YON

737 18 2
                                    

"Girls, laro tayo?" Sabi ni CJ habang itinuturo 'yung Timezone sa 'di kalayuan.

Nasa mall kaming apat ngayon dahil Sabado naman at wala kaming ibang gagawin.

Dumiretso agad sina Steff at CJ doon sa Pump It Up dahil iyon talaga ang paborito nilang gawin tuwing nandito kami. Alam niyo ba 'yun? 'Yung game kung saan tatapakan mo 'yung arrows na ipinapakita sa screen, ganon.

Kakanta nalang sana kami ni Loreign ngayon at bibili na kaming dalawa ng card nang makasabay namin 'yung boyfriend niya na kasama ang barkada.

"Babe! I didn't know na nandito ka pala. What's up, Ash." Ngumiti lang ako kay Dean at tumango naman kay Lo bago siya sumama dito.

Hmm, okay. Guess I have no choice but to bond with myself.

Nagpunta nalang ako doon sa machine na makakakuha ng stuffed toys pagkatapos ko bumili ng card.



"What the-!" Iritang irita na ako at gusto ko nang sipain 'tong machine sa harapan ko dahil magi-isang oras na ako dito pero wala pa rin akong nakukuhang kahit ano!

"Weak," nagulat ako nang may bumulong sa kaliwang tenga ko at paglingon ko, si Hiro pala.

"Tigilan mo ako, mainit ang ulo ko." Inirapan ko siya bago nagwalk out dahil nakita ko rin na hinahanap ako ni Steff at CJ.



Kumakain kami sa Bonchon ngayon, ito kasi ang favorite naming apat kaya almost everytime na kakain kami sa labas, dito talaga.

"Ash, kailan pala uuwi parents mo?" Tanong sa akin ni Steff.

"I actually don't know rin e, why?"

"Ayain ko sana si Loreign magsleepover sa house mo para 'di ka naman sad."

Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang hinihintay si Lo na kumain kasama si Dean.

"Saan banda ka nakapark, Cj?" tanong ni Steff habang tinatanggal ang heels niya. Kanina pa siya nagrereklamo sa heels na suot niya dahil masikip daw kaya naisipan naming umuwi na kaagad.

Itinuro ni Cj kung nasaan ang sasakyan niya nang may humawak sa braso ko.

Paglingon ko, isang pawisan na Hiro ang bumungad sa'kin. Hinihingal pa ito na parang tumakbo ng sobrang bilis.

"Hiro?"

Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya 'yung itinatago niya sa likuran niya.

"Oh my gosh, Hiro! Thank you so much!" Di ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya matapos niyang iabot sa akin 'yung teddy bear na kanina ko pa pinipilit na kuhanin sa claw machine.

Pagkaalis ko ng yakap sa kanya, napansin kong pulang pula ang tenga nito. Omg, I just hugged him!

"Shocks, omg sorry! Natuwa lang ako masyado. Salamat talaga, Hiro. Naappreciate ko, sobra." I smiled widely at napansin kong mas lalong namula ang tenga niya.

"See you tomorrow, Ash." Ginulo niya amg buhok ko at bigla nalang naglakad palayo. Sht. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Okay, what was that?


--

Pag-uwi ko sa bahay, nagpahinga lang ako sandali pagkatapis ay naisipan kong mag-ayos na ng mga dadalhin ko para sa fieldtrip bukas.

Sa Tagaytay ang fieldtrip namin at doon daw kami magsstay sa isa sa mga kilalang hotels doon.

Kung ano man ang activities na gagawin namin bukas ay hindi ko rin alam kaya naman nagdala ako ng mga importanteng bagay but not too many things dahil baka hindi magkasya sa duffel bag na dadalhin ko.

After packing my things, nanood muna ako ng series na The Vampire Diaries bago ako tuluyang nakatulog.

My Japanese Guy(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon