"Thanks, Cj! Ingat ka," pagpapaalam ko sa bestfriend ko bago bumaba sa sasakyan niya.
Papasok na sana ako ng classroom nang makasalubong ko si Miss Lopez.
"Valderama, sumunod ka sa faculty." Masungit na wika niya at sumenyas na sumunod ako. Aish, ano na naman ba?!
Pairap irap pa ako habang sumusunod sa kaniya papuntang faculty. Hay, ang gandang bungad sa umaga.
"I noticed that you and Hiro are already close. Kanina lang, his parents called me to make sure that he's getting along with others well." Inayos niya ang salamin niya bago umupo. Tumango lamang ako, para iparating na naiintindihan ko ang sinasabi niya.
"I want you to be his buddy for a week. Wala ka namang gagawin na mahirap, samahan mo lang siya palagi and much better if you'll give him a quick tour sa school. We both know that your grades in Calculus aren't good. I'm gonna consider giving you an incentive kapag ginawa mo ang sinabi ko."
Hm, not bad. Pumayag ako sa gustong mangyari ni Miss Lopez at dinismiss na niya ako pagkatapos.
"Hey," bati ko kay Hiro pagkapasok ko ng classroom namin.
"Wow, mukhang maganda gising mo ah. " Natatawang sabi niya habang nakahalumbaba sa tabi ko.
"You can say that, yes. Anyway, gusto mo bang sumabay nalang sa'kin tuwing lunch?" Nanlaki ang mga mata niya before giving out a grin.
"Wait, are you lowkey asking me out? Kasi masyado kang mabilis. Hindi pa ako ready sa commitment... pero kung pipilitin mo ako, I might give you a chance since cute ka naman." Hindi agad ako nakapagsalita pagkatapos ng mga sinabi niya.
Ang kapal!
"Wow, ang pogi mo naman pala 'no?" Sarkastikong sabi ko bago siya irapan.
"I know, thanks." He winked at me and before I could even react, pumasok na si Miss Lopez para maglecture. Damn Calculus, math daw pero puro letters? What a scam!
--
Noong break time, inaya ko si Hiro na sumabay kumain sa'kin."Vegetarian ka pala?" I asked him dahil salad lang ang nasa tray niya. I actually didn't notice kung anong kinain niya kahapon.
He smiled at me showing his perfect set of teeth. Wow, sana all. "Nah, mahilig lang ako sa gulay but I'm not a vegetarian."
"Oooooh. Second day palang niya pero naunahan na agad tayo ni Ashley." Napalingon ako sa grupo ng mga babae sa kabilang table.
Candice Lee and her friends, sino pa nga ba? Sila lang naman ang reyna reynahan sa school na 'to. Akala yata nila sa movie kami at mga feeling queen bees, palibhasa isa sa mga shareholders ang daddy niya ng school na 'to.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagmadali na lang kumain. As if namang type ko si Japanese guy, tss.
"Hey, I'm sorry if I dragged you into this. Hindi ko naman kasalanan na gwapo ako e." Tinignan ko si Hiro na bahagyang natatawa sa harapan ko.
"As if namang ginusto kong makasama ka," ah, shit! Ang daldal ko rin talaga minsan ano?
He gave me a puzzled look at bahagyang itinagilid ang ulo na para bang inaalisa kung anong nasa utak ko. Napatitig rin tuloy ako sa kanya. To be honest, ang gwapo niya talaga. Pwede siyang maging bida sa isang japanese movie.
Nanlaki ang mga mata ko nung narealize ko kung anong mga naiisip ko.
"What?" I defensively asked nung makitang ngiting ngiti ang lokong 'to.
Umiling lamang siya at tumayo na nang makitang tapos na ako kumain. Whew.
--
Bumalik na kami sa classroom at nagkakagulo ang classmates namin. Anong meron?"Guys, guys! May meeting daw ang teachers ngayon! Party party muna tayo wooh!" Sigaw ni Alden na isa sa mga magugulo kong classmates habang nakatayo pa sa desk.
Tutal wala naman akong gagawin, matutulog nalang muna ako. Kinuha ko 'yung bag ko at inilagay sa floor at tsaka ako natulog. What a great day!
