Part 4

1 0 0
                                    

I fight the urge to spurt curses towards the wife of my uncle, and even when words are practically racing to get out of my mouth I tortured my head to control my trap.

Sa pagpipigil kong murahin ang tita ko ay halos nakain ko yata lahat ng nasa harapan ko, pati na yung kakahain lang na dessert ay pinapak ko na.

I know Dylan noticed my eating spree pero hindi ko siya pinansin at dinagdagan pa ang laman ng bibig ko kahit punong-puno na ito.

Mas pabor nga ito sakanya dahil baka mainsulto din ang kanyang mama kapag namura ko ang aking tita. Mrs. Gerero might take it that she is included.

Thankfully Dylan didn't pry though. Mukha lang itong natutuwa sa mga pinaggagawa ko, o kung hindi man ito natutuwa ay baka namamangha lang ito na parang nakakakita ng isang endangered specie sa sarili niyang bahay. He even handed me another slice of cake nang matapos ko ang una kong kinuha.

We haven't said a word to each other apart from our introduction earlier. Maging ang paghawak niya sa kamay ko kanina ay hindi namin inungkat. Hindi ko naman ito makausap dahil naaagaw ng tita ko ang atensyon ko sa mga pinag-uusapan nila.

"You mean nasa Hong Kong pala ang anak ni Selena ngayon instead of running the company?" Mrs. Gerero innocently asked.

I wanted to wave at her nang sabihin niya ito. Andito po ako sa harapan ninyo actually.

"Mas pinili kasi ng bata ang Tourism kesa sa Business course. Alam mo nanghihinayang nga ako eh."

Hinayang my asz.

The look in my Auntie's face was very convincing. Too good to read the lies written in her face. Kung hindi ko lang talaga kilala ang itim na budhi nito baka nauto na rin ako.

"But the company is given by her mom. Sayang naman ang pinaghirapan nito that it won't end up with her daughter."

"I know!" Sagot ni tita na parang si Kris Aquino.

"Pero kung yun talaga ang gusto niya, okay lang naman mare. She can still handle the company naman. Selena's business involves Tourism and Travel eh" gusto kong tumango sa sinabi ni Mrs. Gerero. Oo nga tita. Kaso may dragon pong ayaw ipahawak sa akin ang kompanya dahil hindi daw ako Sandoval.

They are talking about me and the company my mom left me before she died. Kinakamusta ni Mr. Gerero ang kumpanya dahil hanga daw siya sa aking ina noong nabubuhay pa ito. Umaandar na naman si tita sa mga script niyang hindi naman totoo. Gusto ko sanang magsuggest na maging writer nalang ito at baka hindi na niya kailanganin ang milyones ng mga Gerero dahil ang galing nitong umimbento ng storya. That way baka hindi na kami ipatapon sa impyerno dahil sa gagawin naming pagsisinungaling.

What happened to the talk about our marriage? Ayun. Dylan said that he's going to push through the wedding. He said it coolly habang nakahawak sa kamay ko. Hindi pa niya binitawan mula kanina actually. He said he wanted the wedding to happen lalo na at nagkita na rin daw kami sawakas.

"I'm okay with whatever date Grace will pick"

Thank God wala akong nabuga na pagkain dahil sa sinabi ni Dylan. He just called me Grace, aside from my grandmother ay siya lang ang tumawag nito sa akin dito sa Pilipinas. feeling ko tuloy ako talaga ang ikakasal sakanya imbes na ang pinsan ko.

Tango lang ako ng tango nang sabihin niya iyon habang pinipigilan ang pisngi na pumula dahil apparently alam ng mga Gerero na may gusto talaga si Nathalie sa anak nilang si Dylan. It was so awkward dahil hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong sabihin. Malay ko ba kung ano ang alam nila sa feelings ng pinsan kong tulog ngayon.

The only thing that is bothering me right now is that, Wala ba talagang nakakita noon sa pinsan ko? Bakit ang dali nilang tanggapin na ako si Nathalie. Kilalang-kilala nila si Tita Solina pero hindi ang anak nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretending to be Nathalie Grace SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon