SAN

817 20 4
                                        

Nagising ako nang makarinig ng mga bulungan sa paligid.

Umayos na ako ng upo sa desk at nagulat nang makita si Candice sa loob ng classroom namin na parang may hinahanap. Bakit siya nandito e taga kabilang section siya?

Napatigil ang paghahanap niya nang mapatingin siya kay Hiro. "You."

Nanonood lang kami ng buong klase habang hinihila niya si Hiro papalabas ng classroom. Nang makalabas sila ay tumingin naman sa'kin ang classmates ko.

"Ash, close ba sila?" Tanong sakin ni Ella na sinagot ko lamang ng kibit balikat dahil hindi ko naman talaga alam.




Uwian na at hindi pa rin bumabalik si Hiro. Should I just leave his bag or what? Ako na lamang ang natitira sa classroom dahil nga hindi pa kinukuha ni Hiro ang bag niya.

"Hey, bakit nandito ka pa?" Napalingon ako sa nagsalita at wow, bumalik pa siya.

"Wala, pauwi na rin ako. Sige, bye." Tumayo na ako at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko.

"Tss, alam kong hinintay mo ako dahil nandito pa ang bag ko." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Damn, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Huwag ka nang maarte diyan, tara na. Ang tagal mo, tss." Hindi ko mapigilan ang ngumiti matapos kong tumalikod sa kanya.




"Saan ka dinala ni Candice?" I asked him habang naglalakad kami papalabas ng gate.

"Faculty, gusto niyang ipalipat ako ng section para daw classmates kami. Spoiled din ang isang 'yun ano?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Yup, malas mo at type ka ng queen bee."

"Malas niya rin at ikaw ang type ko." Napatigil ako sa paglalakad at hinampas ang braso niya. "Kadiri ka!" Natatawang sabi ko kaya tumawa na rin siya.

"Kadiri pero kinikilig ka, aminin mo."

"Ewan ko sa'yo! Sana malipat ka ng section," pabirong sabi ko at tumigil nang maglakad dahil nasa may gate na kami at nakikita ko na ang sasakyan namin sa labas.

"Bye," ginulo niya ang buhok ko bago tumalikod at itinaas ang kaliwang kamay bilang pagkaway.

"Bye," bulong ko naman habang nakangiting nakatingin sa kanya.




Yup, I think I'm screwed.

My Japanese Guy(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon