medyo maaga pa para sa oras ng klase,seven-thirty kasi mag sta-start ang class tapos alas singko naman matatapos.
"Pa,hali na po kayo" aya ko kay papa para ihatid ako. Lumabas na ako pero pansin kung may isang itim na sasakyan na medyo malayo sa labas ng gate ng bahay namin "Kilala mo ba sila pa?" Iling lang ang sagut ni papa at hindi ito pinansin. Sumakay na ako sa motor at pina-andar ni papa.
Habang umaandar ang motor ay tinignan ko ang kotseng itim,hindi ko inakalang makikita ko sa loob na may isang matandang lalaki na may mahabang puting balbas at binigyan ako ng isang mangilabot na ngiti,agad akong tumingin sa harapan at nagtatakang inisip kung pano ko ito na kita,black printed ang kotse at sigurado akong walang sinuman ang makakita sa loob mula dito sa pwesto ko at medyo malayo ang kotse kung saan kami ni papa dumaan.
Umiling na lang ako at sinubukang e-wala sa isip at baka guni-guni ko lang yun.
"Anak nandito na tayo't bumaba kana"
Balisa akong bumaba sa motor at nagpa-alam kay papa. Kita ko naman sa kabilang kalye si Meica na kumakaway sakin kaya ay kumaway rin ako. Siya pala ang nag iisang malapit kung kaibigan at magkla-klase rin kami.
"Ellis! Pa kopya naman oh! Sa chemistry lang naman eh,nakalimutan ko yun dahil you know gumimik kami nila Anika. Buti nalang di ka sumama para'y maka-kopya ako sayo"
Agad naman akong napa ismid. 'Buti nala'y magkaibigan tayo kung hindi kanina pakita na pagsabihan!' Sabi ko sa isipan ko. Hindi ko naman kayang hindi siya pagbigyan,siya lang naman kasi ang nakakaintindi sakin maliban sa pamilya ko.
Sumakay muna kami sa bus at umupo bagu ko binigay sa kanya ang assignment ko.
"Thank you talaga Ellis! Mwuah! Mwuah! Aylabyo na talaga!" Giliw niya pang sabi habang nag fla-flying kiss sakin. Tinawanan ko naman siya at tumahimik.

YOU ARE READING
PRIMAVERA'S IMMORTAL
Random[on going] Isang bata ipinanganak na mamumuno sa kanilang kaharian ngunit may isang malaking trahidyang naganap, inataki ng mga mortal na tao ang kanilang pag pupulong kaya ay nakuha at nadala ng mga mortal ang sanggol. Papatayin na sana ito ngunit...