“What the fvck!” Malakas na mura ko nanaman.
Kung kanina ay dilat lang na mata ang nakuha ko galing kay tito at tita, ngayon ay nahagis na talaga ni tita ang pamaypay niya patungo sa direksyon ko.
Sinubukan kong umilag pero naipunto talaga nito sa aking noo. Sapol na sapol.
“Ang bibig mo Celestina!” namumula nitong sigaw.
“Eh bakit kasi kayo nanggu-goodtime!”
Hinihimas ko ang ulong natamaan ng malaking pamaypay nito. It will surely leave a mark. Ang lakas ng pagkakahagis ng tita niya. Sadyang alam na siguro nito na magmumura ako kaya agad niyang pinalipad papunta sa akin ang sandata niya.
Masama pa rin ang tingin ni tita sa akin kaya ginaya ko rin siya.
“We don’t have time to play jokes with you, Celestina” bumalik ito sa pormal niyang pagkakaupo.
Celestina! Celestina! Palagi nalang Celestina. Sinasadya talaga ng matandang to na mainis ako eh.
My second name is Grace! Mas maikli lang kaysa sa Celestina pero ang bruha gusto talagang ibigkas. Si lola nga kahit dalawa kaming Grace na apo niya iyon parin ang tawag sa akin eh.
“Then wag nyo akong patawanin” napupuno ko ring sigaw.
“We don’t have a choice, Cel.” pinipilit nitong pakalmahin ang kanyang boses.
Umikot ang mata ko dahil sa kaniyang sagot. Gasgas na gasgas na iyang linyang yan para sa akin.
We don't have a choice, we don't have a choice pa pero ang totoo may choice naman talaga sila. Napili lang talaga nila yung napakabobong option sa pinagpipilian nila.
“You have another option tita. We tell them that my cousin is in coma”
What’s wrong with telling the Gerero’s the truth. Which is by the way the right thing to do at this very moment. Deserve naman nila yun dahil involve sila sa kasunduan.
My cousin is in coma because of a car accident. Nangyari iyon noong birthday niya at lasing siyang nagdrive pauwi.
Antok na antok na ito at lasing pero nagpumilit paring mag drive sabi ng mga kaibigan niya.
Obiviously, she can't marry Dylan Gerero a month from now dahil hindi pa ito nagigising.
Anong mali doon? Edi magpakasal sila kaagad kapag nagising si Nathalie.
“And what? Delay the union? Sayang ang opportunity Cel. Matagal na naming nililigawan si Dylan para pumayag sa kasal. He was so persistent in not marrying Nathalie dahil hindi pa niya ito nakikita pero recently may himala yata at pumayag ito. Ang kaso nga lang pumayag ito isang araw matapos ma coma ang pinsan mo.” sumingit na rin si tito sa usapan pero nakikita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni tito habang nagpapaliwanag ito.
“Find another company then. Kung hindi nila matanggap na nasa coma ang anak mo then find a new company”
“The Gerero Empire is the best in this field, Celestina and we need them now”
Napasabunot nalang ako ng aking buhok. Eh sa nasa coma nga si Nathalie. Anong magagawa namin? Ipakasal siya ng tulog?
This is crazy! I mean tita is crazy! At ito namang tito ko walang ibang ginawa kung hindi sumang-ayun sa asawa niya. Isa pa tong baliw. Hindi ko matanggap na kadugo ko ito.
“Sa pagkadesperada ninyo magagawa ninyo silang lokohin.”
“They won’t know and get hurt if you won’t say a word”
BINABASA MO ANG
Pretending to be Nathalie Grace Sandoval
Novela JuvenilGrace is finally okay with everything that she has. Kahit hindi niya makuha-kuha ang kumpanya ng kanyang ina dahil may kontrbida siyang Auntie ay successful naman siya lalo na at gustong gusto niya ang trabaho niya. She's not giving it up though...