Dumating kami sa mansyon ng mga Gerero nang bandang maghahapunan na kaya dumiretso kaagad kami sa dining room.
Iginiya kami ng iilang katulong kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para mamangha sa malaki nilang mansyon. At least nakasilip ako sa pool area nilang alam na alam kong doble pa ang laki sa pool sa bahay ni lola.
Kahit gusto ko sanang igala ang mga mata ko ay hindi ko na nagawa. Mas mabilis ba naman sa nag walkathon kung makalakad si Tita, wala ka talagang choice kundi maglakad na rin ng mabilis. Parang alam na alam nito ang mansyon ng mga Gerero. It must be her long time dream to finally meet them here.
Sa huli ay sumang-ayon na ako sa kabaliwan ng tita ko. Medyo alangan pa rin ako hanggang ngayon pero naghahamon talaga itong patunayan na isa akong Sandoval.
Edi patunayan!
Sinalubong kami ng babaeng hula ko ay nasa early fourties na. Kung higit man ang edad nito dito ay hindi halata dahil batang-bata pa itong tignan. Her hair was obviously dyed into black pero kahit ganoon ay maganda parin ito. May kasama din itong isa pang babae na nakangiting bumati sa amin. Kapatid daw ito ng mapapangasawa ni Nathalie.
"You must be Nathalie" Lumapit ito at yumakap sa akin. Yeah right. Ako nga pala si Nathalie.
Kahit labag sa kalooban ko ay napapayag parin ako ni tita sa kanyang kagustuhan. If this is the only way to prove to her na may karapatan akong gamitin ang apelyido ng ina ko ay gagawin ko. I know it was a trap pero wala na akong pakialam. This is for my mom that is why okay lang maging tanga.
Before I could even say a nasty comment ay inunahan ko na ang sarili ko. I smiled brightly at the woman my tita called Miranda Gerero. Ito na siguro yung ina ng mapapangasawa ng pinsang kong naka coma, este mapapangasawa ko pala.
Damn! That word. Ni hindi pa nga ako ready na matali eh.
"Good evening po, Mrs. Gerero" napipilitan kong bati dito.
Nagliwanag ang mukha nito ng ikumpirma ko ang kanyang sinabi.
"Oh dear. Call me Mommy. Tutal magiging asawa mo na next month ang baby ko" pinaglalaruan nito ang buhok ko na parang manika.
Pfft gusto kong matawa. Mukhang mommy's boy pala tong tipo ni Nathalie eh. Akala ko kung sino nang macho papa at pumayag siya agad na magpakasal.
Tumango ako dito kahit na nakakailang na mommy kaagad ang itawag ko pero bahala na ang peg ko kaya mas lumabas ang pagiging masiyahin nito. Bumaling ulit ito kay tita.
"Your daughter is so beautiful Solina. Dylan won't regret agreeing to this"
"You think, Miranda?"
Tumalon talon ang ginang. "Excited na akong dumating ang baby ko"
Mas maganda sana ang mapapangasawa ng anak niyo Mrs. Gerero. Hindi nga lang nagmana kay tita Solina pero mas maganda yun. Kung hindi nga lang nagtulog-tulogan eh.
Gusto kong umiling nang wala man lang akong nakitang pag-alinlangan sa mukha ni tita nang sabihin ni Mrs. Gerero na anak ako nito. If anything para itong proud na proud na sinabing nasa dugo namin ang magaganda. She could pass as a great actress with that smile kung hindi ko lang alam ang nasa script niya.
Wow. Now that I think about it, kanina lang sinabi nitong nagdududa parin siya sa pagiging Sandoval ko ah?
"Bagay na bagay sila ng baby boy ko"
Patuloy lang silang masayang nagku-kwentohan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin binanggit ni Mrs. Gerero na baby boy ang anak niya.
