Chapter 20: The Greatest Decision

318 8 2
                                    

Caelum

Chapter 20: The Greatest Decision

By: inSHANity

[Lohan Zyle's POV]

Andito kami ngayon ni Kielle sa Medina Int'l Hospital. Dadalawin namin si Masami at si Xander. Almost one month nang coma si Masami. Naaawa na nga kami kay Xander kasi stressed na siya masyado magbantay kay Masami habang yung tatay ni Masami, hayun, nagpapayaman. Pero paminsan-minsan naman ehh dumadalaw yung kuya at pinsan ni Masami. Hindi lang kaso madalas dahil may kanya-kanya rin silang mga kumpanyang pinapatakbo.

"Uy teka... Zyle! Sandali nga! Hintayin mo naman ako oh."  Pagmamaktol ni Kielle. Nauuna kasi akong maglakad. Kung tatanungin niyo ako kung bakit kasama ko to, forget it. Wala akong balak mag-explain.

[a/n: Remember Zyle and Xyriez, yung mga bestfriend nina Tear at Zeke?]

 

"Eh kasi naman po, Ms. Kielle Xyriez Medina, ang bagal mo po kasing maglakad."  Pang-aasar ko sa kanya. Hinampas naman niya ako sa balikat at natawa ako. Kanina pa nakatingin samin ang mga tao. But who cares? Normal lang naman yan sa tulad naming mga artista. Buti nga't hindi kami pinagkakaguluhan. Kahit papaano, may respeto ang mga tao sa hospital xD

And yes. We're celebrities. Singers to be exact.

Nag-asaran lang kami ni Kielle at napatigil lang nang dumating kami sa ICU. Usually visitors aren't allowed, pero dahil kasama ko ang anak ng may-ari ng Medina Int'l, we got in easily.

Pagpasok namin, una kong nakita ang kawawa at haggard na mukha ni Xander. Halatang-halata na napuyat siya ng husto. Napatingin siya samin ni Kielle nang buksan namin ang pinto at napatayo. Hinilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya na para bang pinipilit niyang manatiling gising para bantayan si Masami.

"Uy, dude. Kayo pala yan. Pasok kayo."  Sabi niya at pinaupo kami sa sofa.

 

"Thanks dude. Musta na nga pala ang lagay ni Masami?"  tanong ko. Napabuntong-hininga nalang siya.

"Walang pinagbago ehh... Ganun parin. She's still in critical condition. For almost a month now."  Sagot niya at napatingin sa gilid na tila may naisip siyang ayaw niyang matandaan.

"Eh ikaw? Nakapag... desisyon ka na ba kung anong isasagot mo sa proposal ng Jung Clan?"  nag-aalinlangan kong tanong. He stared at me. Those cold eyes of his looking so sincere. He's been my best friend since who knows when, but this is the first time I saw that look in his eyes. Like he feels that he should give up, but he doesn't want to.

"I have never changed my decision, Zyle. Since the beginning, I had no plans of giving up on Tear. If they can't see that, then I'll have to show them how dead serious I am."  Napatahimik kaming dalawa ni Kielle at nagkatinginan sandali dahil sa sagot ni Xander. From my peripheral vision, I saw her smile.

"You're a really great guy, Xander. I'm glad my best friend has you."  Sabi ni Kielle. Yeah. Some people might not realize that, but Xander really is a great man.

"Thanks. Thanks for entrusting Tear to me."  He said then smiled weakly. Halatang-halata na talagang inaantok na siya.

 

"Xander, I think you should rest dude. Kahit dito man lang sa sofa oh."  I suggested. Napansin kong aangal pa siya kaya hinatak ko na siya at itinulak pahiga dun sa isang sofa. See. If he was in his normal state, mahihirapan pa sana akong itulak siya, pero ngayon parang hangin lang ang itinulak ko.

Caelum [UCA SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon