REVELATION (#1)

30 18 0
                                    

Minulat ko ang aking mata,puti ang kapaligiran at ang tanging ingay lang dito ang makinang nandito. Inangat ko ang ulo ko at ramdam ko ang kirot. Pinilit kung tumayo pero biglang dumating si Meica at tinulungan ako.

"Mabuting naka gising kana Ellis, napa absent ka pa sa chemistry pero pinass ko naman ang assignment mo. 3hours kana dito sana'y hindi na medyo makirut yang ulo mo"

"Ano pala nangyari sayo ba't nawalan ka ng malay?" nandito pala si Anika, hindi kami close sila lang ni Meica.

"Baka dahil sa tirik na init ng araw guro tapos napili pa naming maglakad sa field"palusot ko,gusto kung makakasagot agad sa bawat tanong ni Anika kasi walang katapusang pagtatanong ang gagawin niya at kapag naka sagot kanaman ay iba nanaman ang sasabihin niya

"Baka mga Ellis!"

Biglang naalala ko ang nangyari kanina, nawalan pala ako ng malay at hula ko parang tumama ang ulo ko sa tuhod ni Meica ng sinalo niya ako, para bang nabigatan siya sakin at ayon tumama ang ulo ko.

Ba't parang sapul lahat ng sinabi ko?  parang nangyari talaga, hindi lang hula.

"Aasshhh! Bigla lang naman kasi pumasok yun sa isip ko!" sabi ko at  binatukan ang sarili ko

"hoy! Ano kaba kakagising mo pa ngalang sinasaktan mo na sarili mo! Jus ko!"

Umiling lang ako at kinuha ang bag, lumabas na ako dun sa clinic at lalabas na sa school. Pakiramdam ko nga ay nasa kondesyon ang katawan ko at aktibo. Na inip talaga ako! Hindi pa ako nakapasok sa dalawang major subject tapos umulan pa!

Tatlong hakbang nalang at makakalabas na ako sa gate pero bigla kung na alala ang dahilan kung bakit ako na walan ng malay.

Baka magkakatotoo yun?

Agad kung hinablot ang kamay ni Meica at sabay kaming tumakbo papunta sa waiting station ng bus.

"Hintayin niyo ako hoy!" pahabol na sigaw ni Anika.

"Ba't parang namamadali tayo? Mamaya panamang Alas syete ang stop ng pamamarada ng bus"

Tinignan ko lang siya at huminga ng malalim. Nang dumating ang bus ay agad kaming sumakay habang si Anika nama'y na iwan at agad naman siyang naka sakay sa nakasunod na bus.

May hindi maganda akong kutob sa nangyayari ngayon, malakas ang pag pintig ng puso ko na para bang lalabas ito dahil sa lakas ng pintig. Namalayan ko sa mukha niya na maraming pagtataka o tanong at pagkalito "Mamaya ko nalang sasabihin sayo pag nakarating na tayo sa bahay. Tawagan mo ang iyong ama at pauwiin na" sabi ko sa kanya at sinunod naman ako.

Sa bahay namin ngayon matutulog si Meica, kagabi pa namin yun plinano pero hindi naman niya first time sa kasalukuyan nga ay parang yun na ang ikalawa niyang bahay kasi matagal na kaming magkaibigan ni Meica simula pa nung musmus pa kami.

"Hindi sinasagot ni papa yung tawag ko, nag riring lang"

Napa buga ako ng hininga at napababa ng balikat pero na bawi ng papaano ang lungkot ko dahil dumating na kami. Pagbaba namin ay agad kaming tumakbo papuntang bahay, kahit ay basa na kami sa ulan at maputik na ang paa namin patuloy parin kaming tumatakbo.

Nasa harapan na kami ng gate at kita kung madilim ang bahay namin,maski isang ilaw ay walang naka On. Walang alinglangan na pumasok ako at dun nagsimula ang kaba sa dibdib at takot. Medyo bukas unti ang pintuan hudyat na may pumasok nga, sinesyasan ko si Meica na manahimik at sumunod sakin.

Papalit na kami sa maysala at bigla nalang nag On ang ilaw at ipinakita ng liwanag ang mama't papa kung naka upo lamang sa sofa at ang papa  Meica na inaayos ang main switch ng mga ilaw. Parang natanggalan ng tinik ang puso ko at agad kung niyakap ang mama't papa.

"Pa! Nandito kalang po pala,Kanina pa kita tinatawagan,Akala ko po ano na nangyari sayo!" agad namang napa yakap siya sa kanyang ama. Pansin ko sa kanilang mga mukha na nalilito sa gawa namin.

"Pasensya na po ma't pa natagalan kami umulan naman po kasi"

"Na intindihan ko iyon, ang hindi maipaliwanag ay ang mga mukha niyong hindi maipinta sa pagkakita niyo samin, para bang ilang buwan tayong hindi nagkita at ngayon lang ulit nagkita-kita" kuno't nuong tanong ni mama.

"Hindi naman po sa ganun ma. Sabay-sabay na lang tayong kumain"

"Mabuti pa, sige ihain niyo na sa lamesa ang niluto kung apritada at barbikyong baboy" tugod ni papa na napagawa akong ngumiti.

Tinulungan ako ni Meica sa paghahain ng pagkain,aalis na sana siya pero may pinahabilin ako sa kanya "Meica sana hindi mo ma e sabi sa kanila na nahimatay ako at wagkanang magtaka kung bakit tayo nagmamadali kanina, may hindi magandang na-isip lang ako nun at nagpadala ako,nadamay ka pa sa pagkataranta. Ang importante ay ligtas sila,tayo" sabi ko at binigyan siya ng ngiti at tinapik ang balikat niya.

Masay kaming kumain sa hapagkainan at nagkwekwentuhan pero hindi natuloy ang plano naming dito matulog si Meica dahil pinauwi siya ng kanyang ama,wala naman kaming magawa dahil ama niya nayun. Electrician pala ang papa niya kaya pala naparito siya sa bahay namin.

Humiga na ako sa kama ko at pumikit. Habang palalim ng palalim ang pagtulog ko naririnig ko nanaman ang mga narinig ko kanina pero mas iba na ngayon at sumabay pa ang sakit ng ulo ko. Hindi mo makagawang sumigaw dahil sa sakit dahil baka marinig ito nila mama't papa at baka ano pa ang isipin.

'nahanap karin namin' yan ang katagang pa ulit-ulit at ang pinakahuling na narinig ko at bumalik na uli sa normal,parang isang pitik lang at nawala ang ingay at sakit ng ulo ko. Kaya pinilit kung makatulog dahil baka bumalik pa iyon at mahirapan akong makatulog.

KINABUKASAN ay napagising ako dahil sa ingay sa ibaba, madaling araw pa at hindi pa lumalabas ang araw kaya narinig ko ang paguusap at may kumakalabog pa pero hindi masyadong malinaw ang aking naririnig.

Bumaba ako ng dahan-dahan sa hagdan at nakita ko sila mama't papang nag uusap.

"Hindi ko na kayang magtago pa sa kanya Martel! Sabihin nanatin! Malapit na siyang mag eighteen,sigurado namang nasa tamang edad na siya para malaman nya"

Sigurado akong ako ang kanilang tinukoy,nandito parin ako sa pwesto ko at gusto kung malaman ang kanilang mag uusap tungkol sakin

"Baka ma bigla siya luis?  Hindi na lang kaya natin sabihin? Parang hindi naman yata niya na papansin"

Dahil don nagawa ko ng magsalita at sumingit sa pag-uusap nila, karapatan kung mawalan at syaka ako ang kanilang tinutukoy "Ma?pa? Ano ang dapat kung malaman? May tinatago po ba kayo sakin?"  inosenteng tanong ko.

"Ellis ako na ang magsasabi sayo-"

"Ako! Ang magsasabi Luis!  Diniditerso retso mo!  Baka ma bigla siya! "

Hindi ako kumibo at hinitay ang sasabihin nila.

"Sana'y maunawaan mo ito at wagka sanang mag tanim ng galit samin.Ellis hi-hindi ka talaga na-namin anak,am-ampon ka namin" naluluhang tugon ni mama, pati rin ako napaluha narin. Tinutukan ko ang kanilang mga mukha at ngayon ko lang na pansin na magkaiba talaga at hindi kami magkahawig. Hindi ko ito na pansin sa loob ng labing pitung taon,ganun pala sila kagaling mag inarteng parang tunay nila akong anak.  Napabilib nila ako.

Hindi parin tumitigil ang ang pag-agos ng luha ko. Bumalik ako sa kwarto at dun ng lumo

Ampon ako at yun ang totoo.

PRIMAVERA'S IMMORTALWhere stories live. Discover now