Naiimagine ko tuloy ang kabuuan nito bilang isang nerd na masakitin at walang ibang ginawa kung hindi magsumbong sa nanay niya kapag may masamang nangyari sa school. I mean, office na pala ngayon. I heard he is finally taking over their family business.
Nakisali na rin sa usapan nila yung kapatid daw ni Dylan na Paris daw ang pangalan.
Lumayo nalang ako sakanila at piniling tumayo malapit sa pinto. Baka may oras pa para makatakas ako dito at iligtas ang sarili ko sa saltik sa utak ng tita ko. I didn't get to execute my plan though dahil may dumating din at napunta ang pansin ng lahat sa taong nasa likod ko ngayon.
"Mom, stop. Baka sabihin nang mapapangasawa ko bata pa ang pakakasalan niya"
Agad na sinalubong ni Mrs. Gerero ang bagong dumating kaya sinundan ko ito ng tingin. Nang mapunta na sa nagsalita ang mata ko ay bigla nalang akong nanigas.
"Hi, I'm Dylan Jalandoni Gerero" pakilala ng isang gwapong adonis sa harapan ko.
Napalunok pa ako.
Hindi naman sinabi ni Tita na model pala ng men's magazine ang mapapangasawa ko kaya napasinghap ako ng wala sa oras. Sa mukha palang nito ay siguradong sold out na ang magazine na magiging cover siya. Dagdag hotness pa nang makita kong light brown pala ang mata ni pogi, mahaba ang pilik-mata at isang kissable lips.
Perfect na perfect!
Bumaba ang tingin ko sa lalaki. The three piece suit didn't have much power to cover that gorgeous figure he's trying to hide. Alam ng mata ko kahit napakadesente ng suot niya ay may tinatago itong walong tinapay sa ilalim.
Infairness, may taste pala talaga ang pinsan ko.
Kating-kati tuloy akong magpakilala dito. Celestina Grace Sandoval Ferrer pala babe. Tumitili ata ako sa isip. Eh kaso naalala kong andyan pala ang bruha kong tita. Pinandilatan ako nito ng mata nang matagalan ako bago nagsalita.
"Nathalie Grace Dy Sandoval" agad kong saad dito.
Naglahad ito ng kamay na mabilis ko namang kinuha. Hindi halatang malandi Celestina nu?
Mas lalo akong hindi na guilty dahil tulad ko ay nakatitig lang sa akin ang lalaki pagkatapos naming mag shake hands. Pabor din naman iyon sa malandi kong mata dahil na tatanaw ko na ang lahat ng masarap sakanya. Joke. Ang hot eh.
Natigil lang kaming dalawa nang pinaupo na kami ni Sir Devon Gerero, daddy daw ni Dylan. Magkasabay pala na dumating ang dalawa kasama ang isa pang lalaki na kuya naman daw nito pero hindi ko man lang napansin dahil sa malakas na presensya ni Dylan.
Sumunod kaming lahat at kanya-kanya na silang umupo sa assigned seat. Hindi naman ako na inform na magkatabi pala kami ng seating arrangement ni Dylan kaya nagulat pa ako nang pinaghila niya ako ng upuan.
"Thanks" mahinhin kong sabi.
Tumango siya at tinabihan na ako ng nakangiti.
Nagsi-upuan na ang lahat at nagsimula ng magserve ng masasarap na dish ang mga katulong ng mga Gerero. Kahit distracted ako sa mga pagkain ay mas nahatak ang atensyon ko nang magsalita ang lalaking Gerero.
"So Let's discuss about the marriage?" He said.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko nang hinawakan ni Dylan ang kamay ko. Kikiligin o Magi-guilty?
BINABASA MO ANG
Pretending to be Nathalie Grace Sandoval
Fiksi RemajaGrace is finally okay with everything that she has. Kahit hindi niya makuha-kuha ang kumpanya ng kanyang ina dahil may kontrbida siyang Auntie ay successful naman siya lalo na at gustong gusto niya ang trabaho niya. She's not giving it up though...